CHAPTER 12: Day 31

480 9 0
                                    

Buong weekend. Hindi siya nagparamdam sa'kin. Hindi rin siya nagrereply sa mga text ko, at hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ko.

Pagpasok, agad ko'ng pinagtanong kung anong section niya. Nalaman ko naman kay Kenneth, na classmate pala nila Shiela si Mae. Kaya pumunta ako sa room nila para hanapin sana si Mae. Pero wala siya dun. Bute nalang at nakasalubong ko si Sheila.

"Sheila, classmate niyo si Mae diba? Nasaan siya ngayon?"

"Ah, hindi na yun pumapasok eh. Matagal na. Hindi niya pala nababanggit sayo?"

"Hindi eh. Alam mo ba kung san siya nakatira?"

"Hindi rin eh. Wala naman yun kinakausap samin masyado. Bakit si John, hindi mo tanungin? Bestfriends sila diba?"

Bestfriends? HIndi ko alam yun ah.

"Hanapin mo nalang si John, di pa rin kasi kami nagkikita nun mula nung byernes eh. May problema ba kayo?"

"Ah, wala. Sige..."

"Sige..."

Sa ngayon, ayoko muna idamay ang ibang tropa. Ayoko munang sabihin sakanila ang tungkol dito. Pero yung kay John, bakit hindi ko alam yun? Magbestfriends sila? Siya kaya ang nagbigay ng number ko kay Mae? Teka nga... Kailangan kong makausap si John. Feeling ko marami siyang dapat ipaliwanag sa'kin.

Hinanap ko siya. Pero hindi talaga ata siya pumasok. Nagtanong nalang ako sa adviser ng section nila, si Mam Cruz, about sa address ni Mae. Pero kinagulat ko yung sinagot niya sa'kin.

"Walang Mae, sa klase ko."

Akala ko nung una, nagbibiro lang sya. Pero nung pinakita niya sa'kin yung classrecord niya, dun na ko naniwala. At hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kinikilabutan ako na hindi ko alam. Ano, namaligno lang ako ganun? Akala ko ba romance ang genre ng story nato, obat nagiging horror?

I tried to find her, nang magkita kami ni John ang dami dami kong tanong. Pero wala siyang maisagot kundi, "Sorry pare, ayokong makielam." At kahit anong gawin ko. Ayaw niyang magsalita. At ayoko narin naman siyang idamay. Sa'kin ang problema nato. Ako ang lulutas.

A Dare To Remember (PUBLISHED under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon