CHAPTER FOUR

1.8K 34 0
                                    

Nang sumunod na araw ay nag-report na silang dalawa sa Red Cross La Union Chapter. Dahil katapat lang ng Red Cross ang UCC, ang school kung saan sila nag-aral ay hindi naiwasang mapangiti ni Majika.

Hindi niya akalaing buhay pa rin ang school at nakatayo pa rin. Andaming pumapasok sa isip niya. Nandoon pa kaya ang mga dati niyang Instructors? Kumusta na kaya ang dati nilang classroom? Nandoon pa kaya ang na-vandalized niyang armchair? Naalala tuloy niya iyong mga moments na pumapasok pa siya doon noon kasama ang iba niyang mga classmates na ang iba ay sa social media na lang niya nakakausap at ang iba ay hindi na niya alam kung buhay pa o patay na.

Ngunit unti-unti ring napalis ang ngiti niya nang maalala ang malungkot na ending nila ni Khen Joe, ang dahilan kung bakit siya umalis ng UCC at lumipat sa Manila.

“Okay ka lang?” untag ni Khen Joe sa kanya.

Nilingon niya ang binata, no emotion involved. “Okay lang naman.”

“Para kasing nalulungkot ka…” komento nito.

“Parang lang ‘yon,” wika niya. Umismid siya rito. “’Wag mo nga akong kausapin.”

Napakamot sa ulo si Khen Joe. “Hayan na naman siya… nagsusuplada.”

Nauna na siyang pumasok ng Red Cross building, sumunod naman si Khen Joe.

Isang mainit na pagsalubong mula sa Red Cross La Union Chapter ang nabungaran nina Majika at Khen Joe. Isa-isa ring nagpakilala ang mga ito sa very friendly na paraan.

“It’s good to see you again, Mr. Khen Joe Morales…”

Huh? Natuon ang tingin ni Majika sa magandang babae na bumati kay Khen Joe. Pilit niyang kinikilala kung sino ang dalaga, familiar ang itsura nito sa kanya.

“You look familiar, did we met before?” tanong ni Khen Joe sa magandang dalaga.

Impit na tumawa ang dalaga. “Ano ka ba? Hindi mo na ba ako nakikilala? I’m Misty, Misty Natividad. Batch mate tayo. Cum Laude.”

“Misty…” Matagal na nag-isip si Khen Joe, pilit inaalala. “Ah! Right, naaalala na kita.” Napangiti siya rito.

“Yeah. At sinayaw mo lang naman ako noong nagkaroon tayo ng Nursing Jamboree,” paalala pa ni Misty.

Nagdaupang palad ang dalawa habang masayang nagkukumustahan.

Umugong ang biruan kina Misty at Khen Joe.

“Baka may magka-develop-an sa ganyan, ha?” biro ni Jane, isang ring Red Cross volunteer.

“Naku, hindi naman po. We’re just friends…” tugon ni Khen Joe.

“Naku, d’yan nagsisimula ang lahat… sa pa-just friends na ‘yan,” biro ni Jeff.

Tinawanan na lang nina Khen Joe at Misty ang biro ng mga ito sa kanila.

“O, s’ya, ipapakilala na namin kayo sa mga care giving students na mag-a-undergo training ng Safety Services,” pag-iiba ni Sir Mark, ang Head Administrator ng Red Cross.

Sa kabilang banda, hindi maintindihan ni Majika ang sarili. Parang gusto niyang mainis kay Khen Joe nang hindi man lang siya nito pansinin nang pumasok sila sa Training hall ng Red Cross. Abala pa rin itong nakikipag-usap kay Misty, habang siya naman ay iginayak ng ibang staff.

“Dahil sinabi kong ‘wag n’ya akong kausapin, hindi na talaga n’ya ako kauusapin?!” tanong niya sa sarili. “Magsama sila ng Misty niya!”

Huminga siya ng malalim. Hindi niya kelangang ma-badtrip. Training ang pinuntahan niya kaya dapat doon siya naka-focus.

“FIRST AID is an immediate help provided to a sick or injured person until professional medical help arrives or becomes available.”

You're Still The One (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon