CHAPTER 10: Day 23

407 12 0
                                    

Naging masaya naman ang pagdating namin dito sa Batangas kahapon. Magkakasama kaming buong pamilya para sana magkaroon ng munting family reunion. Talaga namang masaya. Sa mga kuya ko pa lang at sa mga thunders na feeling bagets. Pagsamahin pa sina Mae at Glenda na parang mga isip bata.

23th day na namin. Ang bilis ng panahon pero hindi ko na lang iniisip. Sinusulit ko na lang ‘yung mga natitira naming araw ni Mae. Tulad ngayon, tahimik lang kaming nakaupo sa baybayin para abangan ang paglubog ng araw. Hanggang ngayon, nag-iisip pa rin ako ng paraan para makausap si Mae tungkol sa 'ming dalawa. Napasinok ako nang hawakan ni Mae ‘yung kamay ko. Nginitian niya lang ako no’ng nagkatinginan kaming dalawa.

"Mae, may gusto sana akong sabihin sa’yo."

"Sige lang, sabihin mo lang," sabi niya at tuluyan ng sumandal sa akin.

"Pero may gusto muna akong linawin." Humiwalay siya sa akin at umupo ako paharap sa kanya at ganon din naman siya. "Kasi ang dami ko lang talagang ipinagtataka. Hindi ko alam kung bakit. Kung bakit mo ginawa ‘yung dare. Matagal ko ng alam na sa akin mo lang sinend ‘yung chain message na ako lang ang nasa contacts mo. Pero hindi ko alam kung bakit eh. Kung planado mo ba 'to? Kilala mo na ako no’ng una palang, Mae. Pero ikaw, hindi kita makilala... bakit?"

"May dahilan ako sa lahat ng yon," sabi niya at saka umiwas ng tingin sa akin.

"Sabihin mo sa 'kin ‘yung dahilan mo."

"I can't."

"Bakit ba?! Bakit ba ayaw mo pang sabihin?!"

"I don't owe you any explanation." Saglit siyang tumingin sa’kin. "Mali eh, mali ‘yung inakala ko Vinz. Kasi akala ko, babalik ka. Umasa ako, naghintay ako. But you failed to learn the most important lesson—"

"And please! Please lang, Mae. Tantanan mo na muna ako sa mga lesson na 'yan. Sawang-sawa na 'ko sa mga pagpapamisteryoso mo! Bakit ba hindi mo na lang ako diretsuhin?!"

Tumayo siya at tumingin sa malayo. "I want to. Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong gawin 'yon. Kung pwede ko lang gawin, matagal ko nang ginawa!"

Hindi ko na muna pinansin ‘yung pag-iyak niya. "E di gawin m—"

"But I promised not to! Gusto kong tuparin ‘yung pangako ko, eh. At buong akala ko, tutupad ka rin sa pangako mo! Vinz, gusto ko ng tapusin 'to. Ang sakit na, ang hirap na. Hindi ko na kaya. Tama na. Hindi ko na ipipilit, suko na 'ko. Tapos na tayo. Magiging masaya ka na. Malaya ka na."

Ang dami ko pang gustong sabihin at itanong. Pero tumakbo na siya pabalik ng hotel. Hindi ko pa rin siya maintindihan. Anong pangako ‘yung sinasabi niya?

"Nakaka-seventeen day na tayo, Boyfie!”

“Parang ang bilis naman.”

“Ayie. Nabibilisan siya sa araw. Siguro nahuhulog ka na sa’kin ano?"

"Asa ka naman. Over my dead body!"

"Oh yeah, you're dead body. Dead na dead sa’kin."

"Banat-banat ka pa dyan! Hindi na, ano. Hindi ako magkakagusto sa isang isip batang katulad mo na ang pangarap ay maging teacher at direktor!"

"Weh? Hindi mo ko magugustuhan? Eh nagustuhan mo na nga ako! Mahal mo na nga yata ako eh."

"Eew! Naririnig mo ba sinasabi mo?! Kilabutan ka naman. Oh sige, pangako, hinding-hindi ako mai-in love sa'yo! At kung pwede lang na tapusin na 'to ngayon e di ang saya-saya ko!”
 
Oo nga pala. Kasunduan namin 'yon. Pero hindi ba pwedeng bumali ako ng pangako kahit ngayon man lang? Inaamin ko na nga, eh. Talo na ako. I fell. And she should take the full responsibility. Kailangan niyang panagutan ‘yung ginawa niya sa’kin! Dapat ko 'tong sabihin sa kanya, ngayon na.

