Yanna's POV:
"Luh! Luh ayan na! Matatalo nanaman ako. Aaaaaaah!" Sigaw ko habang pinupukpok ng mahina sa libro yung phone ko. Pang-ilang laro ko na kasi 'to netong zombie zombie na 'to kaso ayaw naman talaga!
"Akin na phone mo!" Utos ng presidente namin habang nakalahad yung kamay niya.
"Pres naman eh! Sandali lang yun eh!" Sagot ko tsaka iniabot yung phone.
"Kunin mo na lang sa teacher mo mamaya." Sabi ni Pres. tsaka umalis. Waaaaaah! Yung babe ko 😭😭 Kawawa naman yun. Napasahan na ng germs samantalang alagang-alaga ko yun :(
"Iyak na, Yanna!" sigaw ng mga kaklase ko tsaka nagtawanan.
"Pakyu kayo. Sagad." Sagot ko tsaka sumimangot.
"First time ata yun ah!" Natatawang sabi ni Angel habang hawak yung tiyan niya.
"Diwao." Sagot ko tsaka siya inirapan.
"Yanna! Si Steven!" sigaw nila sabay turo sa labas. Napatingin agad ako. Alam talaga ng mga kaklase ko kung paano babaguhin mood ko.
"Okay na?" tanong nila Hannah.
"Oo ayos na ako! Pero yung phone ko. Kailangan kong makuha! Pano ba kukunin yun?" tanong ko tsaka sumimangot ulit.
"Tanong mo sa suki ng Guidance. Baka sakaling alam niya!" Natatawang sagot ni Jamaica.
"Sasagot kayo ng maayos o magkakamatayan tayo dito?" Tanong ko tsaka inilabas yung maliliit na bato na dinampot ko kanina.
"Lah! Kausapin mo si Pres. tapos mag-promise ka na di na uulitin. Tapos kunin mo kay Ma'am!" sigaw ni Chastine kaya tumakbo agad ako papunta kay Pres.
"Pres, di ko na uulitin! Akin na yung phone koooo!" Pagmamakaawa ko tsaka nag-puppy eyes.
"Bakit ka naglalaro? Eh may klase kayo?"
"Pres, vacant namin."
"Vacant mo diyan? Absent lang teacher niyo dahil may sakit pero di niyo vacant!" pangaral naman ni Pres.
"Kakabisaduhin din ba namin yun? Pwede paki-record?" Tanong ko tsaka ngumiti. Nahampas na lang ni Pres. yung ulo niya. Palabas na sana ako kaso tinawag niya ulit ako.
"Pirma muna." sabi niya kaya agad kong pinirmahan yung papel. Palabas na ako kaso nagulat ako sa sinabi ni pres.
"Mag-usap kayo ni Steven bukas." sabi niya tsaka ngumiti.
Wtf?!!!?