Yanna's:
"Babe?" tanong ko ng malakas. I mean, sht! I'm not fvckin prepared. Ngumiti sakin si Steven, parang sinasabi niyang 'sumakay ka na lang' kaya natawa ako bigla.
"Babe naman! Ginugulat mo ako bigla! Hahaha!" sabi ko sabay palo sa braso niya. 'Huwaw. Ang tigas.' Bulong ng malandi kong utak.
"Ganun ba babe? Sorry ha. Sabi ng mga kaklase mo, matatagalan ka pa daw kaya pinasok na kita." Sagot ni Steven tsaka ngumiti.
"Omg/What the fvck?" Sabay-sabay na sigaw ng mga kaklase ko. Nasapo ko yung noo ko.
"Omg. Green-minded alert!" Sigaw ni Chastine.
Nakita kong namula si Steven dun kaya kinagat ko yung ibabang labi ko.
"Problema mo?" bulong ni Steven.
"Pffft. Wala naman BABE! Tara na sa canteen." Sagot ko tsaka hinila si Steven. Paglabas namin ng classroom, tawa ako ng tawa.
"Hey! What's funny?" Tanong niya habang nakakunot yung noo niya.
"Priceless yung mukha mo kanina!" Sabi ko habang tumatawa.
"Malay ko ba na ganun pala ka-berde utak ng mga kaklase mo?" Sagot niya habang nakakunot pa din yung noo. Tawa lang ako ng tawa hanggang makarating kami sa canteen. Napahawak ako sa braso niya kasi muntik na ako tumumba. Napatingin ako kay Steven para malaman ko kung ayos lang ba sakanya pero nagkamali ako. Di na lang pala dapat ako tumingin. Nakatingin siya kay Cristine at Joshua na sobrang sweet. It hurts beh. Aray.
Steven's:
Napako ako sa kinatatayuan ko. Sht. Andiyan nanaman sila. Si Cristine at si Joshua. Bakit ba kailangan ko na lang silang makita sa lahat ng lugar? Di ba nila alam na nakakasakit na sila? Na nasasaktan na ako? Sobra?
"Steven?" tanong ng katabi ko. Sht. May kasama nga pala ako! Ang bobo mo, Steven! Di mo dapat pinapahalatang nasasaktan ka?
"Ano yun?" Malamig kong tanong kay Yanna. Sht. Sorry, Yanna. Ayokong maging cold sakanya pero di umaayon sakin yung utak ko.
"Bili ka na lang ng chichirya diyan tapos sunod ka sakin." Sabi niya tsaka ngumiti. Tinanguan ko na lang siya.
Bumili ako ng mga chichirya tsaka ng inumin. Binilhan ko na din si Yanna. Di kasi siya bumili dahil na din siguro mahaba yung pila.
"Oh nandiyan ka na pala!" Sabi niya tsaka ngumiti.
"San tayo?" tanong ko.
Yanna's:
"What are we doing here?" tanong ni Steven ng makarating kami sa rooftop.
"What are we doing here? Sisigaw tayo. Ilalabas natin lahat ng sakit n nararamdaman natin. Well, wala naman akong sakit na nararamdaman. Ikaw ata meron eh." Sagot ko tsaka tumingin ng seryoso sakanya.
"Dito? Sisigaw tayo? Ako? Wala bang makakarinig sakin?" Tanong niya.
"Baka. Pero di ka naman nila makikilala eh. Isa pa, habang tinatago mo yung sakit, mas lalo kang dudurugin. Unti-unti kang pinapatay." Sagot ko tsaka ngumiti.
"Sakit? Hindi sasapat yung pagsigaw ko dito para mawala yung sakit. Di mo ba nakita yun? Wala ka sa posisyon para sabihan ako kung pano matatanggal 'tong sakit na 'to. Kasi alam kong habang nasasaktan ako, may pag-asa. Kaya nga nandito ka para tulungan ako diba? Tara na." Sabi niya tsaka nauna na pababa.
Wow.
Steven's:
Fvcked up. I'm totally fvcked up! Di ko naman sinasadyang sabihin sakanya yung mga ganun eh kaso nakakabwisit lang talaga. Wala naman siya sa posisyon ko eh. Don't get me wrong. Hindi ako kay Yanna nabubwisit. Nabubuwisit ako sa feelings ko. Bakit ba kasi binitiwan ko siya? Nakakatangina.
"Sorry." Napatalon ako sa gulat sa narinig ko.
"No Yanna. I am sorry. Pasensya na kung ganun yung mga nasabi ko kanina. Its just that-"
"I understand. Totoo ngang wala ako sa posisyon para diyan. Para sabihan ka sa dapat mong maramdaman. I'm sorry. Kung nakialam ako." Sabi nito tsaka ngumiti. Sasagot pa sana ako nung biglang nag-ring yung bell.
"Ingat ka. Bye." sabi ni Yanna tsaka tumakbo.