"Kapag may gusto ka, pwede wag kang tanga. Ang dami mong sinasabi puro labas naman sa pwet!!! Kung ayaw mo palang mawala sa'yo e di sana higpitan mo hawak mo. Eh sa luwag ng hawak mo, para bang willing ka ng pakawalan eh. Kung ako sa'yo lunukin mo na 'yang pride mo dahil hindi niyan mapupunan uhaw mo. Maging totoo ka kasi para hindi ka manghinayang at hindi mo na rin masabi ‘yung salitang sayang."

Bago pa niya tuluyang tapusin ang lahat, kailangan ko na siyang makausap. Tama. Ngayon na ‘yung tamang oras para umamin ako sa kanya. Magpapakalalaki na ako. Siguro tama nga ‘yung tukso nila kuya sa’kin. Duwag nga ako, bakla nga siguro ako. Pero para kay Mae, magpapakalalake ako.

Pagdating ko sa hotel, nakarinig ako ng mga sagutan. "Glenda, how dare you! Wala kang karapatang paalisin si Mae."

"Sa totoo lang, wala ka naman dapat dito hindi ba? Pasalamat ka pa nga dahil hinayaan ka naming sumama."

Bakit ba hindi mo na lang hayaan ‘yung dalawa. Masaya na nga ulit sila eh!"

"Anong nangyayari dito? Bakit n’yo sinisigawan si Glenda?" tanong ko kina Mama.

"Vinz." Umiiyak na kumapit sa braso ko si Glenda. "Hindi ko naman sinasadyang awayin si Mae. Kaya lang, ang init pala ng ulo niya. I didn't mean to send her away. Malay ko ba, na mapipikon pala siya at aalis."

"Sssh. It's okay, Glenda." Pinatahan ko siya. Sina Mommy naman, isa-isa na lang umalis sa lugar. "She's not in the mood right now. Pero hindi mo 'yon kasalanan. Nagkasigawan kasi kami kanina. So, don't feel too burdened."

Tumango naman siya. Medyo bata pa si Glenda na kailangang intindihin. Siguro napuno lang sila mommy kaya sila nagkasigawan dito kanina. Pero ayos lang 'to. Ako na lang ang bahala kay Mae.

"Makakauwi naman siya ng ligtas pero susundan ko pa rin siya. Sasabihin ko na lang kina mommy na mauuna na ako."

"But—"

"Glenda, you'll be okay. Hmm?"

"Paano—"

"Stay here. Hindi galit ‘yung mga 'yon sa’yo. Alam mo namang hindi marunong magtanim ng galit ‘yung mga 'yon 'di ba? See you tomorrow, alright?"

"Okay."

Tinatawagan ko si Mae habang paakyat ako sa kwarto para kunin ‘yung mga gamit ko. Kaso hindi niya sinasagot. Paglapit ko sa pinto, may nakita akong nakadikit na papel.  "Good bye, Babyboy."

"Baby girl... babalik ako. Hintayin mo ako."

"Promise 'yon babyboy. Hihintayin kita." 

Bigla akong parang nakuryente. Narinig ko na naman ‘yung mga boses ng hindi ko kilalang mga tao. Pero teka, bakit ‘yung note.. Anong good bye? Hindi pwede! Hindi, hangga’t hindi ko pa nasasabing mahal ko siya.

Buo na ang desisyon ko. Tatapusin ko ang dare na 'to para ligawan siya. Hindi para sa limitadong relasyon. Hindi na dare. Gusto ko ‘yung totoo kasi totoo na 'tong nararamdaman ko! Hindi na 'to laru-laro lang. Kailangan ko na talaga siyang makausap.

Bumyahe ako pabalik ng Manila. Hindi ako tumigil sa pagtawag sa kanya. Pero hindi niya rin naman sinasagot. Kahit makailang text pa ako, walang sagot.

Nakabalik na ako sa bahay pero wala pa rin talaga. Naisip ko na baka mainit pa ‘yung ulo niya. Hindi naman siguro ako matitiis no’n. Patay na patay kaya siya sa akin... sana naman.

"You're my dare boyfriend. My boyfriend for a month. No more, no less."

Hindi ako naniniwala sa kanya. Ni hindi nga siya makatingin nang sinasabi niya ‘yung mga 'yon. Nararamdaman ko rin naman na gusto niya ako. Hindi niya ‘yon maitatanggi. Mainit lang talaga ulo niya ngayon. Siguro PMS na naman.

A Dare To Remember (PUBLISHED under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon