"O, hello? Napatawag ka, best?" tanong ni Majika nang masagot na ang kanina pang naghuhurumintadong cellphone.
Isang impatient na buntong-hininga ang naging reaksyon ng nasa kabilang linya. "Hindi lang ako napatawag, best, kanina pa ako tumatawag," pagtatama nito. "Alam mo namang limited lang ang oras ko, 'di ba?"
Impit siyang tumawa. "Sorry naman daw, Sandy," hinging-paumanhin niya. "Nasa sinehan kasi ako kanina, naka-silent 'tong phone kaya hindi ko kaagad napansin." Sumubo siya ng isang sliced ng pizza. Matapos kasi niyang manood ng sine ay nagpasya siyang magmerienda muna sa Shakey's.
"Sino'ng kasama mo?"
"Bale tatlo kami. Me, myself and I." Nilakipan pa niya iyon ng mahinang pagtawa bago kumagat ulit sa pizza.
Tumawa rin sa kabilang linya si Sandy. "Kina-career mo talaga ang manood ng mag-isa, ha? Push mo 'yan. Ano'ng pinanood mo?"
"Alice in the wonder land 3D," sagot niya. "Paanong hindi ko ka-career-rin na manood mag-isa, eh, ayaw mo rin naman akong samahang manood."
"Minsan ko lang ginawang manood ng sine at ayaw ko ng ulitin. Wala namang pinagkaibahan 'yung movie na mapapanood sa Youtube saka sa sinehan-nasa big screen nga lang kasi 'yun. Ayaw ko ng magsayang ng hundreds ko d'yan," mahabang paliwanag ni Sandy.
"Okay best I get your point." Tatango-tangong sabi niya para matapos na. "Siya nga pala, best. 'Di ba day off mo bukas? Tara sa Tagaytay bukas ng madaling araw. Mag-jogging tayo," yaya niya out of a sudden.
"T-Tagaytay? Bukas ng madaling araw? Jogging?!" ulit nito, sounded surprise. "Ano namang nakain mo at bigla-bigla ka namang nagyayaya na mag-Tagaytay?"
Sumandig si Majika sa backrest ng kanyang inuupuan. "Wala lang. Naisip ko lang. Feel ko kasing lumanghap ng fresh air saka makapag-unwind."
"Majika naman, eh..." pabuntong-hiningang sambit ni Sandy sa pangalan niya. "Kung ganyan rin lang naman pala ang trip mo sana sinabi mo ahead of time para nag-leave ako rito sa work. Hindi lang tayo magja-jogging, mago-over night pa tayo kung gusto mo. Pero sa ngayon, pass muna ako. Hindi ako pwedeng out of town."
"Why, oh why...?" full of disappointment na sambit niya.
"Balikan naman tayo, eh. Magja-jogging lang then magbi-breakfast tapos uuwi na tayo. Saka may car naman ako kaya wala ka ng problema. Okay, ako na rin sasagot ng breakfast mo."
"Sorry talaga, Majika," malungkot na sabi nito. "Alam mo kasi... this past days, andami naming client rito sa Spa. Masakit ang buong katawan ko sa kama-massage, I need rest."
"And you need to relax as well. Kaya nga tayo pupunta ng Tagaytay, 'di ba? Pwede ka rin namang mag-rest sa car, matulog ka, ako naman ang magda-drive, eh," pangungumbinsi pa niya. She crossed her fingers, nase-sense na niya ang resulta.
"What I mean is... kelangan ko ng bed rest. Gusto kong maka-gain ng lakas. Kung sasama pa ako sa Tagaytay, then, magja-jogging tayo, edi, parang hindi rin ako nakapagpahinga," paliwanag nito.
Nanulis ang nguso niya.Naiintindihan naman niya si Sandy. At mukhang hindi nga niya mapipilit ang best friend sa pagkakataong ito. Ayaw naman niyang magyaya ng iba. Si Sandy lang ang gusto niyang kasamang mag-jogging sa Tagaytay.
"Hmp! Ganyan ka lang... minsan na nga lang tayo maghapi-hapi tumatanggi ka pa, ha. Magka-boyfriend lang ako, best. Siya na lang ang yayayain ko!" patampo effect niyang sabi na hinalakhakan lang ni Sandy.
"'Wag ka ngang masyadong madrama, best. Wala sa 'yo ang korona ng Drama Queen," pang-aalaska niya. "Hindi naman ako maiinggit kung isasama mo si future boyfriend mo kapag once na nag-jogging tayo kasi isasama ko rin 'yung future boyfriend ko."
BINABASA MO ANG
You're Still The One (Complete)
Romance"Mahal kita. Mahal na mahal... na kahit pa ilang beses mo akong ipagtulakan palayo sa 'yo, hindi ako susuko. I will pay the cost of loving you." Matagal rin na panahon ang binuno ni Majika para tuluyang maka-move on sa pagkakabigo niya sa pag-ibig k...