Kabanata 3
Shey's Point of view
Dumating ako sa room ng matiwasay ng di nakakarinig ng kahit anong pang-aasar sa kahit na sino. Ang sarap din pala sa pakiramdam ng walang panunukso kahit isang araw lang.
Nanatili akong tahimik sa room at as usual wala akong kakwentuhan dahil wala ni isa nang-ahas para kausapin ako. Hindi ako namimilit sa taong may ayaw. Nag try ko na din naman silang kausapin pero ni isa sa kanila ay walang nagsasalita.
Halos lahat sila ay may kanya kanyang grupo ng magkakaibigan yung iba ay sumusulyap sa akin at yung iba ay iniirapan ako. Pero di maiiwasan na kapag may groupings ay kailangan kong maging matapang at magsalita.
"Hello?" Ani isang babae na di ko kilala at di makakaila na maganda siya kumpara sa akin. I think she's transferee.
"Hello." Sabi ko at ngumiti ng malapad.
Nakatingin ang mga kaklase ko sa amin at gulat na gulat sila sa babaeng ito.
"Pwedeng maki-upo?" Tanong niya at inilapag ang mukhang mamahalin niyang bag sa tabi ng upuan ko.
I think she's rich too. Her face is look-alike of Bea Alonzo and how about me? Look-alike of tsokoleit because of my f*cking pimples.
Nanatili akong tahimik sa tabi niya at nag walang kibo. Amoy na amoy ko din ang pabango niya na floral.
"Bakit?..." Hindi na niya natuloy yung sinabi ng dinuktungan ko na kaagad. "Bakit? Bakit ang panget ko? Simula ngayon masanay kana." Ani ko at ngumiti ng pilit.
Biglang kumunot ang noo niya. "No! You're so pretty nga eh." Ani niya at bahagyang ngumiti. Di ko alam dito kung nanggagago o nang-aasar e.
Pasalamat siya naging manhid na ako sa panglalait."Sus! Maliit na bagay." Asik ko at humagalpak siya ng tawa. Aba'y anong nakakatawa sa sinabi ko? Maganda naman talaga ako e. Charot!
Tuloy padin ang tinginan ng mga kaklase ko sa amin dalawa. Sana ay makasundo ko ito pero kung hindi naman ay okay lang din sanay naman akong nirereject kaya di na big-deal sa akin iyon.
"Btw? Anong name mo?" Tanong niya at nilingon ako dahil nakatuon ang paningin niya sa mga kaklase ko.
"Shey, Shey Tenefrancia." Mahina kong pagkakasabi.
Lagi na lang magaganda yung mga nagtatanong ng pangalan ko feeling ko na din tuloy ang gende-gende ko. Enebemen yen!
"I'm Heaven Buenavista." Ani niya sabay lahad ng palad. Tinanggap ko din yun at nakipag-shakehands.
Ang awkward talaga pag ganito. Ayaw na ayaw ko din ang nakikipag kamay dahil sa makapal na kalyo ko. Nakahiya sa kamay niya na ang lambot kagaya kay Angel.
"Sh*t!" Bigla akong napamura ng maalala yung uniform ni Angel na ipinahiram niya sa akin.
"What?" Ani Heaven at nag-angat ng kilay.
"Nothing." Simple kong sagot.
Mga ilang sandali ay nag-bell na hudyat na umpisa na ng first subject na english.
"Goodmorning class." Bati ng guro namin na si Ms.Lazo. Tumayo kaagad kami para bumati sa kanya at umupo din kaagad.
Katabi ko si Heaven ngayon at bakas sa mukha niya ang pagiging kabado. Tatanongin ko sana siya kung transferee ba siya, kasi kung hindi ay malamang sa malamang ay kilala ito sa buong campus dahil sa ganda nito. May Angel na nga akong nakilala may Heaven pa at di na rin ako magtataka kung may makilala pa akong Cloud kompletuhin na din nila dagdagan pa ng rainbow nahiya pa e.
BINABASA MO ANG
Reyna Ng Kapangitan
Teen FictionSiya si Shey Tenefrancia nangangarap na gumanda at magkaroon ng mga kaibigan. May tatanggap paba sa mukha niyang puno ng tigyawat, may mag tatangka pa kayang manligaw kahit na maraming nandidiri sa kanya. Mas pinili ni Shey na wag na lang lumaban sa...