Kabanata 4

0 1 0
                                    

Kabanata 4

Shey's Point of view

Halos isang linggo ko na din noong nakilala ko sila Angel at Heaven. Kung ikukumpara sa kanilang dalawa ay mas naging ka-close ko si Heaven dahil kaklase ko siya. Si Angel naman ay minsanan lang kami magkita tuwing recess.

"Kuya? Anong gagawin natin sa mall?"
Kunot noo kong tanong dahil sa pagyaya niya sa akin para pumunta sa mall.

Si Mama ay wala dito sa bahay ngayon dahil kinakailangan ng mag-aasikaso sa business namin na Leche-plan. Si Sophia naman ay nasa kaklass niya may group practice daw, kaya dalawa lang kami ni Kuya sa bahay.

"May bibilhin lang ako kaya maligo kana." Simple niyang sagot habang nagtitirintas ng sapatos niyan air-max na kulay pula at itim.

"Wala akong pera! Ikaw na lang at saka marami pa akong gagawin!" Alibay ko para di na niya ako yayain. Baka rin may makakita pa sa amin na kakilala niya o kaya kakilala ko ay nakakahiya lang sa para sa akin.

Hindi ko din alam kung bakit ako takot na takot kasama si Kuya Seph. Kapag umaalis kami mag papamilya ay kay Sophia lang ako nakadikit at noong simula ako magkaroon ng tigyawat ay hindi na din ako mahilig mag picture. Halos mga picture ko sa fb ay naka private na din lahat-lahat dahil sa mukha kong ngarag.

"Ako na bahala, basta maligo kana." Ani Kuya Seph sabay tulak sa akin sa banyo.

Wala na din akong magawa kaya naligo na rin ako. Binilisan ko na lang ang pag-ligo para makanap kaagad ako ng susuotin.

"Bilisan mo na Shey! Kanina kapa diyan sa kwarto mo!" Asik ni Kuya at kumatok ng paulit-ulit.

Lumabas kaagad ako pagkatapos ko mag-bihis.

"Maganda ba Kuya?" Tanong ko na parang nababahala sa suot ko ngayon. Ang suot ko ay skirt, naka long-sleeves na stripe na kulay black & red at naka converse din na red.

"Tsssk." Tapos umiling siya. "Okay na nga yan!" Sabay talikod niya.

Hindi ko alam kung napapangitan siya sa akin o nagagandahan? Wala naman kasi akong alam sa fashion fashion na yan basta may masuot okay na. Hindi naman kasi kami yayamanin nu.

"Tara na!" Ani Kuya na parang natataranta.

Nagsalamin muna ako bago tuluyan lumbas. Wala padin nagbabago sa mukha ko.

Pagkalabas na pagkalabas namin ng bahay ay agaw pansin si Kuya Seph sa porma niya na naka ripped-jeans at naka t-shirt na nagmukha ng dress sa haba, yung sapatos niya na vans na kulay itim. Mas lalong tumingkad ang kagwapohan ng kapatid ko dahil sa kaputian niya at yung height niya na aabot na sa 6footer.

Ako naman ay agaw pansin yung mukha na nagmukhang pinipig crunch sa dami ng tigyawat sa mukha.

"Kuya? Wag na lang kaya ako sumama!" Bulong ko sa kanya habang nasa-fx na kami.

Lumingon siya sa akin at kunot noong nagsalita. "Eh di umuwi ka! Wala ka naman pamasahe."

Ngumisi lang si Kuya sa tabi ko ng bigla akong napamura dahil naiwan yung wallet ko sa kabinet.

"Bayaran mo muna ako! Yaya-yaya pa kasi." Sabay irap ko sa kanya. Kitang-kita ko din ang titig ng dalawang babae kay Kuya Seph habang nakatingin ito sa akin.

"Don't worry, treat ko naman eh." Ani Kuya at mabilisan nagtaas ng kilay.

Wow! Nakakapagtaka lang sa kupal na 'to dahil  sa 17yrs. na pagsasama namin ay nailibre niya din ako. Siya kasi yung pinaka-kuripot na nakilala ko sa buong mundo. Kahit na tigpipiso na candy ay di manlang ako malibre.

"Wow..." Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng takpan niya kaagad yung bibig ko.

"Mag thank-you kana lang, dami mo pang sat-sat e." Ani kuya at agad din tinanggal ang pagkakatakip sa bibig ko.

Nandito kami sa dulo ng fx at kaming dalawa lang .Yung dalawang babae naman sa unahan namin ay kanina pa pasulyap-sulyap kay Seph.

"Kuya? Girlfriend mo yan?" Tanong ng isang babae na halos titig na titig kay Seph.

"Oo." Seryoso niyang sagot.
Agad din ako nagsalita. "Magkapatid kami niyan!" Iritado kong sagot sabay irap sa kanya.

"Uhmm, Okay." Ani Babae at umiling-iling pa.

Sinipa ko kaagad si Seph dahil sa sagot niya.

"Baliw ka ba?" Tanong ko pagkababa na pagkababa namin sa fx.

"Tinitignan ko lang kung ano magiging reaksyon nila kapag nagkajowa ako ng kasing-panget mo." Ani Seph sabay hagalpak ng tawa.

"Ah? Ganun pala? Bahala ka sa buhay mo! Mag mall ka mag-isa mo."
Naglakad kaagad ako paalis sa harapan niya. Bahala na mag 1123 na lang ako sa jeep nito.

Bigla kong naramdaman ang kamay niya sa balikat ko dahilan ng pagkakaharap ko sa kanya.

"Oh? Bakit ka umiiyak?" Bigla akong nagulat sa sinabi at napapunas sa mata ko pero wala naman luha.

"Oh? Diba? Panget ka na nga uto-uto kapa." Sabay tawa na naman ang kupal.

"Uto-uto pala! Bahala ka sa buhay mo! Pengeng pamasahe! Diba treat mo!" Sigaw ko sa kanya kaya naagaw ko yung atensyon ng mga naglalakad.

Nandito na kami sa tapat ng parking lot ng Sm Fairview.

"Sige na umuwi kana. Basta wala akong ibibigay na pamasahe sayo." Seryoso ang mukha niya pero kitang-kita ko ang ngisi sa kanyang labi.

Bakit ko pa kasi nakalimutan yung wallet ko eh. Sana ay kayang-kaya ko umuwi ngayon mag-isa.

Wala akong imik habang nag-iisip kung anong gagawin ko. Wala akong choice kundi samahan 'tong kupal na 'to sa mall.

"Joke lang naman di ka mabiro eh." Sabay kapit ko sa kabilang kamay niya.

"Hindi umuwi kana. Diba gusto mo na umuwi?" Sabay alis niya sa akin sa pagkakakapit ko sa kanya. "Wala naman pipilit sa 'yo e." Seryosong seryoso yung mukha niya na gusto niya na talaga akong pauwiin.

Bigla na lang tumaas yung temperatura ng katawan ko sa pagkabadtrip. "Oo na t*ngna mo! Wag na wag mo kong susundan kupal ka!" Bigla na lang tumulo yung luha ko pagka-pikon.

Tinawagan ko kaagad si Heaven.

"Heaven? Pwede sunduin mo naman ako sa Sm Fairview?"

"Sige sige! Eh bakit parang umiiyak ka?"

"Hindi ano kaba?! Tears of joy lang 'to kasi first time ko makarating sa mall eh."

"Seriously? Sige sige text na lang kita kapag andyan na ako. Bye."

"Si..." Hindi ko na natuloy yung sasabihi  ko pagbaba niya ng telepono.

Kitang-kita ko padin ang titig ng kupal na 'to sa akin. So anong gagawin niya? Wala paba siyang balak pumasok sa loob ng mall?

Habang nag-hihintay ay naisipan ko muna pumasok sa loob para magpalamig at alam ko na nakasunod yung kupal sa akin pero bandang malayo siya.












Reyna Ng KapangitanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon