Kabanata 6
Shey's Point of view
Pag-uwi ko kaagad sa bahay ay nadatnan ko ang kapatid kong si Sophia na nunuod ng T.V.
"Wala pa sila Mama?" Tanong ko habang nagtatanggal ng sapatos.
Halos maghahating gabi na din kasi ng makauwi ako. Pasalamat talaga kay Heaven dahil hinatid niya pa ako hanggang dito sa bahay. Sigurado akong chismis-chismisan na naman kung sino yung naghatid sa akin.
"Wala pa." Ani Sophi na walang lingon-lingon sa akin.
Pumasok kaagad ako sa kwarto ko at hindi parin matanggal yung kaba na nangyari kanina sa mall. Kinakabahan ako dahil alam na ni Leomar na kapatid ko si Seph at hindi lang si Leomar ang nakakaalam kundi pati mga kaibigan niya din. Ang daming tanong na gumugulo sa utak ko.
Kumain na lang muna ako ng dried mangoes galing sa ref namin. "Gusto mo?" Anyaya ko kay Sophia na busy kakanuod ng T.V.
Umiling lang siya. Good para masolo ko 'to. I love sweets at hindi na ako magtataka kung magkaroon ako ng diabetis.
"Saan ka galing kanin?" Tanong ko habang ngumangatngat ng dried mangos at nanunuod na din ng Minute to win it sa channel 2.
"Sa kaklase at saka pumunta na din sa mall." Mabilis niyang sagot.
"Nakita ko nga si Kuya na parang may sinusundan sa mall e." Aniya at bumaling na din sa 'kin.Hindi ko na din kasi siya napansin noong dumating na si Heaven. Pero alam kung sinundan niya ako noong pumasok ako sa mall.
"Uhmm, Sino naman kaya? Alam mo naman daming fans niyon ungas na yun."
Marami talagang fans yun lalo na school. Pag dumadating nga yun sa school daming kumakaway na babae sa kanya. Feeling artista ang ungas pero sa bahay utusan lang naman.
"Oo nga. Btw ate ako nga pala ilalaban sa lahat ng 2nd year for this coming beauty pageant." Excited na pagkakasabi niya.
Wow?! Di ko alam na kontesera na pala ngayon 'tong kapatid ko. Hindi ko din alam na sumali din siya sa pageant sa school namin. Ang alam ko kasi mamimili ng tig-iisang istudyante na iilaban sa isang section, tapos kung sino ang mukukuha ay maglalaban-laban pa sa iba pa ulit na section. So siya pala ang nanalo?
"We? Bakit di ko alam na sumasali ka pala sa ganyan? Eh di ikaw pala yung nanalo sa lahat ng 2nd year student ng school natin?" Seryoso kong tanong na parang katiwa-tiwala sa sinabi niya.
Malay ko ba na pinagloloko lang pala ako nitong pangil na 'to. Mas maganda na naninigurado. Basta palihim na lang ako susuporta sa kanya if kung totoo.
"Oo, wala ka bang tiwala sa ganda ko ti? Oo nga pala wala ka kasing ganda." Sabay irap niya sa 'kin. "Charot lang ate! Labyu." Lumapit siya sa akin sabay hug. Plastik!
Alam ko naman yun eh. Kung ikukumpara sa kanila ako lang talaga ata yung kakaiba na ganito ang mukha. Pero aaminin ko maganda ako pag walang tigyawat, naging muse kaya ako dati noong grade school. Kala niyo ah? Ano? Ano? Papalag?
"Doon ka nga plastik nito!" Sabay tulak ko sa kanya palayo.
Nilingon ko yung bintana at nadatnan ko ang kadiliman nito. Sigurado akong lagot na naman Seph nito kapag nasobrahan na naman yung oras niya sa pagbubulakbol. Pasalamat siya dahil wala pa sila Mama at Papa. Buti nga siya kahit gabihin di mabubuntis eh kami delikado na. Ay sila lang pala wala naman magtatangka sa akin. Mapili na din ang mga rapist ngayon kala naman nila ang gagwapo. Pwe!
Mga ilang oras na din ang nakalipas ng dumating na si Mama at Papa. Saka lang din nila napansin na hanggang ngayon ay wala pa din Seph at maski ako di ko rin alam. Bahala siya sa buhay niya. Kala niya ganun na lang kadali yung nangyari sa mall kanina.
"Kala ko ba kasama mo si Seph kanina Shey?" Seryosong tanong sa akin ni Mama habang kino-contact si Seph.
Contact contact pa nandyan lang naman yan si Seph sa tabi-tabi at saka malamang ay kasama niya sila Leomar ngayon.
"Di ko alam doon ma. Alam mo naman yun kung saan-saan pumupunta." Pagsisinungaling ko. Bahala siya buhay niya. Dapat lang sa kanya yan. Pero ayoko din naman nag pinag-aalala si Mama at Papa dahil lang sa pag-uwi niya ng hating gabi.
"Sabi niya bibilhan ka daw niya e." Tarantang pagkakasabi ni Mama dahil sa pagko-contact kay Seph.
Si Papa naman ay nasa labas ng bahay inaabagan si Seph pag-uwi at si Sophia naman ay kanina pa nakatulog. Wish lang ni Seph na di siya salubungin ng kamao ni Papa pag-uwi niya. Wag na wag din siyang uuwi ng nakainom.
"Anong bibilhin?" Kunot noo kong tanong. Siguro sinabi niya lang yan kay Mama para makapag-mall ang ungas at makabili na naman ng kung anong gusto niya. Style niya bulok!
Hindi umimik si Mama sa tanong at nanatiling kino-contact si Seph.
Pumasok ako sa kwarto at at pagtingin ko ay may text si Seph sa akin.Seph
Nandito ako kala Leomar b-day ng ka team ko sa basketball. Pakisabi na lang kala Mama.
Pagtingin ko ay 6:30PM niya iyon tinext at pagtingin ko ngayon sa oras ay mag aalas-dose na. Ngayon ko lang din naman kasi tinignan ulit yung cellphone ko pag-uwi kanina.
"Ma? Nandoon daw siya sa kaibigan niya na si Leomar. Birthday daw ng ka team niya sa basketball." Asik ko at napahinto kaagad si Mama sa pag-contact kay Seph.
"Anong oras na? Wala ba daw siyang balak umuwi? At saka bakit di niya sinasagot yung tawag?" Taranta ni Mama.
"Kanina pa niya tinext sa 'kin 'to. Alas sais pa." Ani ko ng biglang nag ring ang cellphone ko.
Agad ko sin sinagot ang unknown number.
"Hello?"
"S-Shey? Si Leomar 'to."
Ramdam ko ang pagkataranta ng boses niya at agad kaagad ako kinutuban."B-bakit?"
"Nandito kami ngayon sa ospital. Sa St.Lukes Medical Center."
"B-Bakit? A-anong nangyari?"
Bigla akong napalunok sa mga pinagsasabi niya. Fuck!"B-basta pumunta na lang kayo. Susunduin ko kayo sa labas ng ospital." Ani niya sabay binaba amg telepono.
BINABASA MO ANG
Reyna Ng Kapangitan
Teen FictionSiya si Shey Tenefrancia nangangarap na gumanda at magkaroon ng mga kaibigan. May tatanggap paba sa mukha niyang puno ng tigyawat, may mag tatangka pa kayang manligaw kahit na maraming nandidiri sa kanya. Mas pinili ni Shey na wag na lang lumaban sa...