Ciel's P.O.V
Hingal na hingal akong sinusundan ang babaeng umiiyak sa tabi ng isang abandonadong pabrika. Habang hinahabol ang hininga ko, nilapitan ko siya at tumabi sa kanya.
"Iniwan na nga nila 'kong lahat pati siya!? Palagi na lang ba 'kong iniiwan?"
Napabuntong-hininga ako nang marinig ko ang iniisip ng babae. Ganto talaga ang buhay ng mga tao ah. Tumayo ako at tumalon-talon pa.
Let's search, baby.
Snap!
Pagkapitik ko, nahulog sa kamay ko ang librong dapat hindi ko mawala. Present check Future. Hindi ko nga alam kung bakit ganto ang title ng librong 'to.
Author: Fatexoxo
Kilala ang author na 'to dahil isa siya sa mga tagatadhana sa dalawang tao. Ang katulad kong tagagawa ng insidente at ano ang dapat mangyari sa taong 'yon. Ang hirap kaya no'n.
Hindi ko pa nakikita at nakikilala ang tagatadhana pero ang sabi-sabi, flirty at clingy ang tagatadhana. Palaging may dalang pulang rosas ang tagatadhana kapag lumalabas.
Binuklat ko ang libro. Bingo. Lumiwanag ito at nakita ko ang imahe nitong babae. Ang sabi rito,
•Pabayaan siyang umiyak.
•Paglakarin siya habang patuloy ang pag-iyak sa kalsada. Medyo masama 'to ah.•Muntikan siyang mabangga ng isang mamahaling kotse at saktong may lalaking sasagip sa kanya.
•Sundan sila sa hospital at bantayan ang babae at kapag gumising kailangang nakatalikod ang lalaki sa babae.
Writer talaga siya ah. Pano naman 'to mangyayari kaso, wala akong magagawa, akong lang ang nag-iisang tagagawa nito at pinag-utos sa'min 'to.
Napatingin ako sa babaeng umiiyak. Tumayo siya at patakbong umalis sa pwesto. Papunta siyang kalsada. Akala ko ba maglalakad lang siya!?
Nag-teleport ako sa may tabing kalsada at saktong papapunta na ng kalsa ang babae habang hindi nakatingin sa kalsada kung may dadaan bang kotse.
Nang nasa gitna na siya ng kalsada may bumusina. Patay. Malapit na sa babae ang kotse.
Pinabagal ako ang buong paligid. Tumigil ang pagtakbo ng kotse, tumigil sa paglakad ang babae sa gitna nang kalsada. Lahat ay tumigil pwera lang sa'kin.
Lumapit ako sa babae at inurong siya palayo onte sa kotse. Tinignan ko ang pagitan nila at sakto na. Tumingin rin ako sa paligid at walang lalaking naglalakad sa paligid.
Ibang-iba 'to sa nakasulat.
Binuklat ko ulit ang libro. Nasinag ulit sa liwanag nang magbukas ito.
P.S Ikaw na ang bahala at ikaw ang mamimili nang mangyayari sa taong 'yan. A/N, Maraming pagkakaiba pero sa huli ganoon rin ang makukuha mo.
Napakunot ako ng noo. Bigla kong naintindihan ang nakasulat.
Ibinalik ko sa pwesto ang babae kung saan nakatapat na siya sa kotse. Lumayo ako at bumalik sa may tabing kalsada.
Binalik ko sa dati ang lahat at muling gumalaw ang mga tao at iba pang nasa paligid. May narinig akong malakas na kalabog. Nabangga ang babae at tumigil ang kotse, lumabas ang driver ng kotse at tinulungan ito.
Isinakay ito sa kotse at nagmamadaling isinugod sa hospital. Bumuntong-hininga ako at napakamot sa ulo. Ang author na 'yon, ang kumplikado niyang manunulat.
Nag-teleport ako papunta sa kwarto ng babae sa hospital. Hindi malubha ang inabot ng babae. Nagbukang-liwayway na at hinihintay ng lalaki na magising ang babae.
Umupo ako sa tabi ng babae at kinunutan ng noo ang lalaki. Ayos lang ang itsura niya. Sila kaya ang nakatadhana?
Tumingin sa labas ng bintana ang lalaki para pagmasdan ang bukang-liwayway. Napatingin naman ako sa babae.
Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata niya at tumingin sa paligid. Napakunot ang noo nito nang makita ang isang lalaking nakatalikod sa kanya.
