* Revised version na po ito ng My Handsome Stalker kaya binago ko ang mga names.
Si Kyle ay Cedrick na ang pangalan. Si Thomas naman ay si Raven. At si Lexi naman ay Elise na. Baka may iba pa akong baguhing names sa story na ito para mas magkaroon naman ng dating. Ha-ha-ha!
And lastly, marami akong babaguhing parts at dialogue sa story kaya masasabi ko na ito na ang bagong mukha ng My Handsome Stalker.
=========
"WHAT HAPPENED? Where is the baby?" nagtatakang tanong ni Cedrick nang lumabas siya mula sa ospital pero wala siyang bitbit na sanggol na pinapanakaw nito.
"I'm very sorry, Lord Cedrick pero wala na po ang baby sa ospital. Naiuwi na raw ito ng parents niya. Wala silang maibayad sa ospital kaya hindi na nila pinatagal pa ang sanggol doon at inuwi na rin agad nila sa bahay nila," magalang at pormal na sagot niya.
Sa inis ni Cedrick ay bigla nitong naikuyom ang kamao at nasuntok pa ang bintana ng sasakyan. Dahilan para mabasag iyon.
Nanlaki naman ang mga mata ni Raven. Nagpamalas na naman nang hindi pangkaraniwang lakas ang amo niya. Naniningkit ang mga mata ni Cedrick. Para bang hindi nito alintana ang dugo na dumadaloy sa kamao nito na nasugatan dahil sa ginawa nito. Nasira na ang araw nito dahil hindi nito nakuha ang gusto.
"I don't care, Raven! Gawan mo ng paraan para mabaon sa utang sa akin ang pamilyang iyan. Do whatever it takes para makuha ang baby sa kanila. You need to make them agree to give me their daughter, or else, it will also cost your life."
Pinagbantaan na siya ng amo at ayaw man niyang aminin ay pinanginigan siya ng lalamunan. Alam niyang seryoso ang young master at ang kamatayan ay isang bagay na hindi nito basta-basta sinasabi sa kahit na sino. Patunay lamang na seryoso ito na makuha ang baby na nasa ospital kanina.
"Ano ba ang mayroon sa batang iyon, master at nais ninyo siyang ipakuha?" Hindi na niya napigilan pa ang magtanong.
Pero sa ginawa niya ay naihagis lamang ni Cedrick ang bote ng alak na nasa tabi nito papunta sa kanya. Mabuti na lamang at naiwasan niya iyon.
"Anuman ang dahilan ko ay wala ka nang pakialam pa, Raven. Basta sundin mo lang kung ano ang inuutos ko. Kung hindi mo man makukuha ang bata sa ngayon ay siguraduhin mo na makukuha mo rin siya sa itatakda kong panahon dahil kung hindi ay seryoso ako sa sinabi ko sa 'yo kanina." Saka siya nito tiningnan sa mga mata. "Mamamatay ka."
Iyon lamang at inutusan na nito ang driver ng mamahaling sasakyan na umalis na.
Naiwan siyang nakatigagal. Para siyang nabunutan ng tinik nang makaalis na ang kanyang amo.
Ang totoo ay may pagkakataon naman siya na makuha ang baby kanina pero hindi niya ginawa dahil ayaw niyang mangnakaw ng isang inosenteng sanggol. Naawa rin siya sa mga magulang ng bata na bigla na lang niyang kukunin ang anak ng mga ito na bagong panganak pa lang.
Batid niyang delikadong tao si Lord Cedrick. Isa itong henyo at kabilang sa pamilya ng pinakamayamang tao sa buong mundo. Sa edad na 15 years old ay may sarili na itong mga ari-arian na hindi galing sa pamana ng pamilya nito.
Matigas ang ulo, babaero at lahat ng gusto nito ay nakukuha nito nang walang nakakapigil dito. Bulong-bulungan din ng mga tao na may mga napatay na rin noon si Lord Cedrick at ang iba roon ay out of boredom lang pero ang tipo nito ang hindi kayang ipakulong ng kahit na sino. Dahil malakas ang koneksyon nito.
Isang prodigy si Lord Cedrick kaya ito rin ang pinakapaboritong anak ng ama nito. Hindi magtatagal ay ito na rin ang magiging tagapagmana ng Lowell Corporation at iba't-iba pang malalaking negosyo ng pamilya nito.
Isa ngang prodigy si Lord Cedrick kaya hindi rin niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan nito at ano ang koneksyon nito sa baby sa ospital. Hindi kaya anak nito ang baby na iyon? Pero masyado pa itong bata para magkaanak.
Napailing siya sa naisip. Habulin ng mga babae si Cedrick pero imposible itong pumatol sa isang mahirap na babae lang. Ni ang mga kaibigan nito ay piling-pili at lahat ng mga nakakasalamuha nito ay parte ng alta sosyedad at bilang kababata nito ay halos nakilala niya ang lahat ng mga babaeng na-involve na rito kaya imposible iyon.
Pero bakit pinakukuha nito ang baby? At ang malala ay pinapanakaw pa nito kanina ang bata.
Kung anuman ang tumatakbo sa isipan ni Lord Cedrick ay hindi na niya alam. Ang alam lamang niya ay kailangan niyang sundin ang pinagagawa nito. Dahil kung hindi ay alam niya na hindi ito mangingimi na patayin siya sa kabila ng tagal ng pagsasama nila mula pagkabata.
BINABASA MO ANG
16. My Handsome Stalker
Mystery / ThrillerSanggol pa lang si Elise ay binili na siya ng isang mayamang lalaki para pakasalan. Si Cedrick na ubod ng gwapo at walang pakialam sa agwat ng edad nila. Pero paanong ang isang katulad nito ay nagkaroon ng interes sa babaeng katulad lang niya? Anong...