Kabanata 5

1 1 0
                                    

Kabanata 5

Seph's Point of view.

Masama ang naging pang-aasar ko sa kapatid kong panget kaya ito ako ngayon naka-bantay lang sa kanya sa malayo. Hindi ko din naman sinadya yun yung pang-aasar ko sa kanya at sanay naman rin siya sa pang-aasar ko.

Nakatingin lang ako sa kanya sa di kalayuan at may nakita akong babaeng nakatalikod na kausap ni Shey ngayon.

Halos mga kinse-minuto nadin ako naghihintay kung anong gagawin nitong kapatid ko. Hindi na sana lalala yung sitwasyon kung hindi ko na lang siya inasar-asar. Kaya ngayon ako yung nagdurusa, dahil siguradong yari ako kala Mama at Papa kapag may nangyari ditong di maganda. Panget na nga siya lalo pang papanget. Tsssk.

Halos langawin na ako at pinagtitinginan na dahil sa nagmumukha na akong gwapong snatcher sa gilid ng Mcdo. Tanaw na tanaw ko siya na seryosong nakikipag-usap sa magandang babae na mukhang amerikana dahil sa kulay.

"Kuya? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng isang pamilyar na boses.

Halos manlaki ang mata ko ng makita ko si Sophia na halos kunot ng hinarap ko. May mga kasama din siyang mga kaklase niya na kasing edad niya lang din. Yari talaga 'to kay Mama group project pala!

"Diba, Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan?" Binalik ko sa kanya ang tanong. Ako dapat talaga ang magtatanong sa kanya niyan. Dahil sa akin lahat ang buntong kapag nalaman nila Mama at Papa nag gumagala 'tong pangil na 'to.

Bago siya sumagot lumingon muna siya sa tatlong niyang kasama na lalaki at isang babae. "Bibili lang kami sa national bookstore." Sabay irap niya sa 'kin.

Nilapitan ko yung tatlong lalaki na ngumingisi-ngisi sa likod niya.
"Huy? Ano kayo ni Sophia?" May pagbabanta sa tanong ko na halos sila ay nagsitahimik.

Wala ni-isa kanila ang sumagot at nakatingin sa ibaba na kala mo may hinahanap.

"Kayo!" Sabay duro ko sa noo nila isa-isa. "Wag niyong pinopormahan 'tong kapatid ko. Alam na alam ko yan dahil gawain ko din yan dati." Bigla silang tumawang tatlo na parang alam na nila yung pinagsasabi ko. Mga lokong-bata.
Si Sophia naman yung pinag-sabihan ko at nilingon ulit siya. "Huy? Ikaw! Wag ka masyadong didikit-dikit sa mga lalaki na 'to. Baka gusto mong makarating 'to kala Mama." Tumango-tango lang siya.

"Sige Kuya, Love you. Dito na kami." Sabay hila niya sa mga kasama niya.

"Umuwi ka ng maaga!" Sigaw ko habang di pa nakakalayo.

Niligon ko kaagad si Shey kung saan siya nakatayo kanina pero ni anino niya ay wala na pati yung babaeng kausap niya.

Holyshit! Napagulo na lang ako ng buhok ko sa sobrang frustrated. Ngayon di ko na alam kung saan yung asungot na yun. Kinuha ko kaagad yung cellphone at tinawagan siya.

Shit! Nag r-ring lang pero hindi niya sinasagot. Alangan di niya talaga sasagutin 'to alam na alam ko ugali nun asungot na yun.

Shey's Point of view

Mga labing-limang minuto din ang lumipas bago dumating si Heaven.

"Shey!" Yakap na yakap sa akin si Heaven pagpasok na pagpasok niya sa mall. Niyakap ko din pabalik.

"Thanks." Sabay alis ng pagkakayakap ko.

"For what?" Kunot-noo niyang tanong.

"Kasi sinundo mo ko." Simple kong sagot. Nahihiya na ako kaagad sa mga dumadaan na tao at napapatingin sa amin ni Heaven.

