Ciel's P.O.V
Nakaupo kami ngayon sa counter ng bar. Napaka ingay niya talaga at napakalikot. Ang rami-rami niyant inoorder na wine. Napapakamot ako pati narin ang waiter.
"Sir, kamusta na po ba ang quarters?," tanong sa'akin ng waiter.
"Okay lang doon," simple kong sagot.
"Baguhan lang po siya?," turo niya kay Fall na masayang-masayang umiinom.
"Ewan ko d'yan," pagwawalang pake kong sabi.
"HOY! MAKAPAGSABI KA NANG GANYAN, AH?!," bigla namang sigaw ni Fall sa'akin. Namumula na ang pisngi dahil sa kalasingan. Inakbayan niya ako biglaan at marahas na hinila palapit sa kanya.
"Ikaw, parang wala tayong pinagsamahan." Bulong niya sa'akin. Malapit ang bibig niya sa tenga ko at damang sama ko ang init ng hininga niya.
"W-wala naman eh." Hindi ko siya tiningnan at pinabayaan lang siya sa ginawa niya.
"HOY, MAS MATAAS ANG POSISYON KO SA'YO." pinggigitgitan niya.
"HECHICERO SIYA?," nagtatakang tanong ng waiter habang sinasalinan ng wine ang baso ni Fall.
"Hindi siya Hechicero, isa siyang manunulat." Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.
"Huh?, Manunulat siya?!," gulat niyang tanong.
Tumango si Gall kahit nahihirapan siya at kwinelyuhan ang waiter. Napaupo ulit si Fall kaya nahirapan ang waiter. Nakahawak parin si Fall sa kwelyo nung waiter.
"Bro, kung ayaw mong mapunta sa langit nang napaka-aga tumahimik ka." Pagbabanta ni Fall.
"Pre, wag mo lang ipagsabi sa kahit na sino ah?," pakikiusap ko. Binitawan siya ni Fall at nakatulog sa counter.
"Kung kailangan sir." Ngumiti ito sa'akin.
"Thanks." Dahan-dahan ako tumayo at inalalayan si Fall.
"Alis na kami." Pagkatayo ko inabot ko ang bayad at pinatayo si Fall.
Kinalabit ko nang paulit-ulit si Fall dahil hindi siya magising.
"Hmm?,"
"Fall, lalabas na tayo, gising na." Minulat niya ang kanyang mga mata at tumingin sa'akin. Ang pungay ng mga mata niya.
"Ah, talaga?" Nakangisi niyang tanong.
Pinilit niya ang sarili niyang tumayo pero hindi niya kaya. Pinulupot niya ang braso niya sa leeg ko. Ang bigat niya. Inakbayan ko siya sa pag lagay ng braso ko sa bewang niya.
"Oh, ang gentleman mo naman," pagbibiro niya.
Lalo niyang pinulupot ang braso niya sa leeg ko. Ano ba talaga gusto nito, magpaalalay o mag pa buhat.
"Akala ko ba pagkatapos nating uminom sasabihin mo sa lahat yung mga ginagawa ng mga manunulat?" tanong ko. Tumingin siya sa'kin na may pangaasar na ngisi. Nakakaasar yung tingin niya.
"Kelan ko bang sinabing cancelled 'yon?" natatawa niyang tanong.
Nagulat ako nang mapunta kami sa ibang lugar. Napatingin ako sagilid ko. Nawala si Fall. Napakaraming tao at siksikan. Medyo gabi na sa lugar na 'to. Maingay ang mga tao. Ilaw ng traffic light ang nakatapat sa'kin.
'Nasan ka ba , Fall?' tanong ko sa sarili ko.
Kinakabahan akong tumingin sa paligid, hinahanap si Fall. Naglakad ako para hanapin sa maraming tao si Fall. Habang hinahanap ko siya may napansin ako Isang Hechicero. Natigilan ako sa pwesto ko.
'Hindi ako pwedeng makita ng Hechicero' nagmamadali akong ualis sa pwesto at lumugar sa napakaraming tao.
Hingal na hingal akong umupo sa tabi ng isang resto sa labasan. Binabawi ko ang hininga ko habang nakatingin parin sa mga tao. Iniwan ako ng babaeng 'yon.
"Whatta coincidence, huh?" napalingon ako. Bigla akong nainis.
Yung ngiting 'yon ay nakakaasar talaga. Pagkatapos niya 'kong iwan sa maraming tao. Nakaupo siya sa tabi ko habang naka talumbaba, nakatingin sa'kin. Napaka lawak ng ngiti niya.
"Mukang mapaglaro ang tadhana ah." pabiro kong sabi at sumandal.
"Matagal na 'tong naka tadhana. Nakatadhana na'to kahit hindi pa tayo magkakakilala." nakangiti niya sa'king sabi.
"Dapat nga hindi tayo magkikita kaso walang makakapigil sa mangyayari satin." May inabot siya sa'king pulang rosas. Natigilan ako. Ang rosas na 'to.
"Nice to meet you again, Shy boy." nakangiti niyang sabi.