Ciel's P.O.V
Nakangiti akong naglalakad sa head quarters habang hawak ang pulang rosas. Naalala ko na naman siya. Natigilan ako sa ginagawa ko nang nakatingin ang bisor namin. Seryoso ang muka at nagtatakang nakatingin sa'kin.
"Yung first love mo na naman ba 'yan?"seryoso niyang tanong habang nakatingin sa bulaklak na hawak ko.
"First love po ba talaga ang tawag doon?"nakangisi kong tanong. Pinalo niya 'ko sa braso.
"Isa kang tagagawa hindi mo alam 'yan? Tanungin mo pa si Eos. Sino kaya ang nagpana sa'yo niyan nang maipamuka ko sa'yo na first love 'yan!"badabog niyang ibinaba ang kamay sa mesa niya.
"Gusto ko nga po siyang makita e kaso natatakot po ako na baka katulad ni Eos ang nagpana sa'kin. Bisor, pwede ko bang malaman kung sino ang nakatadhana sa'kin?"nakangiti kong tanong. Kasi naman eh.
"Iba ang may hawak sa libro ng mga tagagawa. Ciel, malalaman mo kung sino ang may hawak ng libro mo kapag naging bente anyos ka na."
"Pero, Bisor, bente-quatro na 'ko. Ano 'yon wala akong katadhana?"malungkot kong tanong. Umupo ako sa may table ko at inilagay sa flower vase.
"25 years old, makikita mo ang nakatadhana sa'yo. Kahit anong gawin o mangyari, siya at siya pa rin ang makakasalubong mo at tatambay siya sa'yo, habang buhay."inilapag ni Bisor ang isang kulay rosas na sobre sa mesa ko bago siya umalis sa harapan ko.
"Letter?"
Binuksan ko ito at kinuha ang sulat. Binasa ko kung sino ang nagpadala. Fall Auteur. Yung babae kanina?
"Ohh.. love letter? Akala ko ang mga tao lang ang gumagawa niyan?"napalingon ako. Yung katabi kong tagagawa rin.
"May nagbigay lang sa'kin ng sulat."simple kong sabi. Binasa ko ulit ang sulat.
From: Fall Auteur
To: Ciel McGuireMaligaya akong nakilala ka. Sana maging magkaibigan tayo. 'Wag kang magsusulat ng sulat para sa'kin, kasi mapapagalitan ako ng Mama ko. Salamat ulit.
Ayun lang 'yon? Nagpasalamat lang siya? Tss, okay.
"Fall?!"pasigaw na tanong ni Jevien. Sa tenga ko talaga ah.
"Kailangan talaga sa tenga ko sumigaw?"tanong ko habang masama ang tingin sa kanya.
"Fall Auteur hindi mo kilala?"hindi makapaniwalang tanong niya. Ano ba kaning meron?
"Kakakilala ko palang sakanya kanina."
"Talaga!?"napakamot ako ng ulo.
"Ito ngang rosas na 'to naiwan niya eh."turo ko sa bulaklak na nakalagag sa flower vase. Bigla niya 'yong kinuha.
"Hindi mo talaga siya kilala?"napasampal ako sa ulo.
"Pano ko malalaman e hindi mo naman sinasabi."lumapit siya sa'kinat bumulong.
"Siya ang sikat na manunulat, ang tagatadhanang mapagpanggap. Tinatago niya ang sarili niya sa pagiging mahiyain at tahimik, sa tawag na Fatexoxo at ang palatandaan niya, ang pulang rosas. Ciel, nakilala mo na ang sinusunod nating manunulat."seryoso akong nakatitig sa kanya dahil yung muka niya parang ang sarap ingudngod sa pader.
"Hindi ako makapaniwalang ganyan ang magiging reaksyon mo."flat note kong sabi.
"Pangarap kong makilala ang manunulat na 'yon. Kung sa mga matataas na antas, siya ang magiging superior ng lahat ng mga manunulat."
