PROLOGUE: Unregistered number

1.1K 28 1
                                    

Dare:
1st na mag-text - yayakapin ko sa personal
2nd - sasabihan ko ng  I love you sa GM for one week
3rd - magiging boyfriend ko within a month
4th - ihahatid ako bukas sa bahay pauwi after school
5th - ‘di ko papansinin ng dalawang araw
6th – makaka-date ko sa linggo
7th - sasabihan ko ng sikretong malupit
8th – iki-kiss ko sa lips
9th - gagawin ko ang isang hiling
10th - sasapakin ko na lang

Unregistered number? Bihira lang naman may mag-text sa akin dahil hindi ko hinahayaang may makaalam ng number ko, bukod sa eighteen contacts ko— ang mga barkada kong sina John David, Kenny, Kenneth, Martin, Kevin, Nicoll, Khritian at Tyron, si Tita, si Glenda, sina mommy at daddy, at ang anim na kuya ko.

Hindi katulad ng ibang pamilya ang pamilyang kinabibilangan ko. Pito kaming magkakapatid, pero madali lang tandaan ang mga pangalan namin, dahil nagsisimula lahat sa “V” ang mga 'yon. Tungkol naman sa mga magulang ko, wala akong ibang masasabi kundi, “Mga abnormal sila.” Cool naman iyung mga iyon, kahit babaliw-baliw. Idagdag pa ang lola ko na sobrang kulit din. Kapag nagsama-sama na silang lahat, ewan ko na lang. Sa Gapan ang probinsya ng parents ko at naroon din ang karamihan ng kamag-anak namin.

Tulad ng ibang barkada, loko-loko din ang grupong kinabibilangan ko. Alam kong babaduy-baduy na may nalalaman pa kaming grupu-grupo. Wala naman akong pake kung sikat ang tingin sa ’min ng ibang tao sa school. Pa-famous naman kasi talaga ‘yung mga kulugo na ‘yon. Hinahayaan ko na lang sila sa trip nila. Basta ang alam ko, magkakaibigan kami na nagtuturingang magkakapatid.

Kung ako naman, wala naman masyadong interesante tungkol sa 'kin. Nineteen years old na ako at second year college. Hearthrob? Sino’ng may sabi? Wala talaga akong pake sa tingin ng ibang tao sa amin o sa akin. Masaya naman ako sa buhay ko, kung anong klase man ng buhay ‘to. Tulad ng karamihang kabataang lalake, madalas akong maglaro ng Dota at basketball kasama ‘yung mga kulugo. Kung nasa bahay lang ako, ‘yung sandamakmak kong kuya ang kakulitan ko. Mga hilig ko? Dati mahilig akong mamasyal, pero ngayon parang wala na akong makasama. Dati ata kumakanta ako, pero hindi na ngayon. Hindi ko sigurado.

Alam n’yo kasi, may mga bagay-bagay talaga akong nakakalimutan. Sabi nila lola, inoperahan daw ako sa utak last year. Astig nga eh. Pero wala namang halaga ‘yon sa kwento ng buhay ko. At saka hindi naman grabe ‘yung naging epekto ng operasyon. Kilala ko naman lahat ng dapat kong makilala. Noong una, hindi ko sila makilala, pero ilang buwan lang na nakasama ko sila, naalala ko rin sila isa-isa. At saka naaalala ko pa naman kung sino ‘yung may mga utang sa akin. Wala nga lang akong maalala na pinagkakautangan.

Girlfriend? Wala naman. Wala pa akong nagiging girlfriend. Wala rin akong panahon sa pag-ibig - pag-ibig na iyan. Ayoko sa lahat, iyung nakikiuso lang. Hindi porke’t ginagawa ng karamihan, eh makikisabay na ako. Saka na lang siguro kapag nakita ko na yung babaeng pakakasalan ko. Ayoko ng temporary lang. Hindi naman pera ang babae na binibilang. Gusto ko, yung unang babae na mamahalin ko, siya na rin yung huli. Nakakapagod kasi pag paiba-iba pa. Gagastusan ko ngayong teenager pa lang ako, tapos hindi naman pala siya yung pakakasalan ko sa huli? Sayang lang.

Pero teka. Ang dami ko naman yatang sinabi dahil lang may nag-text sa’kin na hindi ko kilala. Siguro naman na-wrong sent lang ito. Wag ko na lang pansinin, sayang oras eh. Pero kasi, paano naman magiging wrong sent ‘yon, eh chain message ‘yon? Ibig sabihin naka-save na talaga ‘yung number ko sa phonebook ng kung sino mang lapastangan na ito.

Nagsimula akong magtipa ng mensahe.

Sino ka? tanong ko. Na agad naman niyang sinagot ng, Pangatlo ka. Weird man ang pangalan niya, re-reply-an ko pa dapat siya. Pero maya-maya’y nag-vibrate ulit ang cellphone ko, Pangatlo ka na nag-reply do’n sa dare.

“Ano raw?! ‘Yung dare?” Binalikan ko ‘yung text niya at tiningnan ‘yung pangatlo at pang-apat do’n sa text.

3rd - magiging boyfriend ko within a month

HA! HA-HA-HA. Gusto kong matawa. Asa naman, p’re! Dare?! This is so gay! Bakit ko naman ‘to susundin? Ni hindi ko nga siya kilala! Bakit ko naman papatulan ‘tong kalokohan ng jejemon na ‘to? Seriously, uso pa ba ‘to!?

Muli akong bumuo ng isasagot na text sa kanya. Nagkakamali ka ata, p’re. At saka sino ka ba? Hindi kita kilala, kaya burahin mo na lang ‘yung number ko.

Mabilis naman ang naging reply niya. Si Mae ‘to. Simula bukas, girlfriend mo na ako. And oo kilala kita, Vinz.

Baliw na ‘to. Mabuti pang ‘wag na lang reply-an at baka mag-text pa nang mag-text, sabi ko na lang sa sarili ko.

Pero maya-maya lang, nag-text na naman siya. I’m sleepy na boyfie, so goodnight. I’ll see you tomorrow, okay?

Bakit ko ba kasi pinag-aksayahan pang replyan ‘to! Hindi kaya pinagtitripan na naman ako no’ng mga kulugong walang magawa?!
Sinong hampaslupa sa inyo ang nangti-trip sa akin!? text na na-send ko sa tropa. Kaunti lang ang nag-reply, hindi naman daw sila. Kaya baka nasa mga hindi nag-reply ang salarin. Yari sila bukas sa akin.

A Dare To Remember (PUBLISHED under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon