CHAPTER 3

1.5K 29 6
                                    

"Juice ko po! Ano ba yang kalat na yan? Yung batang yon talaga. Napakakalat ng kwarto. Diyos ko po! Mababaliw ako dahil sa batang yon!"- inis na inis na bulyaw ng mama ni Janelle pagkadting sa bahay at nadatnan ang napakakalat na kwarto ni Janelle. Nakakalat lahat ng damit nito na para bang hindi babae. Tsk tsk.

"Ahaha~ Iniwanan na naman niyang madumi ang kwarto niya. Palagi na lang tagu-taguan ang nangyayari sa tuwing naghahano yon ng gamit. Hahaha"- saad ng papa ni Janelle. Baliktad ang sistema sa pamilya nila. Ang papa niya ang naiiwan sa bahay at gumagawa ng gawaing bahay samantalang ang mama niya ang nagtatrabaho.

"Mukha bang nakakatawa to para sayo?"- baling nito sa asawa. "Janelle Shin!"- nanggagalaiting saad nito sabay labas ng cellphone at idinial ang number ni Janelle.

"Ay nako... Sabihin mo nalang pag uwi niya mamaya---"- natigilan ang papa ni Janelle nang tignan siya ng masama ng asawa nito.

"Ha! May gana pa siyang babaan ako ng tawag?!"

--------

"Sino ka? Anong nakita mo at narinig?"- muling tanong ni Gian.

"Oy! Tumingin ka dito"- dagdag niya pa pero hindi lumingon si Janelle.

Kumanta na naman si Janelle.
"Ang pangit ng boses mo. Pinakinggan mo ba ang usapan namin? Hanggang saan narinig mo?"- panlalait nito.

"Sinong nagsabing nakinig ako?Hiniling mo bang gawin ko? Anong nakakaproud sa pagiging basted? Hmmp *irap*"- gusto niya sanang sabihin yan pero...

"Sandali! Ms. Jogging Pants! Di ka ba hihinto?!"- sigaw ni Gian nang tumakbo bigla paalis si Janelle.

-----
"The number you have dialed---"

"Itigil mo na kasi yan"- pigil ng papa ni Janelle.

"At kelan ka pa naging concern sa mga anak mo? Kaya ba dinala mo to sa bahay na to? Kasi concern ka? Gusto mo bang basahin ko para sayo?!"- natigilan ang papa ni Janelle at sinubukang pigilan ang asawa. "Notice of Bad Credit, Penalty Report... At ano to? Detailed Bill of your Credit Card"- naagaw naman ito ng papa ni Janelle. "Ay nako! Kailangan pa ba kitang ibili ng pagkain matapos mo magdala ng kapahamakan sa bahay nato sa pamamagitan ng pag-utang?"

"*sigh* Mag-divorce na tayo. Di ko na kaya, maghiwalay na tayo"

"Hoy, di ka ba nagsasawang sabihin yan? Palagi mong sinasabing maghiwalay na tayo!"- galit na sabi ng papa ni Janelle na nagpatahimik sa asawa. Tinignan niya ang mga papel at, "Haayyy, Paano na pag kinuha nila ang bahay natin? Pangalawang beses nato. Ang seryoso pa nila sa mga tawag nila."

*ding-dong*

Sabay na napatingin ang dalawa sa pintuan saka nagkatinginan. Tumayo ang papa ni Janelle at kinuha ang teleponong nakakonekta sa gate nila.

"*ehem* Hello?"- pagbabago nito ng boses sa pag-aakalang ito na ang pinagkakautangan niya.

"Hello, Isa po ako sa mga tiga-palasyo"- sagot nito

"Eh? Sa palasyo po?"- gulat na tanong niya.

"Umorder ka na naman ba ng noodles?!"- sigaw ng asawa.

"Aish! Mga tao talaga!"- inis na sabi ng papa ni Janelle sa pag-aakalang niloloko lamang siya ng taong nasa labas. Binuksan niya ang gate at nakita ang dalawang lalaking naka-pormal na damit.

----
Hawak ng dalawang lalaking naka pormal na damit ang picture frame kung saan naroon ang picture ni Janelle at ang lolo niya.

"Iyan ang tatay ko at anak ko"- pagmamalaki ng papa ni Janelle. Inilapag naman nila ang frame nang dumating ang mama ni Janelle na may dalang tsaa.

