CHAPTER 6: Day 6

374 16 0
                                    

Kinabukasan, bigla-bigla na lang  siyang nagdala ng isang katerbang VCD’s sa bahay. Puro love story pa ‘yung karamihan pero may ibang comedy at action din. Nagpa-deliver naman sina mommy ng snacks namin dahil ang dami naming nanonood sa sala. ‘Yung huling pinanood namin, Miracle in Cell No.7 ang title. Isang Korean movie na medyo nakakaiyak. Pero hindi rin kami nakapanood masyado. Pa’no ba naman kasi!? Hindi kami nakapag-focus sa movie dahil si Mae ang pinapanood namin. Hindi lang kasi basta-basta ‘yung iyak niya. Hagulgol ba naman talaga. Dinaig niya pa ‘yung bidang bata do’n sa movie. Kung makaiyak siya, para siyang namatayan. Kaya kami nina kuya, pasa-pasa sa tissue na inaabot sa kanya.

Sina mommy, nararamdaman ‘yung pag-iyak ni Mae pero sina kuya tawang-tawa na kay Mae, hindi lang pinapahalata. “Kamukha mo na si Rudolf,” sabi ko sa kanya nang naglalakad-lakad na kami sa labas. Gusto niya raw muna magpahangin bago umuwi. “Ang pula-pula ng mata at ilong mo. Baka naman bukas sugudin na lang kami ng pamilya mo sa bahay dahil akalaing may ginawa kami sa’yo.”

“Grabe nakakaiyak kasi talaga ‘yung movie! Hindi ka man lang ba naiyak?”

“Hindi naman ako competitive na lalagpasan pa ‘yung winner na pag-iyak mo kanina.”

“Ang tagal ko ng hindi nakakaiyak ng ganon katindi. Nakakagaan pala siya ng pakiramdam talaga.” Wala naman akong masabi kaya tumangu-tango lang ako. “Ikaw, kailan ‘yung huling beses na umiyak ka?”

“Hmm… oo nga ano. Ang tagal ko ng hindi umiiyak. Hindi ko na maalala kung kailan at bakit ako umiyak na pinakahuli.”

“Ang dami mo namang nakakalimutan.”

“Oo, kasi nga last year inoperahan ako sa utak. Wala na akong masyadong maalala sa mga nangyari mga apat na taon bago ‘yung operation. Naalala ko ‘yung elementary days ko. ‘Yung high school naaalala ko na lang nung nakakasama ko na ‘yung tropa at nagkukwento na sila sa’kin,” pagku-kwento ko. “Pero hanggang ngayon may pakiramdam pa rin ako na marami pa ang kulang. Marami pang kulang sa pagkatao ko, sa alaala ko. Minsan, sinusubukan kong alalahanin pero minsan ayoko na lang pahirapan ang sarili ko sa pag-iisip. Kasi kung may mga mahahalagang detalye man akong hindi naaalala, ‘di ba maaalala ko naman ‘yon kung talagang mahalaga ‘yung mga ‘yon?”

“So kapag may mga hindi ka na naalala, ibig sabihin hindi talaga ‘yon mahalaga sa’yo?”

“Siguro. Ewan ko. Basta! Ayaw ko na lang i-stress ‘yung sarili ko sa pag-iisip masyado. Masaya naman na ako sa ano ako ngayon. At saka huwag na nga nating pag-usapan. Nagiging weird ‘yung mga sinasabi ko, eh.”

Pero hindi niya inintindi ‘yung sinabi ko at tila gustong ituloy ang usapan. “Alam mo may napanood na akong movie na ganyan ‘yung kwento. Pero paano kaya ‘yung mga naghihintay sa kanila na hindi nila maaalala ‘no? Pero kasi ang hirap rin siguro ng ganyang sitwasyon. Pero may mga taong, hinihiling na makalimot ng lahat sa kagustuhang makapagsimula sa pinakasimula. Dahil sa mga hindi magagandang nangyari sa kanila.”

“Ikaw ba, kung bibigyan ka ng chance na may baguhing pangyayari sa buhay mo, anong babaguhin mo?” tanong ko sa kanya.

“Sa totoo lang, may isang pangyayari sa buhay ko na hinihiling kong hindi na lang sana nangyari. Pero kung tutuusin, kung mamamatay ako at mabubuhay ulit, ganitong buhay pa rin ‘yung pipiliin ko. Kahit pa may hindi magagandang nangyari sa buhay ko, hindi ko ipagpapalit lahat ng masasasayng nangyari sa buhay ko sa pagbubura ng mga ‘yon.”

“You know what, Mae?”

“What?”

“I kind of like it when you talk seriously to me.”

Thump! Thump!

What again?! Ano ba Vinz? Shut up, dude.

A Dare To Remember (PUBLISHED under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon