CHAPTER 6

959 18 3
                                    

"Maupo po muna kayo"- sabi sa kanya ng tao sa palasyo na ginawa naman niya.

"Thank you po"

"Maghintay po muna kayo rito. Paparating na rin ang Reyna. Habang narito kayo, sasabihin ko lamang ang mga patakaran at kailangang ugaliin sa loob ng palasyo"

"Una, huwag kang makikipag-eye contact. Huwag mong putulin ang sinasabi niya at hayaan siyang patapusin. At huwag mo ring kakalimutang tawagin siyang Reyna Hwang-hung. Paparating na din siya, hintayin mo na lamang"-sabi ng lalaking naghatid sa kanya

"Opo"

Nang makaalis ito ay binuklat ni Janelle ang bagay na nasa lamesa sa harap niya. Nakakamangha dahil ngayon lang siya nakahawak ng ganon.

Dumating naman ang mga katulong sa palasyo. Ang nakakatuwang part ay halos lahat ng nasa palasyo ay nakasuot ng 'hanbok' o tradisyunal na damit sa Korea.

Hinatiran lamang pala siya nito ng tsaa. "OhMiSa tea po iyan para sa inyo"

"Thank you po"- sagot naman ni Janelle.

Nang makaalis na ang dalawang katulong ay tinikman ni Janelle ang hinatid nila at nilibot ang kanyang paningin. Tumayo siya at manghang nilibot ang kwartong kinaroroonan niya. Hinawakan pa niya ang ilang gamit doon.

"Ang ganda naman neto"- bulong niya sa sarili.
May titignan pa sana siya nang mabunggo niya ang antique jar sa likod niya. Mabuti na lamang ay mabilis ang kilos niya kung kaya't nasalo niya ito. Kung hindi ay paniguradong malalagot pa siya.

Ibinalik niya iyon at nagpasyang maupo na lamang dahil baka makasira pa siya ng gamit. Uminom muli siya ng tsaa ngunit hindi niya ito maayos na nailagay sa lamesa kaya tumapon iyon sa kanyang paldang kulay puti pa naman.

Kasalukuyan niyang pinapahid ito kahit na alam niyang hindi rin naman matatanggal nang magsalita ang bantay sa labas.

"Parating na ang si Reyna Hwang-hu"

Di naman mapakali si Janelle dahil sa palda niya. Nakakahiyang makita ito ng Reyna. Pero tumayo na lamang siya dahil paparating na daw ito.

"Siya po si Janelle Shin, mahal na reyna"- pakilala sa kanya ng isang katulong habang naka bow.

Naupo sa tapat niya ang reyna at pinaupo na din siya. Sandaling napatingin si Janelle sa mata nito ngunit naalala niya ang isa sa nga patakaran na huwag itong titignan sa mata. Unang tinignan ng reyna ang singsing at ang isa pang kabiyak ng alahas.

"Kaya kita pinapunta dito sa palasyo ngayon ay dahil nais kong marinig ang opinyon mo sa kasalang magaganap sa pagitan ninyo ng crown prince"

"Po? Ah, opo Reyna Hwang-hu"- sagot naman ni Janelle.

"Ito ay pangako at kasunduan sa pagitan ng dating hari at ng iyong lolo. Ano ang masasabi mo sa kasunduang ito? Mabigat siguro ito para sayo dahil ikaw ay estudyante pa lamang. Tama ba?"- tanong ng Reyna sa kanya.

"Po? Opo, Reyna Hwang-hu"- muling sagot na naman niya.

"Bilang isang 'bride-to-be' , kailangan mong respetuhin ang nakatatanda at magdala ng bata. Ngunit ang kasal na ito ay importante kung kaya't hindi dapat isinasagawa ng walang pagpaplano"

"Sa totoo lang po, nagpunta po ako dito para sabihing payag na po ako sa kasal"- sagot ni Janelle.

"Ganoon ba? Ang akala ko ay hindi ka sang-ayon sa kasal na ito?"- nagtatakang tanong ni Reyna Hwang hu.

"Okay lang po ba kung magtanong ako sa inyo?"- lakas loob na tanong ni Janelle.

Tumango naman ito, "Ano iyon?"

"Ito na lamang po ang pagkakataon ko para sabihin to. Baka nga po alam niyo na din ito pero wala pong trabaho ang papa ko at ang mama ko naman ay nagtatrabaho sa insurance company."- huminto siya kaya nagtanong ang reyna.

"Kaya naman?"- tanong nito upang malaman ang pakay ni Janelle.

"Kaya po itatanong ko lang kung magiging komportable na po ba ang pamilya ko?"- nag-aalangan pa niyang pagtuloy.

"Mukhang may gusto kang hilingin. Mas abusado ka pa pala sa iniisip ko. Gumagawa ka ba ng kondisyon sa kasalang ito?"- diretsang tanong ng reyna na may bahid ng pang iinsulto.

"Hindi naman po ito kondisyon. Nagrerequest lang naman po--"- hindi siya pinatapos nito at nagsalita muli ang reyna.

"Ang bagay na yan ang hindi mo dapat paghimasukan pa"- makabuluhang sabi nito

"Dahil magiging parte ka na ng royal family ay makakatanggap ang pamilya mo ng seguridad na reputasyon"- pagpatuloy nito.

Napataas naman ang mukha ni Janelle at natuwa sa balitang yon. "Po? Kung ganoon po ay maraming salamat po, Reyna Hwang hu! Payag po ako sa kasal!"- nakangiting tugon niya.

"Paparating ang Kamahalan!"- announce na naman ng katulong na nagbabantay sa pinto.

Napalingon naman sila sa paparating na dating reyna. Naunang tumayo si Reyna Hwang hu upang salubungin ito. Tumayo din si Janelle at nag bow bilang paggalang.

"Siya po si Janelle Shin, Kamahalan"- pakilala sa kanya ni Reyna Hwang hu

"Ah, ikaw pala iyon. Mas maganda ka pala sa personal"- bagay na nakapagpangiti kay Janelle.
"Nabalitaan kong tatanggapin mo na ang kasunduang magaganap?"- nakangiting tanong nito

"Kung papayag po kayo, gagawin ko po."- medyo nahihiya pang sagot ni Janelle.

"Oh, ganoon ba?"- natutuwang tanong pa nito at lumapit kay Janelle.

"Ano ang nasa saya mo ija?"- takang tanong nito nang mapansin ang ma pink na bagay sa palda niya. Hindi naman makasagot si Janelle at nahiya na lang.

"Maupo ka"- sabi na lamang ng kamahalan na ginawa naman ni Janelle. Pinaupo din nito si Hwang hu

"Anong uri ng pangkulay ang ginamit mo? Jobus ba?"- tanong ulit nito sa kulay sa palda niya.

"Um.. fruit tea po ito, kamahalan"

"Kapag naglagay ka ng alum sa puting prutas, makakakuha ka ng matingkad na kulay, ngunit ang prutas na iyan ay nakalikha ng malamya at natural na kulay"- nakangiti pang saad ng kamahalan. Hindi niya alam na natapon lang naman ni Janelle yung tsaanh binigay sa kanya.



PRINCESS HOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon