CHAPTER TWO

2.2K 40 0
                                    

“TULUNGAN na kita.”

Nakilala ni Majika ang boses na iyon. Sa huli ay lumingon na siya at ang nakangiting gwapong mukha ni Khen Joe ang nabungaran niya.

“Hindi na, kaya ko naman,” tugon niya rito tutal naman ay buhat na niya ang tatlong kahon ng kanilang medical supplies na ilalagay niya sa stock room.

Hindi na lang siya umimek nang kunin ni Khen Joe ang dalawang kahon na nakapatong. At least, gumaan ang buhat niya. May initiative naman pala ang lalaking ito.

“Thanks,” sabi niya nang mailagay na nila ang mga kahon sa kanilang stock room.

“Kahit ano, sabihin mo lang.”

Napatitig si Majika kay Khen Joe, pero saglit lang at itinuon na niya ang tingin sa kitchenette nila. “Gusto mo ng juice? Coffee? Tea?” Dumiretso na siya doon at nagbukas-bukas ng closet at ref.

“May brewed coffee kayo? Iyon na lang para hindi ako antukin.” Sumunod rin si Khen Joe sa dalaga.

Napangisi si Majika nang mabuksan ang isang closet. “Ang swerte mo naman. May nadala na rin si Sir Archie.” Lumapit siya kay Khen Joe dala ang garapon ng brewed coffee at isang malaking coffee cup. Iniabot niya iyon rito. “Magtimpla ka na lang. Hindi ko alam kung anong timpla mo.”

Napangisi rin si Khen Joe sa kanya. “Iyong tulad rin ng dati. Hindi naman ako nagbago ng timpla.”

Nagbawi ng tingin si Majika. Nakadama siya bigla ng pagkailang sa sinabing iyon ni Khen Joe. Ibinaba niya ang coffee cup sa tabi ng sink. “Hindi ko na alam kung anong timpla iyon, ikaw na ang gumawa,” kaswal na sagot niya. Hinarap niya ang maliit na ref at kumuha doon ng apple. “Maiwan na kita.”

Iyon lang at lumabas na siya.
Sinipat niya ang oras sa kanilang wall clock. Alas-nuwebe na pala ng gabi. Naupo siya sa sofa at nanonood ng TV. Iyon ang pampalipas-oras niya kapag naka-duty siya sa Red Cross kapag gabi.

Ilang araw na rin niyang nakakasabay sa pag-duty ng gabi si Khen Joe, and to be honest ay hindi siya komportableng kasama ito. Hindi naman dahil bitter pa siya sa nakaraan, basta awkward lang sa feeling. May mga kasama naman siya aside sa binata pero madalas ay natutulog ang mga ito at ginigising na lang kapag emergency, at si Khen Joe lang ang masipag makipagpuyatan sa kanya.

Baguhan kasi kaya nakikipagpuyatan pero pagnaglaon ay matutulog rin ito. Iyon na lang ang iniisip niya, pero minsan, kapag wala siyang magawa ay pumapasok sa malikot niyang kautakan na gusto siyang samahan nito for some reasons.

Tsk! Stop it. Assuming!

Hindi naman nagtagal ay lumabas rin si Khen Joe sa kitchenette at lumapit sa kanya. Nakiupo rin ito at nakinood.

“Mahilig ka pa rin pala sa ganyan?”

Nilingon niya ito. May nakakalokong ngiti ang gwapong mukha nito. “Favorite ko si Sponge Bob, eh.” But deep inside may something sa kanya na medyo naiinis siya. Hindi niya gusto iyong ugali nitong feeling close, although kilala siya nito.

Nang matapos ang pinapanood niyang Sponge Bob sa Cartoon Network ay tumayo na siya, iniwan ang remote kay Khen Joe at pumunta sa isang sulok kung saan nakalagay ang mga medical kit.

Gusto lang niya makalayo sa presence ni Khen Joe. Aside sa naiilang siya rito, hindi niya rin gusto na makantyawan sila ng mga kasama. Hindi naman sa K.J siya. May mga bagay lang talaga na kung minsan ay hindi niya masakyan.

Napabuntong-hininga na lang siya nang muling lumapit sa kanya ang binata. Kung pwede nga lang bulyawan ito at tanungin kung bakit ba ito lapit ng lapit sa kanya, na hindi mao-offend ito at baka magmukha siyang bitter ay ginawa na niya.

You're Still The One (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon