Chapter 13

93 6 0
                                    

Aubrey's PoV

"Sunshine!" Kala ko mamamatay nako pero hindi walang kahit anong masakit sakin napatingin ako sa paligid andito parin pala ako sa gitna ng kalsada at buti naka preno agad ng driver.


"Miss are you okay?" Rinig kong tanong ng driver.

Tumango lang ako at tumayo ulit para tumkbo.


"Sunshine!" Naramdaman ko ang paghawak ng isang lalaki sa braso ko.


"Sunshine yung nakita mo----"

"Yung naghahalikan ba kayo? Hahaha okay lang yun." Tuloy tuloy parin yung pag agos ng luha ko.

"Sunshine." Tawag nya sa pangalan ko.


"I don't need your explanation." Hinila ko ang braso ko sakanya at saka tumalikod.

Pumunta ako sa isang park at naupo sa isang bench.

"Ice cream! Ice cream kayo diyan!" Sigaw ng isang vendor.

"Oh iha bakit ka umiiyak?" Tanong sakin ng isang vendor ng ice cream.

"Wala po ito." Sagot ko.

"Gusto mo ba ng ice cream iha?" Kumuha naman sya at iniabot sakin iyon. "Oh iha. Libre nayan sabi nga nila magaling magpa comfort sa isang tao ang ice cream." Sabi nya pa.

Nagpasalamat nalang ako at umalis na yung vendor.


Maya maya pa'y napagpasyahan kong umuwi na. Natigil narin naman ako sa pagiyak.

Mag 8pm narin pala.

Naglakad lang ako pauwi.



Paguwi ko sa bahay sinalubong agad ako ni mama.

"Anak! Saang lupalok kaba ng Mundo ng galing? Tinatawagan kita pero hindi mo sinasagot sabi ng kuya mo nasa library ka ng school nyo pero pinuntahan ka namin dun kanina wala kana." Sunod sunod na sabi ni mama.


"Ah may pinuntahan lang po ako saglit." Palusot ko.




"Oh sige. Kumain kana anak."


"Hindi napo, hindi naman po ako gutom eh. Sige akyat napo ako." Tsaka ako tumakbo papuntang kwarto ko.




Naalala ko yung nakita ko sa garden kanina.


Pinapunta nya ba ko dun para lang makita ko yung kiss nila? Pwes panalo nakita ko.




Tumutulo nanaman yung luha ko.


"Beh!!" Sigaw ni kuya at biglang bumukas yung pintuan.

"Bakit kuya?" Bigla ko naman pinunasan yung luha ko at ngumiti.





"Umiiyak kaba?" Tanong ni kuya


"Hindi ah! H-HAHA!" Pekeng tawa ko.




"Wag ka mag sinungaling sakin. Magsabi ka ng totoo. Bakit ka umiyak?" Bigla nanaman tumulo yung luha ko.





"Kasi kuya nakita ko yung best friend Kong laging may kasamang iba. Alam mo yun ang sakit sa mata." Sabi ko.





"Sinong Best friend? Si Sheena or Shawn?" Tanong pa nya.






"Si Shawn po kuya." Sagot ko.








"May gusto kaba sakanya brey kaya ganyan ka kung maka iyak?" Tanong nya uli.







"Hindi ko po alam. Wala naman akong alam sa love." Sabi ko.




"May gusto kana sakanya Aubrey. Umiiyak ka kase nasasaktan ka pag nakikita mong may kasama syang iba. Umiiyak ka ngayon kasi nakita mo silang magkahalikan diba?" Napaharap naman ako kay kuya. Bat naman nya alam ang tungkol doon?




"A-alam mo?" Tanong ko at tumango naman sya.







"Sinundan kita kanina. Una muna noo'y umuwi muna ako at sinabing nasa library ka ng school pero ng makalipas ang ilang oras at wala kapa sa bahay ay napagpasyahan namin ni mama'ng pumuntang school library. Pagkapunta namin doon wala ka. At ayun nataranta na si mama. Kaya pinauwi ko na sya at hinanap ka sa buong school. Nakita kitang nakasilip sa may garden at tiningnan ko kung sino yung sinisilip mo may nakita akong dalawang taong naghahalikan at bigla ka nalang umiyak. Nang mapansin ka nila at humarap sa direksyon mo, tsaka ko palang sila namukhaan na si Shawn pala, ang best friend mo." Alam nya ni kuya ang lahat.









"Kuya ang sakit. Best friend lang naman ako pero ganito ako kung mag selos Ewan ko ba sa sarili ko kuya." Umiiyak na sabi ko.









"In love nanga ang bunso! Dalaga kana bhe!" Sabi ni kuya sabay yakap nya sakin.






"Kuya di ako makahinga." Grabe naman kasi makayakap eh.








"Ay sorry. Sige punta nako sa kwarto ko bhe ha!" Paalam nya










Pagka labas ni kuya ay natulog nako.





At...... Zzz.












Extra lang ho ito. 😂 kamsamnida. Hi bts army's! Comment lahat ng bts army sa comment box.😂 Kim Taehyung is mine.😍💖 sa next chapter na po ang POV ni mark. 😂

BestfriendWhere stories live. Discover now