"Sino ka?"tanong ng babae na may pagtataka at takot.
Lumingon ang lalaki at ngumiti, "Mabuti't gising ka na. Saan ka ba nagpunta? Ang tagal kitang hinanap e."
Napakunot ako ng noo. Siya ba yung iniiyakan ng babae? Tumayo ako at lumapit sa lalaki. Siningkitan ko siya ng mata at tumingin sa kanya ulo hanggang paa.
"Hindi mo ko kasi binigyan nang pagkakataong magsalita eh. Tatlong araw kitang hinanap, sabi nila nawawala ka raw kaya hinanap kita. Tapos ngayon, muntik na kitang mapatay dahil pabigla-bigla kang tumatakbo sa may kalsada."pagsasalita ng lalaki habang lumalapit sa babae. Hindi makatingin ang babae sa lalaki at hindi ito pinansin.
"Umalis ka sa paningin ko."masungit na sabi ng babae at tumalikod sa lalaki. Umupo sa tabi ng babae ang lalaki at hinawakan ito sa balikat.
"Sorry. Kung hinayaan mo lang akong magpaliwanag hindi ka magkakaganto."concern sa sabi ng lalaki.
Sino ba kasi ang humawak sa kanila kaya nagkagulo ang dalawang 'to. Binuklat ko ang libro at tinignan ang dating humawak sa dalawa.
Nagulat naman ako nang makitang superior pala ang humawak sa kanila. Tapos na 'ko sa misyon ko sa dalawang 'to kaya aalis na 'ko.
***
Pagpunta ko sa head quarters, nakasalubong ko sa Eos. Play boy talaga 'to, kahit isa siya sa mga cupid ganyan siya. Dahil sa pagiging mapaglaro niya, mag mali siyang natatamaan ng arrow at doon nasasaktan ang mga tao, ang maling pagmamahal.
Palaging naglalaro kaya palagi rin siyang napupunta sa Detention Chamber. Kung ayaw mong maranasan ang init sa Middle east nang isang linggo magtino ka at sundin ang dapat sundin.
Nilapitan ko siya at kinausap, "Eos, saan ang punta mo?"tanong ko.
"Sa location 6 east west. May inutos si supremo doon na kailangan ko daw patamaan ang dalawang tao. Kaso p're, nahihilo na naman ako e, baka may mali na naman akong matamaan."
"Ipagpaalam mo nalang kay bisor mapapagalitan ka na naman."pinat ko ang ulo ni Eos at nilagpasan siya.
"Kita nalang tayo ulit."pagpapaalam ko.
"Teka!"napalingon ako. Ano na naman ang sasabihin nito?
"Ano?"
"Kilala mo ba ang mga Hechicero?"nagtataka niyang tanong habang nakatingin sa pader.
Kumunot ang noo ko, "Naririnig ko lang ang mga tungkol sa kanila. Pero sabi nila mag-ingat sa mga Hechicero, pwede ka raw mapahamak sa kanila."pagkukwento ko. Palagi daw nakatakip ang mga muka ng mga Hechicero kapag nagpapakita ito sa mga tagagawa at tagatadhana.
"May naikwento kasi sa'kin si supremo. Baka raw pinaglalaruan ako ng mga Hechicero. Naitanong ko kay bisor kung ano 'yon, isa raw tagagawa ang mga Hechicero pero ang mga hawak nila ay mga tagagawa at tagatadhana katulad niyo."pagkukwento niya at lumapit sa'kin. Hinawakan niya ang balikat ko dahilan nang pagtataka ko.
"P're, katulad nila kayo kaya mag-ingat ka."iniwan niya 'kong nakatulala dahil sa sinabi niya. Totoo ba 'yon?
Hindi kami pwedeng tamaan ng pana ni Kupido, hindi naman kasi gagana 'yon pero ang mga Hechicero pwede? Sila pala ang pinakamatataas.
Nagpapakita rin ang mga Hechicero sa mga tao pero iba ang misyon nila, ang gagawin nila ay tuparin ang kagustuhan ng tao. Hindi sila Genie pero mapanganib sila.
Nag-teleport ako sa mataong lugar kung saan kumakain ang mga tao sa tabing kalsada. Maingay at maraming tao ang naggagala.
May nakita akong babaeng nakaupo sa sanga ng puno. Nakatingin sa paligid at nilalanghap ang malamig na hangin. May dala itong kwaderno at pluma.
Natigilan ako nang makita ko ang hawak niya.
Isang pulang rosas.