Kabanata 2Shey's Point of view
Pagdating ko sa bahay ay humalik kaagad ako kay Mama sa pisnge.
"Kumain kana dyan." Ani mama habang tutok sa panunuod ng kung anong palabas sa T.V
Si Papa wala nasa trabaho pa kaya kaming apat lang nandito si Kuya Seph panganay bale months lang naman ang lamang niya sa akin, tapos si Sophia bunso kong kapatid na babae.
Dumiretso na kaagad ako sa lamesa dahil di ako nakakain kanina dahil sa babaeng nagmamaganda na yun.
"Ma? Nasan si Seph?" Tanong ko habang kumakain.
Ang alam ko rest day ni Seph ngayon at pasalamat naman ako ay walang kontrobida dito sa bahay.
"Ewan ko dun sa kapatid mo." Ani mama habang tutok ang mata sa t.v.
Hindi na ako nag-salita at pinagpatuloy ko na lang yung pagkain ko. Wala din si Sophia kaya wala akong kakulitan.
Tinignan ko yung cellphone kong may nag text na unknown number.
09123456789
Hi! This is Leomar De Asis, just save my number. ;)
Bigla kong nabuga yung kinakain ko kaya naagaw ko yung atensyon ni Mama.
"Ano bayan Shey! Ayosin mo nga yung pagkain mo!" Kunot noo ni mama ng nilingon ako.
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko sa di malaman na dahilan. Paano ba naman isa siya sa mga tinitilian ng mga babae sa school namin at di lang yun magaling pa siya mag basketball.
Binilisan ko kaagad yung pagkain ko at dumiretso na sa kwarto. Bigla na lang akong kinilig kahit na di ko naman siya crush.
Ako:
Don't me Leomar! Maghanap ka ng pagtitripan mo.
Alam ko naman na pagtitripan lang ako niyan at anong mangyayari? Mas lalo na naman akong mag t-trending sa school. Usap usapan na naman ako nito kapag nalaman nila na tinext ako ni Leomar.
Leomar:
Lol! Hindi kaba naniniwala? Gusto mo puntahan pa kita sa room mo bukas?
Nanginginig ang kamay ko habang pinaulit-ulit na binabasa ang text ni Leomar. Dafuq! Anong irereply ko? Wala akong masabi sa kanya at ayokong maging kaibigan siya. Stress na stress na nga 'tong mga tigyawat ko dagdagan pa niya.
Hindi ko na lang siya ni replyan at nag laro na lang muna ako ng space-impact para pampantok.
Leomar:
Mag-rereply ka or pupuntahan kita sa room niyo?
Hindi naman niya alam room ko kaya hindi na lang ako nag-reply. Pero kinikilig pa din ako parang gusto ko siyang maka-text manlang or makausap sa personal. Hello! Leomar De Asis na 'tong ka-text ko at siya pa unang nag text.
Gosh! Feeling ko tuloy dinaig ko pa ang mga naggagandahan sa school.Bigla akong napaisip saan niya nakuha ang number ko? Wala naman akong pinagbibigyan. Wala nga din akong ka text ni isa at sila Mama, Papa , Seph, at Sophia lang naman ang nakakaalam ng number ko. Nagpapaload lang ako kasi nag t-text si papa sa akin araw-araw.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako at pag dungaw ko sa bintana halos hating gabi na.
Umalingawngaw na naman ang boses ni Seph at Sophia.
Minsan ko lang tawagin ng Kuya yan pag nasa mood ako, pero dahil sa text niya sa akin kanina ay Seph lang muna."Te? Ang dami mong tigyawat!" Laking gulat ni Sophia pag-labas ko ng kwarto. Wala naman nagbago sa mukha ko e, kahit ilang oras ako matulog di naman nababawasan 'to.
BINABASA MO ANG
Reyna Ng Kapangitan
Teen FictionSiya si Shey Tenefrancia nangangarap na gumanda at magkaroon ng mga kaibigan. May tatanggap paba sa mukha niyang puno ng tigyawat, may mag tatangka pa kayang manligaw kahit na maraming nandidiri sa kanya. Mas pinili ni Shey na wag na lang lumaban sa...