Axel's POV
Na saan na ba yung si Hailey este Lia, ayaw nya palang tinatawag syang Hailey. Ang ganda-ganda ng pangalan tapos ayaw ayun ang ipatawag.
"Oy Lia!" Lumingon sya saakin na nakakunot ang noo, bakit ba ang laki ng galit nito saakin.
"Bakit Fc?" Tapos lagi yan ang tawag nya saakin FC. Tsk FC ba ako sa kanya?Siguro Oo anubayan nakikipag-kaibigan lang naman ako eh. Iba siguro tingin nya sa ganun.
"Wala sige.." Ang Timang ko naman bakit ko ba sinabi yun,edi wala ako ngayun Kausap. Wala pa naman akong Kakilala dito hindi naman kasi ako masyadong nakikipagusap eh. Kay Lia lang simula nung nagkabungguan kami.
Naglakad nalang ako sa school grounds tutal wala pa namang teacher ang classroom namin. Kaya lang naiinis ako kasi yung mga babae kung makatitig saakin akala mo hinuhubaran na ako f*ck!I Hate girls! Except kay Lia, hindi sya ganyan, pero itong mga 'to sh*t nakakainis!
"Axel,are you here?" Yung lalaki na hindi ko kilala,sino ba sya?bakla ba 'to?
"Sino ka?"
"Ako 'to si Aizen,Aizen Kean yung bestfriend mo nung elementary tayo. Bilis mo naman makalimut nagkahiwalay lang tayo ng school ganyan kana"
"Ikaw na yan,Ow bro sorry haha!Hindi kita nakalimutan bro diko lang naano yung mukha mo haha!Gumwapo kana bro. And syempre ako din gwapo Hahaha!" Di ko akalain na dito rin nag-aaral ang bestfriend ko actually hanggang ngayun kaibigan parin kami,Kaya lang nung pagdating ng first year to third year high school nawala yung communication namin kaya hindi namin alam ang isa't-isa. Pero ngayun nalaman kong sya ang Bestfriend ko. Good timing.
"Musta Bro?" Tanong ko sa kanya. Tagal narin kaming hindi naguusap ng mokong na ito eh.
"Ayos lang sobrang daming gawain sa school"
"May girlfriend kana ba bro?"
"Wala. Yung taong gusto ko kasi hindi ko alam kung may gusto saakin." Tapos bigla syang tumawa. Pero alam kong fake yung tawa nya. Sino naman kaya yung babae na sinasabi nyang gusto nya?
"Ikaw ba bro may girlfriend ka" Pabalik nyang tanong saakin.
"Wala rin,hindi naman ako mahilig sa ganyan eh" Hindi ko lang alam kung hindi nga talaga ako mahilig sa ganyan. Pero kasi hindi pa ako naiinlove eh,never pa.
"Nga pala sino ba yang babaeng gusto mo?"
"Ha?Wala.sige time na ng class namin eh. Maya nalang bro!" At tumakbo na sya palayo. Ako naman ito naiwan sa bench... ng biglang may kumalabit saakin pagkalingon ko naman si Lia. Anong ginagawa nya rito?
"Uy Axel.." tinatawag nya ako pero hindi ko sya nililingon. Umupo sya sa tabi ko. Psh ano ba kasi ginagawa nya rito?
"Axel..sige na nga sorry..." Huh?bakit sya nagsosorry saakin?
This time liningon ko na sya,at sya naman kasalukuyang nakayuko at hindi nakatingin saakin.
"Bakit ka nagsosorry?"
"Kasi..alam kong ayaw mong tinatawag kitang fc diba. Sorry sa kanina.." Sabay tumayo na sya at umalis.
(A/N: pasingit haha yung Point of View ni Aizen kean,wait nyo lang hahaha hirap kasi magisip charot sadyang may tamang time lang talaga para lumabas ang POV nya haha. And kung nalilito kayo sa Aizen and Kean na name iisa lang yun. Aizen kean magkarugtong. Dibale yung tawag lang ni Lia kay Aizen is Kean.hahaha yun lang. Thanks sa nagbabasa and luvlots all :*)
BINABASA MO ANG
Crazy Inlove with You
Novela JuvenilLia, Simpleng babae na may matagal ng gusto sa isang Hearthrob ng school nila marahil hindi sya napapansin nito dahilan ng maraming babae ang nakapalibot sa Hearthrob at si Lia ay nakatingin lang sa malayo para silayan Ito.