Ciel's P.O.V
Isang pulang rosas.
Natulala ako. Siya ba 'yon? Lumapit ako kung saan nakaupo siya sa puno. Nakatingin pa rin siya sa mga tao.
"Hello?"napatingin siya sa'kin na may pagtataka at muling bumalik ang matamis niyang ngiti.
"Hi! Kasama ka sa mga tagagawa?"lumapit ulit ako at sumandal sa puno.
"Oo, ikaw? Tagagawa ka o --"hindi niya 'ko pinatapos magsalita nang mahulog siya sa sanga ng puno. Natigilan nalang ako. Clumsy.
"Ouch! Nasasaktan talaga tayo sa tunay na mundo 'no?"tumayo ito nang dahan-dahan at pinagpagan ang sarili. Nilapitan ko siya.
"Ayos ka lang ba?"
"Ah, oo."tumayo siya nang maayos at kinuha mga gamit niya.
"So, tagagawa ka rin?"
"Ah oo!!! Ta-tagagawa rin ako."
Ah, akala ko siya yung author na si Fatexoxo. Lumapit siya sa'kin at tinignan ako ulo hanggang paa.
"Anong pangalan mo?"tanong niya.
"Ciel. Anak ako ni Lake."papapakilala ko.
"Ah, Yung superior sa kabilang antas. Fall ang pangalan ko. Kapatid ko si Claire."pagpapakilala niya. Teka, si Claire?
"Claire? Yung assistant ni Supremo."nagtataka kong tanong.
"Oo."
"Ang kwento nila si Claire daw ay may kapatid na tagatadhan. Ilan ba kayong magkakapatid?"nagsimula kaming maglakad. Hindi kami tumitingin sa dinadaanan namin, tumatagos lang kami na parang multo.
"T-tatlo."umiwas siya nang tingin at pinasok ang mga kamay sa bulsa.
"Ano bang ginagawa mo dito? Parang ngayon lang kita nakita. Bago ka lang ba?"tanong ko.
"Oo, may hinahanap lang ako."tumigil siya sa paglakad at nagpunta sa may tabi ng riverbank. Maraming tao ang nakatambay roon.
"Anong tattoo mo?"tanong ko ulit. Napatingin naman siya sa'kin na may pag-aalala.
"A-ayokong sabihin."siguro ayaw niya munang ipakita. Ngayon lang naman kasi nagkita eh.
"Ang tattoo ko kasi ay katulad kay Eos."umupo ako sa bench at tumingin sa lawa.
Tumingin siya sa'kin na may pagtataka, "Eos?"tanong niya at tumabi sa'kin.
"Kasama siya sa mga kupido kaso pasaway, siya ang pinakaproblema ng mga Cupids."pagkukwento ko at tumingin sa kanya.
"Ang tattoo ko ay heart and time. Kay Eos kasi heart lang kasi siya ay isang kupido. Pang 10th ako sa pinakamatataas ang tungkulin."kumunot na naman ang noo niya. Alam niya ba talaga ang mga rules?
"Pang-ilan ka?"
"10th rin."
"Pang 10th pala tayo sa mga baguhang tagagawa."nakangiti kong sabi. Bigla siyang tumayo.
"A-aalis na ko."
"Talaga?"
"Oo, pinapauwi na 'ko ni Mama."
"Sige. Paalam."tumayo ako at kinawayan siya. Sabi ko na eh.
"Paalam."nawala siya at may naiwang pulang rosas.
Inamoy ko ito. Naalala ko bigla ang nakaraan. Noong unang kakita ko sa rosa.
Flashback..
Naggagala kami ni Papa sa isang parke. Maraming mga halaman at mga bulaklak. Maraming mga bata ang naglalari at nagtatakbuhan. May slides at swings rin. Unang labas ko noon sa loob ng bahay. Binabantayan kasi ako ng isang miyembro ng hindi namin masydong kilalang antas.
Tahimik at parang ignoranteng naglalakad sa tabi ng mga halaman. Wala akong kilala roon at binabantayan ako ng nakakatakot na mama. Hindi ako mapakali.
Nang may makita akong walang nakasakay sa swing tumakbo ako palapit roon at masayang umupo. Napangiti ako sa saya nang magswing.
Para talaga akong tanga.
Sa bakanteng swing sa tabi ko, may isang bata ang umupo roon. Tumingin ako at nang makitang nakatingin rin siya sa'kin umiwas agad ako nang tingin.
"Hi!"nagtataka akong tumingin sa kanya. Ako ba ang binati niya?
"A-ako ba?"nahihiya kong tanong.
"Oo, bago ka lang dito 'no?"nakangiti niyang sabi. Ang ngiting 'yon.
"Uh, oo, ngayon lang ako nakalabas sa bahay."umiwas ulit ako nang tingin.
"Anong pangalan mo?"
"Wala pa 'kong pangalan. Hindi pa 'ko nag-aanim na taong gulang."narinig ko naman ang biglaang paggalaw ng string ng swing sa tabi ko.
"Isa kang maker?"excited niyang tanong. Muka siyang nasiyahan.
"Oo."
"Kailangan na nating umalis."napatingin ako sa nagsalita. Si mamang nakakatakot. Bigla akong nalungkot.
"Bakit? Kakalabas ko pa lang."malungkot kong sabi. Hinawakan niya ang pulsuhan ko para hilahin. Tumingo ako dahil wala na naman akong nagawa.
"Teka!"natigilan kami sa paglalakad. Lumingon ako.
Lumapit sa'kin ang babae at may inabot na kakaibang bagay na ngayon ko lang nakita.
"Itanim mo 'yan para maalala mo ko. Maligaya akong nakilala ka."ngumiti siya sa'kin at binitiwan ang kamay ko.
"Rosas ang tawag d'yan kung sakaling hindi mo alam."niyakap niya 'ko at patakbong umalis. Natulala ako pagkatapos ng nangyari.
"Mabuti't nakilala mo na siya."rinig kong bulong ng nakakatakot na mama.
Tumungo ulit ako at napangiti. Sana makita ko siyang muli.
End of flashback..
Napangiti ako at napalakpak sa naisip. Hindi siya isang tagagawa. Sa kilos at sa mga sagot niya hindi siya tagagawa. Isa siyang tagatadhana kung hindi ako nagkakamali.
Kung sa totoong tagagawa kailangan nilang sabihin ang sign ng tattoo niya. Nakita ko ang tattoo niya sa pulsuhan. Isang bilog na tattoo na may balahibo ng ibon. Parang pluma.
Napatingin ako sa langit. Lumilipad na naman ang alagang paru-paro ni Eos. Tamad talagang maghanap. Tinignan ko ito at pinadapo sa kamay ko. Siningkitan ko ito at nilapit ang muka ko roon.
"Ikaw, Eos, maghanap ka 'wag kang magpaubaya sa alaga mo."sabi ko habang tinitignan ang paru-paro. Alam kong nakikita ako ni Eos.
***