"Ang tatay ko ay isang manunulat, superior siya nang mga manunulat ngayon pero bakit hindi naikwento ni tatay tungkol rito?"nagtataka kong tanong. Bilang isang anak ng manunulat mataas ang ranggo ko pero ang tattoo ko ay heart and time. May halo akong kupido at tagagawa.
"Dahil hindi nagpapakita ang mga tagatadhana sa kanilang superior. Nagpapadala sila ng sulat."napakamot nalang ako sa ulo.
"Hindi sila ang nagbibigay ng ganyang utos. Hindi sila ang may kapangyarihan na mamili ng susunod na superior."napatungo ako. Ang rami ko pang hindi alam.
"Kung sakaling magkita ulit kayo, may ibig sabihin 'yon."bigla akong naguluhan sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?
***
Madilim ang langit at malakas ang simoy ng hangin. Maraming tao ang naglalakad sa tabi ng ilog. Nakabukas ang magagandang ilaw sa tabi at mga magagandang kulay ng ilaw.
Nakaupo akong nakatulala sa bench, sakaling makita ko ulit siya. Siguro sadyang tyempo lang 'yon.
"Ang lamig naman dito."bulong ko habang niyayakap ang sarili ko.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at sumandal sa upuan. Umasa pa 'ko, dapat nasa bahay na 'ko at natutulog para sa kinabukasan. Tumayo ako at nag-unat-unat. Nakakaantok.
Naglakad ako para maghintay ng konting saglit. Nakakorteng arrow ang mga bituin kaya napatingin ako sa direksyon na 'yon.
"An Cupid's arrow?"nagtataka kong tanong. Pagkatingin ko may mga bulaklak ng mga rosas sa direksyong 'yon.
Napangiti ako at lumapit sa pwestong 'yon. Pulang rosas at puting rosas ang magkatabi. Lumapit ako sa mga pulang rosas at pumitas ng bulaklak. Inamoy ko ito. Palagi ko na lamang siyang naaalala.
Tumayo ako nang maayos at naglakad na paalis. Magkikita rin tayo.
"Pulang rosas na naman?"isang mapagbirong tono ang narinig ko sa tabi. Napalingon ako at nakita si Eos, may hawak siyang vow at nakasakbit sa kanang balikat niya ang mga pana.
"Anong ginagawa mo?"nagtataka kong tanong.
"May mission kasi ako rito kaso nakita kita. Pwede mo ba 'kong tulungang hanapin ang dalawang 'yon?"may pakamot-kamot pang nalalaman, tinatamad na naman siyang maghanap.
"Ang rules ng mga makers ay hindi ibigay ang direkston ng target ng mga kupido."tinalikuran ko siya.
"Tutulungan mo ba 'ko kapag sinabi ko sa'yo 'yon?"napakunot ang noo ko at tumingin muli sa kanya.
Lumapit siya sa'kin na may nakakalokong ngiti. "Gusto mo 'di bang malaman kung sino ang pumana sa'yo?"
"Pano mo nalaman 'yan?"nagtataka kong tanong.
"Naririnig ko kasi ang nasa puso mo 'tol, kupido ako at kaya ko 'yang maintindihan."pagmamayabang niya. Kala mo kung sino.
Tumawa siya nang napakalakas habang pinapalo ang sarili sa kakatawa. "'Tol, tatay ko ang nagpana sa'yo pero ang tagagawa? P're, matagal nang patay ang tagagawa at isa 'yong Hechicero."lumapit siya sa'kin at pinat ang braso ko.
"P're, kung gusto mo ulit siyang makita kaya mong maghintay at kung kayo talaga ang nakatadhana makikita mo ulit siya nang biglaan at nang hindi mo inaasahan."bulong niya sa'kin at nagpakawala ulit ng nakakalokong ngiti.
"Mark the cupids' word and it's not just for granted, baby."inalis niya ang kamay niya sa balikat ko at nawala na lamang bigla.