Chapter 4

3 0 0
                                        

Yanna's :

Hinatid ako ni Steven sa room. I told him already not to, but still, he insisted. Thank you niya na din daw yun. Di ko alam na ang isang Steven Rousseau ay may gentleman side.

"Dito na ako. Salamat sa paghatid." Sabi ko tsaka ngumiti.

"No. I should be the one thanking you." Sagot niya tsaka ngumiti pabalik. Halos lahat napapatingin samin ni Steven. Sino bang hindi? Isang popular na si Steven Rousseau kasama ang isang hard-headed na si Yanna Lee. Oo. Matigas ang ulo ko. Di ko naman itinatanggi yun. Sa dami ng kalokohang nalampasan ko dito sa school na 'to, di na ako magtataka kung bakit madaming umaadmire sakin. Dahil nga matigas ang ulo ko, palagi akong may pinaglalaban. Kaya yun. Bravery ang tawag ko dun.

"Sige. Una na ako." Sabi niya tsaka umalis na. Pagpasok kong classroom.

"Ehem"

"Holy sht what was that, Yanna?"

"Si Steven? Kasama mo?"

Sunod-sunod nilang tanong.

"Boyfriend." Sagot naman ng isang student. Oh. Kumalat na siguro yung balitang 'kami' daw.

"The fck! Seryoso Yanna? Ptngna wala kaming oras para sa joke!" Pagsigaw ni Angel.

Tango na lang ang isinagot ko tsaka diretsong umupo sa upuan ko. Biglang natahimik ang buong klase tsaka naghiyawan lahat.

"Dream come true!"
"Yieeeee. No forever pa din."
"Omg Yanna. I'm fvckin proud of you!"

Sunod-sunod nilang pagbati. Nagbigay na lang ako ng awkward smile. Kung alam lang nila.

"WHAT'S WITH THE NOISE?" tanong ng kakapasok lang na si Cristine.

"Di mo pa ba nababalitaan? Steven and Yanna are in a relationship." Sagot ni Hannah tsaka tumingin sa kasama ni Tintin na si Joshua.

Yeah, you got it right. We're classmates. Hell.

"Oh? Really?" tanong niya tsaka ngumisi. Biglang pumasok yung Math teacher namin dahilan para magsi-upo lahat ng nakatayo. Unfortunately, katabi ko si Cristine.

"Aren't you afraid that he's just using you to forget me? Rebound kumbaga." Bulong niya tsaka ngumisi.

"Oh. You're he's ex nga pala. Pero nasabi ba sayo ni Steven na ang lame mo kasama? Before I forgot, sabi niya nga palang magsama kayo ni Joshua. Good luck daw kay Joshua." Sagot ko tsaka ngumiti. Nakita ko naman yung pagbusangot niya.

Napangisi na lang ako sa nakita ko. I can feel that she's affected. That means she still loves Steven. Medyo natuwa ako dun kasi may pag-asa pa si Steven pero may kirot pa din. You can't blame me. I like Steven. But this feeling must stop.

Bumalik na lang ako sa realidad ng tumunog yung bell.

"So goodbye class. Prepare for a short quiz tomorrow." sabi ng teacher namin tsaka lumabas.

"Quiz nanaman!" pasigaw na sabi ni Tristan.

"Di ka na nasanay kay ma'am." Sagot ni Stephanie.

Napailing na lang ako sa mga kaklase ko.

"Yanna! Si Steven nasa labas!" sigaw ni Jerick.

Sabay kaming napatingin ni Cristine sa lalaki sa labas. Kumaway si Steven, ngumiti si Cristine. Ahh, akala ko kung sino na ang pinuntahan. Napatingin sakin sila Angel. She mouthed the words 'akala ko kayo?' tsaka ako tinuro. Tumango na lang ako tsaka ngumiti. Inayos ko yung gamit ko pero natigil akl sa sumunod na narinig ko.

"Babe, di ka pa ba tapos?" Tanong ng nasa tabi ko. Napatingin ako bigla.

"Babe?"

The ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon