Ciel's P.O.V
Lumabas ako ng head quarters. May bago akong misyon. Matagal ko nang hinihintay na magkaroojn ng misyon sa lugar na 'yon.
In the school
Naglilibot ako ngayon sa loob ng isang malaking paaralan. Ang mga highschoolers talaga. Maraming mga istudyante ang naglalabasan sa kani-kanilang mga silid at yung iba nananatili lamang sa loob.
Habang hinahanap ko ang target tumingin ako sa buong paligid. Malaki ang paaralang ito.
"Hoy, ano ba?"napalingon ako nang marinig ang boses na 'yon. Ang target one.
May kasama siyang dalawang babae, nag-uusap sila at nagkukulitan. Tumingin ako sa libro.
•Maliit ang mundo pero malawak ang paligid.
•Maging baliktad man ang lahat babalik pa rin sa'yo ang dapat sa'yo.
Tumingin ako sa paligid at nakita ko naman ang target two. May mga kasama itong maraming lalaki sa tabi. Nagbibiruan at nagsasakitan.
Gumilid ako at nilagyan ng bato sa gilid ng nasa dulong lalaki. May isang lalaki ang tumulak sa lalaking dapat matitisod sa bato kaya naman napaurong ang nasa gilid na lalaki malapit sa mga babae.
Malaking sanggian ang nangyari at napaaray ang babae sa sakit.
"Aray! Ano ba naman 'to!?"inis na sigaw ng babae at parang gustong gantihan ang lalaki. May isang pumigil rito.
"Sorry, ate!"paghihinga nang tawag ng lalaki bago umalis.
"Pigilan niyo 'ko baka mabugbog ko 'yan!"sigaw ng babae at may humawak naman rito para pigilan.
"Pigilan si Johuana!!"sigaw ng isa sa mga kasama niya.
*a/n: Totoo po itong nangyari.*Natawa naman ako sa reaksyon ng mga target. Yung mga lalaki patuloy ang pagkukwentuhan tungkol sa nabangga ng kasama nila.
Yung mga babae naman pinagpapalo ang nabangga at nagtatawanan. Napakamot nalang ako ng ulo at naggala sa buong campus.
Nag-teleport ako sa officials office. Ibinigay ko sa officer ang papel. Hindi niya nga 'ko pinanlsin at kinuha lamang ang papel at nilagay sa tabi. Umalis nalang ako at pumunta sa lugar kung saan madilim na.
Ang ganda talaga sa Venice. Naglakad ako sa tabi ng ilog. Maraming mga tao ang namamangka. Nakapamulsa akong naglalakad habang pinagmamasdan ang makukulay na ilaw sa daan.
May napansin akong babaeng nakatayo, nakatulala sa langit. Malayo ito sa pwesto ko. Nagtataka akong lumakad papunta sa direksyon na 'yon. Siya kaya?
Nag-aalanganin akong nilalapitan ang babae. Hindi niya 'ko napansin. Isa ata siyang tagagawa o manunulat.
Nang umuhip ang hangin nang napakalakas ang buhok niya ay sumabay sa pag-ihip ng hangin. Natigilan ako. Siya ba talaga?
Lumapit ako sa kanya at hinila ang pulsuhan niya para tumingin sa'kin. Paglingon niya, natigilan ako.
Nagkita kaming muli. Sa hindi pa inaasahang lugar kami magkikita. Kung totoo ang sinabi Jevien bakit parang ako ang lumapit?
"Oh? Ikaw ulit?"masayang tanong ni Fall. Hindi pa rin ako makapagsalita.
"Hoy, may misyon ka ba rito?"tanong ulit niya na may pagtataka.
"W-wala.."natauhan na 'ko at binitiwan ang pulsuhan niya.
"Bakit ka na rito?"pagtataka niya.
"Mahilig kasi akong lumibot. Alam mo na, para kung magkaroon ako ng misyon sa lugar na 'yo alam ko na kung saang lokasyon 'yon."pagdadahilan ko. Napakamot ako ng ulo habang nagpipigil nang inis sa sarili.
"Nandito ko kasi para sa isang insperasyon."biglang naging masaya ang aura niya sa sinabi niya.
"Sa pagiging manunulat?"napatingin siya sa'kin na may pagkagulat.
"A-ano?"hindi siya makatingin sa'kin at tumungo.
"'Wag mo nang itago. Hindi ka maker, may woman of letters kang tattoo."nakangisi kong sabi na parang nagbibiro.
Hinawakan ko ang balikat niya at pinat iyon. "Wala namang masama 'di ba kung magkaroon ng kaibigan ang manunulat na tagagawa?"tanong ko.
"So, ibig sabihin handa kang makilala ang totoong ako?"napakunot ako ng noo at nagtatakang nakatingin sa kanya. Nag-iba ang tono ng pagsasalita niya. Parang naging ibang tao siya ah.
"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko at inalis ang kamay ko sa balikat niya.
"Na makikilala mo ang tunay na ako."tumingin siya sa'kin na may kakaibang ngiti. Hindi yung ngiting mahiyain at mahinhin. Isang friendly at out-going na tao siya ngayon.
Hinawakan niya ang kamay ko nang napakahigpit at natigilan ako. Ang pakiramdam na 'yon, parang noon.
"Tinatanggap na kita bilang kaibigan."lalong nanlaki ang mga mata ko. Biglang may umulaw sa kamay ko at kamay niya. Ang friendly ceal.
Nabalot nang napakaliwanag na ilaw ang buong paligid at biglang bumalik sa dati ang paligid. Nag-iba ang aura niya at ang mga ngiti niya. Isa nang malokong ngisi at hindi na mapupungay ang mga matang nakatingin sa'kin. Iba na nga siya.
"Ako nga pala si Fall Auteur, a.k.a The Mischievous Fato Auteur."may kakaiba sa ngiti niya. Ang ngiting parang nangangasar.
Inalok niya 'kong makipagkamay. Naninibago 'ko sa kanya. Marahan kong itinaas ang kamay ko para makipagkamay. Nagulat naman ako nang marahas niyang hinawakan ang kamay ko at nakipagkamay.
"Oh, anong plano ngayon?"tanong nito.
"Gala tayo, Cielie. At mula ngayon tatawagin kitang Cielie."inakbayan niya ko kahit napakatangkad ko sa kanya. Ang bigat ng kamay niya. Manunulat ba talaga siya?
"Si-sige. Doon tayo sa secret bar."sabi ko habang pinipilit ko sa sarili ko na iba na ang taong kasama ko.
"Oh!? Sa Maker's Secret Bar?"gulat niyang tanong sa'kin habang nakaharap sa'kin.
"Oo."lalo siyang napangiti at tumabi ulit sa'kin. Nakasakbit na sa braso ko ang braso niya. Bakit parang kakaiba?
"Anong paborito mong wine?"tanong niya. Magana siyang magtanong ah.
"Hindi ako nainom ng wine."sagot ko. Tumingin naman siya sa'kin habang nakanguso.
"Gusto mo bang malaman kung pano gumawa ang mga manunulat?"tanong niya. May nang-iinis na ngiti.
Bumaba ang kamay niya papuntang kamay ko at hinawakan ito nang napakahigpit. Ano daw? Hindi naman ako manunulat ah.
"I'll show you some, sweetheart."