CHAPTER 4: Day 4

776 19 2
                                    

Kinabukasan...

"Ang lakas ng loob mong magpakita, pagtapos mo kaming hindi siputin kahapon."

‘Yon agad ang salubong sa ‘kin ni Kenneth, pagdating na pagdating ko sa tapat ng classroom. Sa grupo namin, kami nina Khritian at Martin ang madalas na magkaklase dahil pare-parehas kaming Chemical Engineering ang kurso. Sina Nicoll, Tyron at John David naman ang pare-parehong Civil Engineering. Si Kevin at si Kenneth naman ay parehong Architecture ang kinukuha katulad kay Kenny. Pero nasa iisang building lang kami.  "Porke’t may girlfriend ka na rin, nang-iiwan ka na.”

"Hoy. Kenneth. Tigil-tigilan mo ko sa pagdadrama mo dyan ah. Nagkaroon lang ng emergency kahapon," sabi ko sa kanya.

"Naku, Kenneth. ‘Wag ka ng mainggit dyan kay Vinz. Magkaka-love life ka rin,” pang-aalaska ni Tyron.

Inakbayan naman ako ni Khritian, sabay sabing, "Oo nga. Tantanan mo ‘to si Vinz, ngayon na nga lang magiging lalake. Hahadlang ka pa?” Binigyan ko lang siya ng wapakels-look.

"Buti pa 'tong si Khritian," sabi ni Tyron, sabay apir kay Khritian.

Pero ayaw pa rin talaga tumigil ni Kenneth, "Psh. Kinakampihan ka lang niyan kasi siya rin luma-love life na!”

"Hoy! Tigilan n’yo na nga ‘yang si Vinz. Pati kabaklaan mo Kenneth, tigilan mo!” pag-awat ni Martin sa’min. “Ang mabuti pa kilalalanin na lang natin ‘yung girlfriend niya.”

Hay naku. Kung alam n’yo lang na hindi ko talaga siya girlfriend.

“Isa ka rin tol, eh,” sabi naman ni Tyron kay Martin. “May Nomillyn ka na kasi kaya kumakampi ka rin! Maang-maangan ka. Sapakin kita eh!”

"WOOOO!" lahat nang-asar na ng narinig nila ‘yung sinabi ni Tyron.

"Nomillyn? Sino ‘yon? Bago ‘yon ah?"

"Paano na si Che?"

"Si Danielle pa."

"Grabe talaga ‘tong si Martin. Iba-iba kada linggo? Mas madalas pa siyang magpalit ng babae, kaysa magpalit ng brief," gatong ko pa sa usapan. Kani-kanya na kasi kami ng comment. Sa wakas din, hindi na ako ang sentro ng usapan.

"Hi Nicka!" sigaw bigla ni Tyron. Kaya napalingon kami sa direksyon kung saan siya nakatingin. At ayon, dadaan pala kasi sina Anilex at Kenny kasama si Nicka.

"Tse!" sabi lang ni Nicka kay Tyron. ‘Yan nga pala ‘yung bestfriend-bestfriend-an nitong si Tyron. Pero ang totoo TL ‘yan dyan. Si Kenny naman, umapir lang sa’ming lahat. Si Anilex, ayon nahihiya lang kay Khritian. Weird talaga silang dalawa, dahil kahit sila na, nagkakahiyaan pa rin sila. Hindi tulad ng sa akin. Hindi ko naman talaga girlfriend, pero hindi man lang mahiya sa akin.

Nagtatawanan lang kami nang biglang may lumapit sa’king lalake. "Vinz, Vinz!" tawag sa’kin no’ng kachupoy.

"Oh bakit?" tanong ko sa kanya.

"E-eto oh, pi-pinapabigay no’ng girlfriend mo,” sabi niya sabay abot ng papel sa akin. Anong girlfriend? Sinong girlfriend? Agad ko namang binuklat ‘yung papel habang nakatingin lang sa’kin ‘yung mga kulugo.

Sunduin mo ako sa room namin mamayang uwian. Dadalhin mo ako sa lugar na mabubusog ako nang hindi kumakain. Pag hindi mo ‘to nagawa, magmakaawa ka na kay San Pedro na papasukin ka niya sa langit kapag pinatay na kita. 
- Gerpren mong maganda Ü

Hays. Madalas ko na ngang patayin ang cellphone ko dahil tinatadtad niya ako ng text. Pero, may paraan pa rin siya para guluhin ako? Pipili na lang siya ng delivery boy, ‘yung mas nakakasira pa ng araw! Buong buwan ba kaming ganito? Ganito ba ang may girlfriend?! Kaya ayoko talaga ng ganitu-ganito eh. May Dota kami mamaya kaya bahala siya sa buhay niya.

A Dare To Remember (PUBLISHED under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon