"OKAY, ready na ba ang lahat? Wala na ba tayong hihintayin?" tanong ni Sir Mark sa team ng araw na iyon.
"Wala na," sagot naman nila.
"O'right. Let's go!"
Sinimulan na nila ang kanilang alay-lakad na aabot ng isa't kalahating oras kung mabilis sila at magtatagal naman ng dalawang oras kung marami silang stop over.
Ganun kalayo ang Tangadan falls na pupuntahan nila. Walang biro, lalakad talaga sila ng matagal sa ilalim ng mainit na sikat ng araw, aakyat sila sa mga bundok, dadaan sa mga matatarik na daan, magpapatentero sa mga ilog at sapa, at kelangan rin nilang maging alerto dahil para sa mga hindi inaasahang pangyayari lalo na't masukal na gubat ang kanilang susuungin.
"Hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin sa akin?"
Hindi nilingon ni Majika ang nasa tabi niya. Basta diretso lang ang tingin sa dinaraanan. Hindi rin siya sumagot.
"Ano bang ginawa kong mali?" tanong ulit ni Khen Joe. "Sabihin mo naman para alam ko."
Naiiritang tinuunan niya ng tingin ang binata. Nakukulitan siya rito. Kagabi pa ito tawag ng tawag sa kanya, na hindi rin niya alam kung saan nito nakuha ang cellphone number niya.
"'Wag mo akong kausapin. Layuan mo ako."
"Eh, bakit nga?"
"Dahil 'yun ang gusto ko," sagot niya.
"Akala ko ba okay na tayo?"
"Hindi tayo okay, okay?" paglilinaw niya. "Magkasama at nag-uusap lang tayo dahil magkasama tayo sa Red Cross. Iyon lang iyon. Wala ng ibang dahilan. Hindi tayo magkaibigan, hindi rin tayo close."
"Paano kung sabihin kong-"
"Wala akong pakialam sa sasabihin mo. Get's mo?" mataray na putol niya sa sasabihin nito. "Tumigil ka na. 'Wag mo akong kakausapin. Layuan mo ako."
Hindi na niya hinintay ang sasabihin ni Khen Joe. Mabuti na lang at nahuhuli silang dalawa sa paglalakad, walang nakarinig sa ano mang pinag-uusapan nila.
Nakisabay siya kina Janice at Jeff sa paglalakad.
"Khen Joe, you looked sad. May problema ba?" narinig ni Majika na itinanong ni Misty sa binata. Hindi niya tuloy maiwasang lihim na lingunin ang binata kung anong itsura nito.
Pero para bang naningkit lang ang kanyang mga mata sa inis nang makitang magkaagapay ang dalawa.
Mabilis niyang itinuon ang tingin sa dinaraanan. Focus Majika... Focus...
Unti-unti na namang nasisira ang mood niya. May tatlo siyang dahilan. Una, naiinis siya na makita si Misty na umaali-aligid kay Khen Joe. Pangalawa, naiinis siya na nakahanap ng comfort zone si Khen Joe sa piling ni Misty. At pangatlo, naiinis siya dahil nagseselos siya which is hindi makatarungan. Iniiwasan nga niya si Khen Joe upang hindi na siya tuluyang mahulog ulit ang loob rito pero the more naman na umiiwas siya, the more namang nagwawala ang puso niya kapag may ibang lumalapit sa bintana.
Nakakainis siya sa kanyang pagiging pabebe. Kahit siya mismo ay hindi niya malaman kung ano bang drama niya.
Mayamaya ay naririnig niya ang dalawa sa kanyang likuran na nagtatawanan. Gusto na naman niyang lingunin ang mga ito kung anong pinagtatawanan nila, o usisain kung ano bang pinag-uusapan nila pero nagpigil siya. For what? Para saktan ang sarili sa pagseselos? At kahit pa nagseselos siya, hindi niya iyon ipagsasabi kanino man, kahit pa sa pinakamatalik niyang kaibigan.
Nagkuyom ang kanyang mga palad nang marinig ang dalawang sabay na kumakanta habang naglalakad. Naiinggit siya. Dapat hindi si Misty ang kaagapay ngayon ni Khen Joe sa paglalakad, eh. Dapat siya!
BINABASA MO ANG
You're Still The One (Complete)
Romance"Mahal kita. Mahal na mahal... na kahit pa ilang beses mo akong ipagtulakan palayo sa 'yo, hindi ako susuko. I will pay the cost of loving you." Matagal rin na panahon ang binuno ni Majika para tuluyang maka-move on sa pagkakabigo niya sa pag-ibig k...