CHAPTER 2

2.1K 36 15
                                    

 Nakaupo ngayon sa isang sulok ang di makapaniwalang si Janelle. Niloloko lang naman pala siya ni Gian. Nagpaloko naman siya. Inis na inis tuloy siya dahil napahiya pa siya. Pinagtawanan tuloy siya ng mga ka-schoolmate niya na nakasaksi ng pangyayaring yon.

"Anong meron sa lalaking yon?! Dahil lang sa prinsipe siya pwede na siyang magyabang?!"- untag niya

Dumating naman si Keith at kinausap siya.
"Mukhang may ginawa kang di maganda"- puna ni Keith sa kanya. Nilingon niya ito at tumayo.

Di niya pinansin ang sinabi nito at sinabing, "Dahil nag-iisa akong anak na babae, pinigilan kong magalit. Kaya ikaw Gian, magpasalamat ka at sinuwerte ka ngayon"- determinado pang saad niya.

'*sigh* pinigilan niya pa magalit sa lagay na yon'- naiiling na isip ni Keith.

Nagulat silang dalawa ng kumakaripas ng takbo sina Shane patungong pwesto nila kung saan natapunan niya si Gian ng pintura.

"Yah! Ako nauna dito! Ipopost ko to online."- tukoy ni Hilary sa sapatos. Pinag-agawan naman nila ito ni Shane.

"Ako nauna!"- Shane

At nag away ang dalawa dahil sa sapatos ni Gian
--------

Tumutugtog ang piano habang sinasabayan naman ito ng kanta ng mga estudyante. Sa kabila ng malamyang himig ng musika at malinis na tinig ng mga estudyante, nangingibabaw ang bises ni Janelle na wala man lang matamaan ni isang tono. Nawawala man sa pokus ang iba dahil dito pero pinagpatuloy lang nila ang pagkanta. Nang matapos ang kanta ay inis na pinindot ng guro ang keys ng piano at galit na galit na itinuro si Janelle.

"LABAS JANELLE SHIN!!!"

Ang building B at C ay para sa mga may major ng theatre at dance. Para naman sa may major ng arts, sa building A sila kung saan may kakaibang mood at environment. At dahil theatre ang major ni Prince Gian, mas dumami ang mga estudyante sa building B.

Pagala-gala lang si Janelle matapos mapalabas sa singing class niya. Maganda naman boses niya ah? Joke lang pala.

Napahinto siya sa isang pinto na akala niya'y mukhang automatic ang pagbukas nito. Winagayway niya ang kamay sa tabi ng pinto kung saan may pa-square na nakadikit.

"Mga selfish!"- inis na sabi niya dahil hindi niya iyon nabuksan.

"Magpakasal na kaya tayo?"- napatigil siya at napasilip sa butas ng pintuan sa kwartong iyon kung saan di niya mabuksan.

Sinilip niya ito at nakita ang isang babae at lalake. Kahawig ito ni Prince Gian.

"Anong sabi mo?"- sabi ng babae.

"Di mo ko narinig? Im proposing to you. Just now"

'Ganun ba talaga magpropose?'

Dahil curious si Janelle at may pagkadakilang chismosa, nakinig pa siya. Umiba siya ng pwesto kung saan mas kita niya ang pangyayari. Dalawa kasi ang pintuan doon, nagkataong bukas ang sa kabila kaya doon siya pumwesto.

"Oh! Si Prince Gian yon diba?"- sabi niya sa sarili

"Look, Im sorry. Bata pa tayo at nag-aaral pa lang. Pero anong ibig mong sabihing magpakasal?"- sabi ng babaeng si Monique

"Nagbibiro ka lang diba?"- dagdag pa niya

'Nagpopropose si Prince Gian sa babaeng yon?*gasp* Oh my God! Magiging malaking balita ito'

'A 19 year old prince dreaming about getting married to a girl in his school. Wow!'

"Nasa policy naman yon ng royal families. Ang makasal ng maaga. At dahil ako ang crown prince, baka ipakasal ako sa babaeng di ko naman kilala. Unless, sabihin kong may babae akong gustong pakasalan. Since were good friends, mas mainaman na makasal sayo kesa sa ibang babae."

"Ayokong masira ang pagkakaibigan natin dahil lang dito. And of course, the responsibility. At saka alam mo namang gusto kong maging isang kilalang ballerina diba? I've been doing great. Ayokong mag-give up ngayon. Kapag naging prinsesa na ko, I need to give up all of that."

'Parang ang cool niyang babae. Kung ako siya, ganun din gagawin ko. Sino ba naman kasi ang gustong makasal sa mayabang na prinsipeng yan?'

'Aww! Ang lungkot na ng prince ng lahat'

*phone rings*

'OH Hindi! Pahamak na cellphone'

Pinatay niya ang tawag pero hayan at tumutunog na naman.

"Sinong andyan?"- Prince Gian.

Patakbo na siya nang patigilin siya ni Gian. Tanga tanga naman tumigil pwede namang tumuloy sa pagtakbo. Nagkunwari siyang kumakanta pero ang sakit lang sa tenga shems.

"Sino ka? Anong nakita at narinig mo?"- tanong ni Gian.

✌✌✌✌✌✌✌✌

EDITED
©

PRINCESS HOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon