Kabanata 1Shey's Point of view
"Bilisan mo nga dyan, panget! Pabagal-bagal kala mo naman ang ganda." sabi ng isang babae sa likuran ko.
Nakapila ako sa canteen at wala silang paki kung bakit matagal, ako ba yung nagtitinda? Kikitid ng utak kahit na alam naman niya na maraming nakapila.
"Ano? Hindi kapa tapos dyan?" Iritadong pagkakasabi niya.
Hindi na lang ako kumibo at hinayaan siya sa mga pinagsasabi niya. Nang makuha ko na yung binili kong pancit canton ay binilisan ko na lang ang paglakad ko.
"Ooops! Sorry." Aniya ng isang babaeng nasa likod ko kanina.
Buong tao sa canteen ang nagtawanan ng madapa ako sa sahig at pagtapon ng pancit canton sa uniform ko.
Mabilis akong bumangon at yung natirang pancit canton sa cup ko ay inihagis ko sa kanya.
"Ooops! Sinasadya." Bahid sa ngiti ko pang-iinsulto. She deserve that!
Nagulat lahat ng istudyante sa ginawa ko. Hindi naman talaga ako lumalaban lalo na kapag di sila ang nauna. Alam kong panget ako, pero wag naman nila ipagnuknukan.
"Fvck!" Mura niya habang nakatitig sa uniform niya na kasing-dumi ko na din ngayon.
Lumapit siya sa 'kin at nilagpasan lang ako. Wow! Kala ko sasabunutan na niya ko o sasampalin.
"Palaban kana ngayon, shigidig a." Nilingon ko yung nagsalita sa likod ko na pamilyar ang mukha at inirapan siya.
Nakatitig padin ang mga iilan na istudyante sa 'kin habang naglalakad ako palabas ng canteen. For your information wala po akong sakit na nakakahawa tanging mga tigyawat lamang sa mukha.
Hindi ako makapaniwala na nagawa ko sa kanya yun. Nasanay na din naman kasi akong tinutukso simula noong bata pa ako hanggang ngayon, pero buong buhay ko ngayon lang ako lumaban.
Nakatitig lang ako sa salamin sa C.R at pinagmamasdan ang mukha ko na puno ng tigyawat at ang uniform ko na may sauce ng pancit canton.
Kailan ba sila titigil sa pangbubully sa 'kin? Pag gumanda ako? Pag umayos na yung mukha ko? Pag naging rich kid na din ba ako? Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Ngayon pa ba ako susuko? Lahat nga tiniis ko eh, ito pa kaya?!
Pinunasan ko kaagad ang luha ko ng may lumabas sa dulo ng c.r.
Handa naman na ako kung may maririnig ako sa kanya na di kaaya-aya."Diba ikaw si Shey?" Bungad niya sa 'kin.
Hindi na din naman ako magtataka kung kilala na nila ako. Ako kaya ang reyna ng kapangitan sa Evergreen Univsersity. Reyna ng pangungutya at tigyawat.
"Oo." Kunot noo kong sagot.
Maganda siya at halatang rich kid sa porma pa lang ng uniform niya at sa rebandeng buhok.
"Alam mo? Dapat lang sa kanya yun. Hindi porket panget ka eh pagtitripan kana nila." Seryosong pagkakasabi niya habang nagpupulbo sa harap ng salamin.
Tinititigan ko lang siya habang naglalagay ng kung ano-ano sa mukha. Ang ganda shet! Kung ganyan lang mukha ko sumali na ako sa mga pageant, eh kaso hindi pang Bb.Undas lang ang kaya ng mukha ko.
"Why?" Kunot noo naman niyang tanong ng napansin niyang nakatitig ako sa kanya. Dumiretso kaagad ako ng tingin sa mukha ko sa salamin.
Nakakahiya sa mukha ko ang daming tigyawat samantalang sa kanya baby face. Nag-pulbo na lang din ako nagbabakasaling matakpan yung ibang tigyawat sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
Reyna Ng Kapangitan
Teen FictionSiya si Shey Tenefrancia nangangarap na gumanda at magkaroon ng mga kaibigan. May tatanggap paba sa mukha niyang puno ng tigyawat, may mag tatangka pa kayang manligaw kahit na maraming nandidiri sa kanya. Mas pinili ni Shey na wag na lang lumaban sa...