CHAPTER 5

1.1K 25 10
                                    

"Heto ang litrato ng babaeng pakakasalan mo. Hindi ko alam kung ito ba ay nagkataon lang o tadhana pero parehas kayo ng eskwelahang pinapasukan."- pag-abot ng ama ni Gian sa litrato.

"Po? Parehas kami ng school?"- gulat na tanong ni Gian.

"Oo. Sa Art Department siya."

Inabot ni Gian ang litrato at nanlaki ang mata ng mapagtanto kung sino ang papakasalan niya. Ito lang naman ang babaeng nakarinig sa proposal niya kay Monique. Walang iba kundi si Ms. Jogging Pants.

--------

"HINDI MAAARIIII!"- pagsigaw ni Janelle ng malaman kung para saan ang singsing na yon.

"Amin na yang singsing. Pati na rin yung kasulatan o kung ano pa man. Ibabalik ko sa kanila yan. Anong bus ang kailangan kong sakyan para makarating sa palasyo?"

"Hindi niyo maaaring gawin yan, crown princess"- sagot ng kapatid niyang si Elton.

"Oo nga naman. Hindi ba, asawa ko?"- pag sang ayon ng mama ni Janelle kay Elton.

"Ayy, sinabi ko ng tawagin niyo kong official"- masayang sabi nito. Ang official ay may mataas na katungkulan sa palasyo.

"Ano bang pinagsasasabi niyo jan"- inis na sabi ni Janelle.

"Itatapon ko to"- sabay kuha niya sa lalagyan kung nasaan ang singsing at kasulatan. Pinigilan naman siya agad ng papa niya at inagaw ang hawak niya.

"Hindi mo pwedeng gawin yan! Amin na yan"- at naagaw nga nito ang lalagyan.

"Anong panahon na ba ngayon para sa  old-fashion na arrange marriage na yan?"- inis pa ring tanong ni Janelle.

"Ma, Pa. Ilang taon na ko? High School pa lang akoo!"-dagdag pa niya

"Janelle Shin, ibibili kita ng bagong makina panahi."- sabay lapit ng mama niya sa kanya.

Nakakunot noong sumagot si Janelle, "Hindi ngayon ang panahon para pag-usapan ang sewing machine na gusto ko"

Napaupo na lang siya sa inis, "Papakasalan ako ng Crown Prince? Hindi kapani-paniwala!"- singhal niya.

"Anong sinasabi mo?!"- maang na tanong ng papa niya. "Hindi mo ba narinig ang tawag mula sa palasyo?"- umakting pa ito na para bang isa siya sa mga opisyal sa palasyo.
"Wiling na tinatanggap ng prinsipe ang kasunduang ito ukol sa kasalan"

"Ah ewan! Ayoko! Hindi ko man alam kung bakit siya pumayag pero meron na siyang magandang girlfriend"- nakasimangot na sabi ni Janelle.

Nagkatinginan ang pamilya niya at nagulat ss sinabi niya.

"At nakita ko ding nagpropose siya"-dagdag pa niya

"Ano? Sino?"- tanong ni Elton.

"Ang crown Prince?"- papa ni Janelle.

"Kanino?"- mama ni Janelle.

"Doon din siya nag-aaral sa Shohandang. Sa Dance Department siya. Galing din siya sa mayamang pamilya at iisang anak lang siya. Maganda siya at magaling din mag-ballet."

"Kung ganon, eh bakit siya pumayag sa kasal?"- di maka-paniwalang tanong ng papa niya.

"Panandalian siguro siyang nawala sa sarili nong nabasted siya"

"Nabasted siya? Sino? Sino ang nabasted?"- bulong ni Elton sa sarili

"Sino? Sino nagbasted sa kanya?"- tanong ni Elton sa ate niya.

"Basta, ang kasunduang to ay hindi matutuloy!"- determinadong sabi niya
"Kalimutan niyo na to"- masamang tingin niya sa kanila at pumasok na sa kwarto niya.
---------
Sa palasyo...

PRINCESS HOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon