Eto na mamayang gabi ay aalis na ako nalaman ko na ang Hide out ng ilan sa mga humahabol sakin.
Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang tunay na habol nila sakin.
Bakit ako lang ang hinahanap?
Hinanda ko nalang muna ang aking mga gamit.
Napag desisyonan ko ng matulog muna kailangan ko ng lakas para mamaya.
"Sige! Hanapin niyo ang Babae. Wag ninyong papuputukan. Kailangan natin siya ng buhay!"
Agad akong pumunta sa hide out ko. Alam kong mangyayari to eh. Hahaha adventure time na Margo. Oras na para magpakitang gilas ako. Nagsoot na ako ng maayos na damit kung saan konportable ako.
Lumabas ako sa hide out. Pumunta ako sa salas namin. Nagtago muna ako at nakiramdam kung meron pang tao.
"Ano?! Asan na?! Hanapin niyo! Mga bobo!"
Di ko alam kung siya ang bobo o mga alagad niya? Hahaha bat siya mag iingay kung gusto niya akong mahuli at ayaw na ako'y makatakas hahahaha bobo talaga.
Dahan dahan akong lumapit sa lalaking papuntang kwarto. Dahan dahan ko itong sinunggaban sa leeg at tinusukan ng pampatulog. Madaling makatulog ang mga tao kapag sa leeg tinurukan. Hinila ko ito papasok ng kwarto at tinali sa paanan ng kama.
Muli ay lumabas ako. Nagmasid kung may tao pa bang nakapaligid. Nakita ko ang isang lalaki na papunta sa kusina.
Dahan dahan ko itong sinundan. Gumawa muna ako ng ingay sa tabi ko upang pumunta siya sa kinaroroonan ko.
Kumagat naman ito sa pain. Dapat ay hindi niya ako mahuli at maiwasan nitong mag paputok.
Nang nakalagpas na ito sa kinaroroonan ko ay agad kong sinunggaban ang likod at tinusok muli ng pampatulog sa leeg.
Ngayon ang Bobitong boss nalang ang kailangan kong harapin. Agad akong bumalik sa salas.
Nakita ko naman na nanonood ng t.v si tanda. Aba hindi pwede sakin yan t.v ko yun at ayaw kong may nagamit non lalo na sa paboritong palabas ko!
Pinagmasdan ko muna kung may dala itong armas. Hhmmm wala naman. Agad kong kinuha ang pistol ko at tinutok sa batok niya.
"Ooppssy. Nagulat ba kita?" Nakangiting sabi ko.
"Uh-uh s-sorry. Ang totoo n-niyan na-napag utusan lang ho ako."
"Well sorry kuya wala akong pake kung napag utusan ka lang hahaha. At saka ako ang pakay niyo hindi ba?"
"U-uh ma'am napag utusan lang po talag-"
Hindi ko na siya pinatapos saeang sawa na ako sa mga taong mahina pero sige kung sumugod. Agad ko na siyang tinusok sa leeg ng pampatulog."Jayden!!!"
Pumunta ako sa kwarto niya at siyempre gamit nanaman ang mahiwagang bintana niya.
"Ano?!"
"Tara sa bahay tulungan mo ako." Nakangiting sabi ko.
"Teka ano nanaman bang ginawa mo?"
"Bastaaaa." Hay nakakairita kailangan laging maganda excuse para pumayag. Hinila ko nalang siya at don muli sa bintana niya dumaan."Teka.. Anong ginawa mo?!" Gulat na sabi niya.
"Sumugod sila sa bahay kaya pinatulog ko muna. Tulungan mo ako sakay natin sa trunk."
At gumawa ako ng nakakalokong ngiti.
"San mo naman sila dadalhin?"
"Hmmm... Basta ako mag dadrive." Tinulungan naman niya ako agad at saka pareho kaming sumakay sa sasakyan ko.Pumunta kami sa isang lumang garahe. Hindi ko nga alam kung kanino ito eh basta naisip ko lang na dito nalang sila itapon para pag gising nila ay di na sila makakaalis pa.
Agad na rin kaming bumalik doon sa sasakyan.
"Uhmm Jayden?""Hmmm bakit?"
"Gusto mo sumama sakin sa baguio? Mamayang gabi ang alis ko."
BINABASA MO ANG
SHE LOVED MYSTERIES SO MUCH THAT SHE BECAME ONE.
Teen FictionStory ito ng isang babae na nag ngangalang Margo nag galing sa mayamang pamilya at may masayang pamumuhay... pero what if sinubok siya ng isang problema? malalampasan pa kaya niya ito? magbabago ba siya pag nangyari ito? Basahin ng malaman ang mi...