"Heto po ang simbolo ng naganap na pangako sa pagitan ng namatay na si King Sung Jo at Mr. Shin."- kinuha ng mag asawa ang singsing na nakalapag sa harapan nila.

"Oh my! Totoo nga!"- tuwang tuwa ang dalawa.

"Hinihintay ng Royal families ang engagement ring. Naitago niyo naman po siguro ito hindi po ba?"- tanong ng isa sa mga nakapormal

"A-ah.. Syempre po"- agad na sagot ni Mrs. Shin

"Syempre naman po. Itinago namin yun sa pinakaligtas na lugar hahaha"- Mr. Shin

"Nasaan na yon?"- iyan ang mababasa sa bibig ni Mrs. Shin at nagkatinginan muna ang mag asawa bago magsitawanan.

--------

"Ang pag-iisang dibdib ay masusunod kagaya ng nasasaad sa batas. Ang hari ang pipili sa mapapangasawa ng prinsipe bago ito pumanaw kaya naman kakailanganjn mong maghanda para sa seremonya."- ang mga katagang yan ang nasa isip ni Gian habang nasa kalagitnaan ng lesson.

Umuwi siya kaagad matapos niyon.
--------

"Oh! Hihimatayin ata ako"- madramang saad ni Hilary matapos tumili ng bongga sa papauwing si Prince Gian.

"Sino kaya yung mapapangasawa ng Prince!"- paghihimutok ni Shane.

"Guys! Gusto niyo bang sabihin ko kung sinong mapapangasawa niya?"- biglang singit ni Janelle.

"Mapapangasawa? Sino? Patay siya sakin!"- galit na sigaw ni Shane

"Tama! Sino yang babaeng yan?"- Hilary

"Hoy, Janelle. Pano mo naman malalaman?"- singit din ni Keith

"Ahehehe. Kase, may narinig ako tungkol don..."- pambibitin nito at kinuha ang bike niya.

"Ano yon?!"- pigil ni Hilary

"Sabihin mo na"- Shane

"Gusto ko ding sabihin kaso...!"- sabay alis nito. Loko talagang bata hindi niya alam sarili na niya ang tinutukoy niya.

"Janelle Shin!"- tawag ni Keith sa papalayong si Janelle.

--------

"Mahal na prinsipe, narito po ang schedule ninyo ngayon. 4pm, sa COEX mayroon pong naghihintay na seminar para sa inyo don."- tinanggal ni Gian ang headset upang marinig ito.

"Pagkadating niyo po sa palasyo, naroon po ang Western education. Pagkatapos ng klase sa hapon, ang........."- hindi ito pinansin ng prinsipe ng magawi ang tingin sa labas ng kotse. Nakita niya si Ms. Jogging Pants na siyang nakarinig sa pagpopropose niya kay Monique.

Umandar na ang kotse pero pinahinto niya muli.

----

Kinorner niya si Janelle kasama ang mga bodyguards niya.

"Maaaring chismis lang yon para sayo, pero seryoso ito para sakin."-Gian

"Ano bang problema mo? Sinabi ng hindi ko nga pinagsabi sa kahit na sino"-Janelle

"Ibig sabihin, nadinig mo nga"- Gian

Aish! Huli ka balbon.

"Makinig kang mabuti. Pag pinagkalat mo ang mga balitang di naman totoo, hindi lang ako ang mapapahamak. Pati ikaw."

*flash*

*flash*

"Anong ginagawa niyo? Tigilan niyo ang pagkuha ng litrato!"- pigil ng mga bodyguards sa mga reporter ata.

"Mauuna akong umalis. Tapos ay mamaya ka na"- Gian

Napatingin si Janelle ng ipatong ni Gian ang isang kamay nito sa pader na nasa gilid ng ulo niya at ang isang kamay ay sa labi niya na animong pinatatahimik siya gamit ang isang darili. "Binabalaan kita. Mapapahamak ka pag pinagkalat mo yon". Sabay pahid ng darili niya sa uniform ni Janelle.

Pagkaalis ni Gian ay saka lang nakapagsalita si Janelle. "Ha! Ano yon? Napakahambog talaga!"

--------

✓EDITED
©

PRINCESS HOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon