Yanna's POV:
I decided to stay for awhile at the rooftop. I don't know why but his words stabbed me. Siguro dahil siya lang yung kaisa-isang taong gumawa nun. Isinampal niya sakin yung katotohanang nagpapanggap lang kami. Yeah, I admit it. Nasaktan ako. Pero wala akong karapatang masaktan lalo na't sabit lang ako dito.
After some minutes, bumaba na din ako. Nagulat ako kasi naabutan ko pa siyang naglalakad. Nilapitan ko agad siya.
"Sorry." Sagot ko tsaka yumuko.
"No Yanna. I am sorry. Pasensya na kung ganun yung mga nasabi ko kanina. Its just that-" sagot niya pabalik pero pinutol ko na.
"I understand. Totoo ngang wala ako sa posisyon para diyan. Para sabihan ka sa dapat mong maramdaman. I'm sorry. Kung nakialam ako." Sabi ko tsaka ngumiti. Alam kong sasagot pa sana sya nung biglang nag-ring yung bell.
"Ingat ka. Bye." sabi ko tsaka tumakbo na. Don't get me wrong. Di ko siya iniiwasan. Nag-bell na bes! Dadating na yung teacher kong nag-menopause na lahat-lahat, dalaga pa din!
Pagdating ko sa room, tahimik silang lahat. Nakita ko naman si ma'am sa harap kaya yumuko ako agad.
"Good afternoon po." Bati ko tsaka nag-bow.
"Bakit late ka Lee?" Jusq patay. Eto na nga bang sinasabi ko eh.
"Ah, naihi po kasi ako maam tapos ang haba ng pila kaya na-late ako. Sorry maam. Di na po mauulit." Sagot ko tsaka dire-diretsong nag-bow.
"That's enough. Sana di na maulit yan. You may now go to your seat." Sagot nito tsaka binuklat yung libro. Nagtinginan lahat ng mga kaklase ko. Pati sakin napatingin sila. Anong meron?
"Bat ang bait ni Gurang?" Tanong sakin ni Gerald.
"Aba malay ko. Baka nagmemens na ulit sya." Sagot ko tsaka nagtawanan kami.
"Nakatingin si ma'am." Pabulong na sabi ni Tristan. Napatingin kami kay ma'am. Naiiling lang siyang nag-alis ng tingin.
Fortunately, hindi boring ang klase ni ma'am. Halatado ngang maraming nagbago sakanya eh. Nagtatawanan sila. Yeah, sila. Di pa din kasi ako nakaka-move on sa nangyari kanina. I mean, woah, it really hurts.
Nabalik lang ako sa sarili ko nung tumunog na yung bell.
"Okay, goodbye class! I hope you enjoyed our lecture session today. See you tomorrow." Sabi nito tsaka naka-ngiting lumabas.
Nagtinginan kaming lahat. Nang makasiguro kaming malayo na si ma'am, sumigaw bigla si Angel.
"And what was that guys? I mean, wow. Si ma'am ba talaga yun? Gosh!" Sigaw nito habang umiiling.
"What happened? Bat ganun si ma'am? Anong ginawa niyo?" Tanong ko habang tumatawa.
"Do we really need to explain that?" tanong ni Steph.
"Or baka naman ikaw ang kailangang mag-explain?" Chastine asks while grinning. Natawa ako sa sinabi ni Chas.
"Duh?!!? Explain what?" Tanong ko ng natatawa pa din.
"You're not our Yanna. Bakit late ka? Anong ginawa ninyo ni Steven?" Tanong ulit ni Chastine na natatawa. Napatingin ako kay Chastine.
"Gaga. Wala kaming ginawa." Sagot ko tsaka tumawa.
"Ano ba yan?! Ang ingay niyo naman!" Sigaw ni Cristine na kanina lang ay busy sa pakikipaglandi- pakikipag-usap kay Joshua. Napatingin ako sakanya. Inirapan niya lang ako na naging rason para mapangiti ako. Is it working? Tinatablan ba talaga siya?
Pero naalis din yung ngiti ko. Di ko alam pero ayoko sa idea na may feelings pa din si Cristine kay Steven. Aish. I must get rid of these feelings. Nakakainis!
"Hey Yanna! Are you still with us?" Tanong ni Steph habang nakakunot ang noo.
"Ah yeah. Sorry. Iniisip ko lang kung bat ganun si ma'am. I mean she's not that usual ma'am Dimalanta na kilala natin." Pageexplain ko. Bumenta ka please.
"Is ma'am Dimalanta suffering from a deadly disease? Is she dying?" Walang prenong tanong ni Tristan kaya palo, sabunot, at suntok ang natanggap ni Tantan galing samin.
"Siguro nga galit tayo kay ma'am Dimalanta pero aminin niyo, magaling siya magturo. She's an asset in this institution. Marami lang talagang naiinis sakanya dahil sa ugali niya. Pero onti-onti naman siyang nagbabago. Diba?" Sagot naman ni Gerry. Napatango na lang kami. Tama naman siya eh.
"Eh ano bang problema niyo kay ma'am at pati siya, ginagawan niyo ng issue? Naubusan na ba talaga kayo ng mapagchichismisan?" Pagtataray ni Cristine. Sasagutin sana siya ni Angel pero hinawakan na namin siya. Mahirap na. Baka ma-guidance na naman 'tong babaeng 'to. Hinayaan na lang namin si Cristine na makaalis tsaka namin binitawan si Angel.
"Hinayaan niyo na lang sana akong bangasan yung bwisit na yun!" Histerikal na sabi ni Angel.
"Para maki-aircon ka nanaman sa guidance?" tanong ko na natatawa. Tinignan ako ni Angel ng masama kaya nag-flying kiss ako sakanya na tinawanan naman ng barkada.