"Tsssk. Wala yun! Tara na nga kain muna tayo. " Sabay hila niya sa kanang-kamay ko.

Sa kalagitanaan ng paglalakad namin kung saan kami kakain ay biglang may tumawag. Pag-tingin ko si Seph. Kapal ng mukha tumawag pa as if naman na sasagutin ko. Neknek niya!

"Sa Shakey's na lang tayo." Ani Heaven habang nakatingin sa restaurant na Shakey's na katapat namin ngayon.


Hindi na ako sumagot at pumasok na kaagad kami sa Shakey's.
Bigla kong naalala na wala pala akong pera. Nakakahiya!

"Anong order mo?" Ani Heaven habang tutok sa pagpili ng oorderin niya.

"Water na lang, busog pa kasi ako." Alibay ko pero sa totoo kanina pa kumukulo itong kalamnan ko. Pag-alis kasi namin ni Seph ay hindi na ako kumain dahil buong akala ko ay ililibre niya ako. Pero ito ako ngayon gutom-gutom.


"Okay. Basta kapag nagutom ka pabili kana lang treat ko naman don't worry. At saka wag kana mahiya sa akin." Ani Heaven na seryosong nakatingin sa mukha ko. Shocks! Why she's so very pretty? Why she's perfect? Why? Why? Why? Wala siyang panget na anggulo kumpara sa akin na kahit anong anggulo may tigyawat.
Yung mata pa niya na may pagka hazelnut ang kulay. Yung dress niya na floral at yung hair niyang messy-bun na perfect sa kanyang dress. Mamamatay na ata ako sa inggit tuwing kaharap ko si Heaven. At ang dami kong tanong sa sarili ko tuwing kaharap ko si Heaven.

Pagkatapos namin kumain ay naisipan ni Heaven na mag grocery at syempre wala akong magagawa kundi samahan siya.

"Kuha ka lang kung anong gusto mo, Shey." Asik ni Heaven habang naghahanap ng bibilihan niya. Ganun din ang ginawa ko naghanap-hanap pero di ko bibilhin.

Habang tumitingin ako ng iba't-ibang klaseng wine at may narinig akong pamilyar na boses.


"Dude? We need to try this one." Rinig na rinig ko ang boses ni Leomar sa di kalayuan at halos manlaki ang mata ko na kasama niya si Seph. Kasama niya din ang iba pang mga varsity player ng basketball.

Omg! Kailangan kong ng umalis dito. Maglalakad na sana ako palayo sa kanila. Pero mukhang napansin ako ni Leomar kaya mabilisan siyang pumunta sa kinatatayuan ko.

"Shey?" Ani Leomar sa gilid ko. Tuloy lang ang tingin ko sa mga wine na parang hindi siya narinig. Bumibilis na naman yung tibok ng puso ko sa malaman na dahilan.

Kita ko din sa peripheral vision ko na nagsunudan ang mga kasama niya pati na din si Seph sa gilid ko. Ramdam na ramdam ko ang mga titig ng mata nila sa akin na para bang nakakita ng multo.


Nagulat ako ng hilain ni Seph yung braso ko kaya napaalis ako sa gilid ni Leomar.

"Kilala mo yan Seph?" Tanong ni Leomar at nakatitig ang mata sa akin.

"Yaa, Kapatid ko." Simpleng sagot ni Seph na halos nag-iba yung ekpresyong ng kanilang mukha.

"Shey?" Nilingon ko si Heaven na nasa gilid ko na halos manlaki din ang mata sa mga nakita niya.

Tinanggal ko kaagad ang pagkakahawak ni Seph sa braso ko at agaran naglakad papunta sa tabi ni Heaven.

"Kilala mo sila?" Ani Heaven at nakatingin sa grupo ni Leomar.
Samantalang si Kupal naman ay titig na titig kay Heaven.


"Tara na nga Heaven!" Sabay hila ko sa kanya. Nagpatianod din siya at sumunod sa 'kin.

Reyna Ng KapangitanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon