Nanginginig ako habang naglalakad ako papunta sa old building ng school namin. Sa dinami-rami kasi ng pwede niyang piliing meeting place, dito pa kasi eh. May pa-"wag kang mag-alala, inosente ako." pa siya. Leche ka, Steven.
--Flashback--
Nakapikit kong tinutug-tog yung gitara ko ng biglang nag-ring yung phone ko.
"Who's this?" tanong ko tsaka ibinaba yung gitarang hawak ko.
[Steven. Old building, tomorrow, 1:00 pm. Don't be late.] Dire-diretso niyang sabi tsaka inend yung call. Wtf! For real? Steven Rousseau? Tatawagan ako? Omg! Feels like heaven! But wait, ano daw? Old building? Anong gagawin namin dun? Or baka may gagawin siya sakin dun? Bago pa ako tuluyang mag-histerikal, may nareceive na akong text message.
From: 0926*******
And oh, by the way, wag kang mag-alala, inosente ako.Woah. Is he a mind reader? Balak ko sana siyang replyan kaso di ko alam sasabihin ko kaya wag na lang.
--End of Flashback--
Napa-tingin ako sa relo ko. 12:48 pa lang pala. I decided to come early. Alam ko kasi ang ugali ni Steven. He's a Rousseau, the most popular family in the world. And kung ano ang gusto niya, yun ang mangyayari.
"Mas maaga ka pa pala sakin."
Nagulat ako sa nagsalita.
"Pinaglihi ka ba sa kabute?" Tanong ko habang hawak yung dibdib ko.
"Wala kang dibdib." sagot niya kaya napalaki yung mata ko.
"How dare you?!" pasigaw kong tanong sa kanya. Natawa lang siya. Gosh. Kahit ang bastos netong lalaking 'to, kinikilig ako sakanya. He's my crush since grade 7. Ang gwapo niya kasi plus ang angas niya pumorma. Siya yung tipo ng lalaki na pag dumaan sa harap ng mga babae, panigurado, bali ang leeg nila sa kakaikot. Hindi naman siya ganun katangkad. Pero mas matangkad siya sakin. We have the same age but mas mataas yung year level niya kesa sakin.
"Spill it out." sabi ko habang naka-tingin sa relo ko.
"First of all, thanks for signing the contract. Second and la-"
"Wait, what? Contract? Anong kontrata yan?" nalilito kong tanong.
"Yung pinapirmahan sayo ni Julian kahapon." Julian? Si Pres?
"Akala ko kailangan kong pirmahan yun para makuha ko yung phone ko! What's with that fvcking contract?" Tanong ko habang gulat na naka-titig sa kanya.
"That's what I am saying. You'll act as my girlfriend para makuha ko ulit si Cristine. Yun lang naman gagawin mo." Sabi niya tsaka ngumiti. Ouch naman dun diba? Tutulungan ko si crush para magkabalikan sila ng ex niya. Ouch talaga.
"Bakit ako?" Tanong ko. Kung kanina, gusto ko siyang batuhin ng bag dahil sa gulat, ngayon naman gusto ko siyang saksakin ng ballpen dahil sa inis.
"She envied you. Kapag malaman niyang girlfriend kita, babalikan niya ako."
"Pero hindi dahil mahal ka niya kundi dahil ayaw niyang mapunta ka sakin. Sa tingin mo ba, maibabalik nun yung feelings niya sayo?" tanong ko.
"Don't talk like you know everything. Alam kong mahal pa ako ni Cristine. Naguguluhan lang siya dahil dun sa Joshua na yun. Gago kasi. Wagas kung makapaglandi. Tinalo pa ang babae." Aray. Na-double kill ako dun, bes. Matagal din akong napatitig sa mga langgam sa sahig. Nakakabingi na din ang katahimikan. Magsasalita sana ako kaso naunahan na ako ni Steven.
"I will not beg for you to accept what is written in the contract but I'll give you some time to think. Mahirap din kung biglaan ang desisyon mo dito." Sabi niya tsaka inayos yung nag niya. Napatingin ako sa kawalan. Matutulungan ko si Steven dito. Si Steven na matagal ko ng gusto. Pero dapat, handa din akong masaktan. Napa-buntong hininga ako.
"Sige. Payag na ako." sabi ko tsaka tumayo.