Aubrey's POV.
Umagang umaga nandito na agad ako sa campus namin. Ito naglinis at ngayo'y hinihintay si Sheena.
Anu bayan madumi na yung kamay ko maka punta nga ng CR.
Nung bubuksan ko na yung gripo biglang nasira yun nabasa ako huhu mama. Buti nalang nag dadala ako ng extra uniform ko. Kukunin ko muna yun sa locker ko.Paglabas ko ng room ay andaming naka tingin sakin. Syempre, ano pa bang asahan mo brey? Basa ka kaya, malamang mukhang basang sisiw ako ngayon.
May nasalubong akong lalaki at sabi nya "Nice Aubrey, Red hello Kitty huh!" Ano naman kaya pinag sasabi nito? Di ko nalang pinansin at nag patuloy ako sa paglalakad ko.
Habang palayo ako ng palayo ay mas lalong dumami yung tumitingin sakin.
"Nice Breyyy! Reeed! HAHAHAHAHA!" Ano ba yung red nayun. Nagulat ako nung biglang may sumapak dun sa kaklase kong yun. Si Shawn. Omygosh.
"Gago ka ha!" Sambit ni Shawn habang nakapatong dun sa lalaki at binubugbog pa.
"Shawn! Tama na" pero nung pagkasabi ko nun di nya ako pinakinggan "TAMA NA!" Di nako nakapag pigil at sumigaw nako.
Tumigil si shawn sa pagsuntok sa lalaki at tumayo "sorry shine, binastos ka kasi nya eh." Di sya makatingin sakin at namumula sya.
"Ba-bakit? Pano mo nasabi?" Di nyako sinagot at inabot nya sakin yung panyo nya. "Anong gagawin ko dito?"
"Takpan mo." Huh? Anong tatakpan ko?
"Yung ano?" Ano ba kasi?
"Takpan mo yung dibdib mo kasi nakikita yung bra mo shine, hindi mo alam nababastos kana." Tumingin ako sa dibdib ko at ayun nga halata yung bra Kong red huhu. Lupa lamunin moko now na. Feeling ko namumula nako sa sobrang kahihiyan.
"Sige alis nako, magpalit kana ng damit shine, baka magkasakit kapa." Tapos tumalikod sya sakin para kong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa kahihiyan.
At ayun dumiretso nako sa locker ko. Pagkabukas ko nung Locker ko ay may nahulog na potato chips kaya kinuha ko. May limang potato chips akong nakuha mula sa locker ko at isang rose at may Sulat? Binuksan ko young sulat at binasa ko.
Dear Sunshine.
Gusto kolang na malaman mo na ikaw lamang yung tinitibok ng puso Kong ito. Kapag may kailangan ka asahan mong laging nasa tabi mo lang ako. Payagan mo lamang akong maka pasok sa puso mo at mamahalin kita ng lubusan. Gagawin kitang prinsesa at ako naman ang iyong prinsipe. Sana sa oras na malaman mo kung sino ako ay mahalin mo rin ako. Ikaw lagi ang laman ng isip ko. Gusto kita shine. I love you sobra sobra.
From your secret admirer. -S
Nung nabasa ko yun ay maraming tanong ang pumasok sa utak ko. Sino sya? Bakit nya ako nagustuhan? Ano bang meron? Siguro trip lang ako nito. Kaya tinapon ko sa basurahan yung sulat at rose pero yung potato chips hawak ko lang sayang naman eh. Kinuha ko yung Extra Kong uniform at nagpalit ako sa CR.