NAGDILAT ng mga mata si Majika. Maliwanag ang buong paligid.
Patay na ba ako?
Iginalaw niya ang kanyang mga daliri. Dahan-dahan niyang inunat ang kanyang braso at nakitang may bandage iyon. Saka lang niya na-realized na hindi pa pala siya patay. Nasa ospital siya.
Dahan-dahan siyang pumikit at nanalangin sa Diyos ng pasasalamat. Sa wakas, ligtas na siya.
Nang muli niyang idinilat ang kanyang mga mata ay nilibot niya ng tingin ang buong paligid. Natigilan siya nang makita si Khen Joe sa gilid ng kama at nakayukong natutulog habang hawak ang isa pa niyang kamay.
Nagulat siya pero mabilis rin siyang nakabawi. Hinagod niya ng tingin ang kabuuan ng binata at tila ba may kung anong saya ang kumiliti sa kanyang puso dahilan para mapangiti siya.
Nakakataba ng puso iyong ma-realized mo na binantayan ka ng mahal mo at hindi iniwan. Sa kabila ng lahat na nagkakalabuan na kayo.
She brushed his black shiny hair gently. Tila ba lahat ng tampo at galit niya sa binata ay nawala dahil nakita niya ito ngayon sa tabi niya at hindi siya iniwan.
Naalimpungatan si Khen Joe sa mga pagsuklay na iyon ni Majika, mas lalo pang nawala ang antok nito nang makita siyang gising. Sumilay ang isang punong-puno ng pag-asang mga ngiti habang hindi malaman kung tatawagin ba niya ang nurse or what.
“G-gising ka na… Kumusta ang pakiramdam mo? A-anong nararamdaman mo? May masakit ba sa ‘yo? Anong gusto mo? Nagugutom ka ba? Nauuhaw?” sunod-sunod na tanong ni Khen Joe na tila ba natataranta.
She smiled simply. “Okay lang ako.”
Saka lang napanatag ang binata at bumalik sa pagkakaupo. Pinagmasdan niya si Majika na may pag-aalala pa rin sa mga mata at marahang hinawakan ang kamay nito at hinalikan. “Ang saya-saya ko na gising ka na. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka sa akin…” punong-puno ng sensiridad na sabi nito.
Napangiti si Majika sa sinabing iyon ng binata. Kinikilig siya deep inside. Hindi nga lang niya ma-voiced out dahil masakit pa ang buong katawan niya.
“Ang importante, ayos na ako,” sabi na lang niya.
Pinagmasdan siya ni Khen Joe, suddenly, may mga nangingilid na luha sa mga nito. Imbes na magsalita ay idinikit na lamang nito ang kamay ng dalaga sa pisngi.
“O, bakit?” takang-tanong niya sa binatang naiiyak.
Umiling-iling ito. “Wala. Masayang-masaya lang ako.”
“You don’t need to worry. I’m fine. I’m very-very fine,” she reassured.Fine na siya kahit pa masakit ang buo niyang katawan. Atleast, wala na siya sa tiyak na kamatayan.
Tumango-tango ito. He wiped his tears. “Pagbigyan mo na lang ako, okay?” wika nito. “Sobrang natakot lang talaga ako na mawala ka sa akin. Dalawang araw bago ka namin na-recover sa gumuhong building. Tapos nung ilabas kita doon, halos wala ka ng buhay. Tatlong araw kang comatose. Sino bang hindi mag-aalala para sa ‘yo?”
Napakurap-kurap siya. Hindi siya makapaniwalang dalawang araw siyang nalibing ng buhay sa gumuhong gusali.
Now, she sighed in relief. It's done. What's important is 'yung ngayon.
“You mean nandoon ka sa rescue operation?” she asked suddenly.
Tumango ito. “Matapos ang lindol, biglang dumating si Sandy sa Café na umiiyak. Sinabi niyang isa ka sa mga natabunan sa gumuhong building. Humingi siya ng tulong para hanapin ka doon. Pero kahit hindi naman sabihin iyon ni Sandy gagawin ko pa rin naman. Hinanap kita, and I’ve never stop searching for you. Ayoko rin namang mawala ka... lalo na sa akin!”
BINABASA MO ANG
You're Still The One (Complete)
Romance"Mahal kita. Mahal na mahal... na kahit pa ilang beses mo akong ipagtulakan palayo sa 'yo, hindi ako susuko. I will pay the cost of loving you." Matagal rin na panahon ang binuno ni Majika para tuluyang maka-move on sa pagkakabigo niya sa pag-ibig k...