CHAPTER 4

1.3K 20 8
                                    

"Kamahalan, nandito po si Reyna Hwang-hu"

Pinapasok ng mga katulong si Reyna Hwang-hu (nanay ni Prince Gian) sa loob ng kwarto kung nasaan ang dating reyna(Lola ni Prince Gian). Dahan-dahan itong naglakad at naupo.

"Kamusta na ang lagay ng mahal kong hari (lolo ni Gian)?" - tanong ng dating reyna.

"Mabuti naman po"-sagot ni Hwang-hu

"Kung ganoon, bakit ganiyan ang ekspresyon mo kung mabuti ang lagay niya?"

"Gusto ng hari na ihatid ko sa inyo ang balitang mabuti ang kalagayan niya. Ngunit hindi ganoon kaganda ang nangyayari ngayon"

Inilabas ng katulong ang scroll na naglalaman ng detalye ukol sa kasalang magaganap. Binigay niya ito kay Hwanghu na siya naman nitong binuklat.

"Iyan ang ibang importanteng aspeto sa kasal ni Prinsipe Gian"- saad ng dating reyna.

"Nag-utos na rin ang hari para sa mag-aayos nito. Ang kailangan mo na lang gawin ay makikoopera upang maiwasan ang ano mang pagkakamali"- dagdag niya pa

"Masusunod po"- sagot ni Hwanghu

"Pakiramdam mo siguro ay sapilitan ang mangyayaring kasalan hindi ba? At bakit ang lahat ay nahantong sa ganito? Tama ba ako?"- Tanong ng dating reyna.

"Naiintindihan ko po kung bakit mahal na reyna"

"Nalalapit na ang kasal. Wala pa rin bang balita tungkol kay Troy at sa kanyang ina na pumunta sa England?"

"Pasensiya na po ngunit sa tingin ko ay si Zhong Jin ang may balita tungkol jan" - Hwanghu

----------

[L O N D O N]

Naabutang natutulog ng kanyang ina si Prince Troy sa sofa.

"Ano ba yan! Dito ka ulit natulog?"- tanong nito at saka kinuha ang librong nakalagay sa tabi ni Troy.

"Nagbabasa ka na naman magdamag?"- pagtapos ay binaba niya ito upang bumaling kay Troy.

"Ikakasal na si Gian"

"Ha? Totoo ba?"- sagot nito at saka dinilat ang mata at bumangon sa pagkakahiga.

"Oo totoo. Biglaan ang kasal. Hindi ko alam pero mayroon sigurong nangyayari sa palasyo para mag-desisyon sila ng ganon. Mauna ka munang pumunta sa Korea. Aayusin ko lang ang ibang kailangan ayusin dito at pagkatapos ay susunod din ako don"

"14 years na ang nakalipas. Kailangan na nating umaksyon"- dagdag pa niya.
-------------

[K O R E A]

"Nakapag-desisyon ka na ba?"

"Desisyon saan? Anong ibig niyong sabihin"- balik tanong ni Gian.

"Sa pag-aasawa"-sagot naman ng tatay niya

"Anong kinalaman niyan sa desisyon ko?"

"Hindi mo ba pwedeng ibaba yan?"- tukoy nito sa hawak ni Gian na ibinaba niya naman. Saka kinuha ang kasulatan tungkol sa kasal niya.

"Anong klaseng pagkakaibigan ba to na kinailangan nilang gumawa ng ganong pangako?"-saad ni Gian

"Kasunduan iyon ng mahal na hari (lolo ni Gian) at ng kanyang matalik na kaibigan"- sagot ng kanyang ina (Hwanghu)

"Ibig niyo bang sabihin ay pwedeng magkaron ng totoong kaibigan ng isang hari?"

"Crown Prince! Anong ugali ba yang pinapakita mo sa harap ng iyong ama?"- suway ng ina

"Oo. Kagaya ng sinabi mo, ang hari ay mag-isa lang at walang kaibigan. Kaya naman kinakailangan nito ng isang totoong kaibigan na maaasahan at maiintindihan siya. Maswerte ang iyong lolo at nakahanap siya ng ganoong kaibigan. Kapalit nga nito ay gusto ng hari, ng lolo mo, na suklian ang kabaitan nito sa pamamagitan ng isang regalo."-sagot ng kanyang ama

"Iyon ang dahilan, kung bakit ibinigay ng mahal na hari ang singsing bilang regalo sa kanila. Kasama ng sulat na nasa iyong kamay"-dugtong pa ng ina niya.

"Nakakatawa naman. "The Engagement of the Prince and the Granddaughter of my Royal friend". At sinasabi niyong ako ang tinutukoy dito tama?"- tanong ni Gian

"Sa totoo lang, hindi. Alam mong nang ginagawa ang kasunduang iyan ay buhay pa ang nakatatanda kong kapatid. At ang apo na dapat susunod sa kasunduang iyan ay hindi ikaw, kundi si Troy."-sagot ng ama.
"Magmula nang yumao ang nakatatanda kong kapatid ay ako na ang pumalit sa pagiging hari. Kung kaya't sa atin na din nabaling ang kasunduang iyon. Ang mahalaga naman ay kung anong nararamdaman mo. Hindi kita pipilitin sa mga bagay na ayaw mo."-dagdag nito.

Napaisip naman ng malalim si Prince Gian.

--------

"Nandito na po ako!"- sigaw ni Janelle pagkadating sa kanilang bahay.

Napatigil siya nang makita kung gano kagulo ang kanilang bahay. Nilibot niya pa ito ng nagtataka.

"Hala! Bakit ganito kagulo ang bahay? Anong nangyari?"- kinuha niya ang nakahalang na mga papel at binasa yon isa-isa.

"Variation of property... Ano to?" Lumabas siya sa bakuran nila dala dala ang papel at nakitang nakaupo ang mama niya.

"Ma, gusto mong makipag-divorce no?"- di ito sumagot kaya naman niyakap niya ito.

"Ma! Waaag. Sa tuwing naiisip mo yon nasasaktan ako."-pagyakap niya dito.

"Aigoo, pagod ako at saka ang bigat moo"- pagtulak nito sa kanya.

"Pero ma, ano to? Legal Cooperation?"

"Yung mga pinagkakautangan natin, tinatakot niya tayo. Wag mo na lang pansinin."

Nagulat ang mama niya ng kunin ni Janelle ang kamay nito at pinagsaklop.
"Mama, pag naging successful na ko, tatapusin ko na ang paghihirap na to. Puro masasayang araw na lang ang matatamasa natin. Magtiwala kayo sakin"- sabay pose pa nito.

"Prinsesa Shin, pano ka magiging successful?"- tanong ng mama niya.

"Designer. Designer na kilala at sikat sa buong mundo. "- at nagpose pa ito na mukhang prud sa sarili

"Mag-tigil ka"- walang interes na suway ng mama niya.

"Okay"-pagtango nito

"Pero ma, ibili mo na ko ng makina pangtahi. Sige naaaa"

"*Sigh* Nakita mo ba yang bahay natin? Stressed na ko dahil jan. Wag ka ng dumagdag."

May tumawag sa cellphone ng mama niya kaya naman umalis na din siya at pumasok uli sa bahay nila. Nakita naman niya ang papa niya na may mukhang hinahanap.

"Nandito kaya? Wala"- paghalungkat nito "Eh dito? Wala din"

"Papa!"

"Ay jusq po"

"Anong hinahanap mo?"- tanong ni Janelle

"May hinahanap lang akong kayamanan. Hay nako. Di ko talaga mahanap"-pagod na sagot nito.

"Bakit? May naiwala ka ba?"

"Oo, singsing. Yung singsing na ibinigay satin ng lolo mo bago siya namatay"-paiyak na sabi nito.

"Ah iyon ba?"

"Ha?"

"Yung singsing ba na nandoon bago tayo lumipat?"- pagturo ni Janelle sa lamesa.

"Ha? Saan kamo?"- tumayo sila upang puntahan ang sinasabi ni Janelle.

"Nandito lang yun eh. Ah iyon!"- yumuko siya at pina-angat ang lamesa sa papa niya.

"Nakuha ko na! Nilagay natin to dito para mapantay yung lamesa eh"- hawak hawak niya ang singsing nang agawin ito ng papa niyang lumiwanag ang mukha.

"Yes! Ito nga yon! Nahanap din natin!!!"- tuwang tuwang sigaw nito at saka niyakap si Janelle. Kumalas naman si Janelle dito.

"Asawa ko! Nahanap na namin!!"- patakbong lumapit naman ang mama ni Janelle at tinignan ang singsing.

"Sa wakas!!"- nagtatalon sila sa tuwa at pinaghahalikan sa pisngi si Janelle saka nagyakapan ang mag-asawa.

"Padating na ang kasiyahan natin! Mayaman na tayo! Hoo!"- sigaw nilang mag asawa.
ㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋ
EDITED
©

PRINCESS HOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon