Lia's POV
*Park*
Nasa park lang ako ngayun dahil weekend naman,dito lang ako nagala pag ako lang mag-isa at walang kasama. Maganda kasi dito may mga batang naglalaro,may mga lovers na nagtutukaan Haha,may magagandang damo,may banda rin tuwing 3:00 ng hapon.
2:30 na nga pala ngayun,wala naman akong ginagawa dala ko lang yung Sketch ko at nagd-drawing. Nakaupo sa isang benchmark na walang katabi.
"Hello everyone,good afternoon!" Yung lalaki sa mini stage. Siguro maaga darating ung banda.
"Gusto kong ipakilala sa inyo ang bagong banda na Neon Band!" Nagsipalakpakan yung mga tao sa Park at pati rin ako. May bagong band?Magagaling siguro 'to. Mga lalaki sila,Apat sila yung isa dun vocalist,Guitarist, drummer at beatbox. Hindi ko masyado makita kasi andaming nakaharang eh.
At nagsimula ng kumanta....
"Di ko maintindihan ang nilalaman ng puso,tuwing magkahawak
ang ating kamay pinapalanangin lagi tayo'ng magkasama...Hinihiling bawat oras kapiling ka,Sa lahat ng aking ginagawa ikaw lamang.. ang nasa isip ko sinta…
Sana'y hindi na tayo magkahiwalay kahit kailan pa man...
Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi 'kong inaasam
Makapiling ka habang buhay ikaw lamang sinta..Wala na 'kong hihingin pa,wala na.."
Ang ganda ng boses nya *__* bakit ganun,parang pamilyar pero diko alam kung kanino?Hindi ko kasi makita eh. Kung pumunta kaya 'ko sa harapan.
Ang daming nakaharang ano bayan T__T hirap makadaan. Hindi ko tuloy makita kung sino yung nakanta.
"Excuse me...excuse me." Whoooo!nakadaan rin sa wakas. Ghad!totoo ba itong nakikita ko si Aizen Kean ang kumakanta?O____O ang galing nya kumanta tapos nakapikit pa sya para bang dinadamdam nya yung kanta. Nang matapos sya kumanta may sinabi sya na ikinasakit ng puso ko.
"Para ito sa babaeng gusto ay hindi Mahal ko pala. Kung narinig mo man ito...Ang masasabi ko lang 'Ikaw lamang ang aking minamahal'" Masakit diba... Kahapon nagmukmok lang ako sa kwarto ko dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Tapos ngayon ulit nasasaktan nanaman ako. :"(
Nagsihiyawan yung mga tao na nakarinig ng sinabi nya.
"AWW...ANG SWERTE NAMAN NG GIRL NA YON!" Yan ang mga sinasabi ng mga tao. Kaya napapangiti lang si Kean.
Sa ngayon nakatingin lang ako sa kanya na kasalukuyang inaayos yung mic. Napatingin sya sa direksyon ko kaya umiwas ako at tumalikod na. Aalis na sana ako ng may tumawag saakin. Sakto at si Kean iyon. Tinawag nya 'ko gamit ang mic nya kaya napatingin saakin ang mga tao. May umakbay naman saakin huh?Sino 'to?
"Hi Hailey!" Si Axel lang pala. Nakita kong pababa si Kean sa stage at ngayon ay papalapit sya saamin. Nabigla siguro sya kasi nung tinawag nya 'ko wala pa si Axel eh,pero bigla kasing dumating si Axel kaya ayan.
"Lia ahm okay lang ba boses ko kanina?"
"Oo naman" Sabi ko sa kanya while matching smile/fake smile pala -__-
"Ahh talaga thank you,Axel dito karin pala"
"Ahh Oo napapunta lang haha,may pinuntahan kasi ako dito eh"
"Sino naman pinuntahan mo?" Sabay tingin nya saakin. Wag nyang sabihin na ako pinuntahan nya.
"Si Lia...tara Lia,Kain tayo treat ko!:D"
BINABASA MO ANG
Crazy Inlove with You
Teen FictionLia, Simpleng babae na may matagal ng gusto sa isang Hearthrob ng school nila marahil hindi sya napapansin nito dahilan ng maraming babae ang nakapalibot sa Hearthrob at si Lia ay nakatingin lang sa malayo para silayan Ito.