CHAPTER 4: First Meeting (SAMPLE CHAPTER)

27.1K 633 48
                                    


CHAPTER 4: First Meeting

Kung ano-ano ang naglalaro sa isipan ni Elise habang nasa sasakyan. Ginising siya ni Raven kani-kanina lang dahil ang sabi nito ay malapit na raw sila sa palasyo.
Naisip niya, paano pala kung totoo ang sinabi sa kanya ng Kuya Calvin niya na dirty old man ang taong bumili sa kanya? Paano nga kaya kung gawin siya nitong sex slave katulad ng sinabi ng mga magulang niya at ang mas malala pa ay baka isa itong nakakatakot na sadist na gawin siyang therapy at saktan siya para lang masunod ang kaligayahan nito?
Nanginginig na siya sa takot habang papalapit sila ng papalapit sa palasyo. Pero alam niya na dumating na ang oras na kinatatakutan niya. Makakaharap na niya ang taong bumili sa kanya simula pa noon.
Namalayan na lang niya na pinagbuksan na pala siya ng pinto ng sasakyan ni Raven. Agad siyang bumaba mula roon at naikot ang tingin sa paligid.
Nalula siyang bigla sa laki at taas ng palasyo. Hindi niya akalain na sa Pilipinas ay mayroon palang ganoong klaseng lugar. Ang kinaroroonan nila ngayon ay animo malayo sa kabihasnan. Wala siyang nakikitang mga pampublikong sasakyan na dumadaan doon kanina at para bang walang kalapit na bahay ang palasyo.
"Kung nagtataka ka ay uunahan na kita, Lady Elise. Pagmamay-ari ni Lord Cedrick ang buong kalupaan na kinatitirikan ng palasyo. Mula sa main gate na dinaanan natin kanina ay pagmamay-ari niyang lahat kaya kung iniisip mo na may makikita kang kapitbahay dito ay mabibigo ka lang." Para bang nababasa ni Raven ang nasa isipan niya.
Mas lalo lang siyang naschock sa narinig. Ang main gate na sinasabi nito na nadaanan nila kanina ay medyo malayo na roon sa palasyo. Kung ganoon ay ganoon kalawak ang lupain ng Black Crow?
Nasa labas pa lang sila at medyo malayo pa sa mismong palasyo pero kitang-kita na niya ang kalakihan niyon. Masyadong matayog at malaki ang palasyo na pakiramdam niya ay pumasok siya sa isang libro. Bukod doon ay napakalinis rin ng paligid. Napakabango at punong-puno ng mga puno at halaman.
Pagpasok nila ay binati sila nang hindi niya na mabilang na mga katulong at maraming body guards.
"Kinagagagalak namin kayong makita, Lady Elise!" sabay-sabay pa na bati ng mga ito habang bahagyang yumuko para sa kanya.
Napalunok siya. Bakit parang kilala siya ng lahat dito?
"Sumunod na po kayo sa amin, Lady Elise." Nilapitan siya ng tatlong katulong at iginiya siya ng mga ito papasok sa kaloob-looban pa ng palasyo.
Napatingin siya kay Raven. Hindi niya alam pero parang mas natatakot siya sa thought na hindi pala ito ang sasama sa kanya sa loob. Pero wala na siyang nagawa nang hawakan na siya ng tatlong babae.
Pagdating sa loob ay mas lalo pa siyang nalula sa nakita niya. Halos lahat ng mga furnitures na nakikita niya roon ay karamihan na gawa sa ginto. Parang nakakahiya ring tumapak sa sahig dahil sa sobrang kinis niyon. Marami ring naglalakihang paintings na naka-dislay sa pagitan ng mga bawat paghakbang niya sa mahabang hagdan. At ayon sa isang maid ay pininta raw ang mga iyon ng iba't-ibang mga sikat na pintor sa buong mundo at hindi rin daw biro ang halaga niyon.
Ngayon lang siyang nakapasok sa isang palasyo kaya naman para siyang taga bundok na napunta sa siyudad. Hanggang ngayon ay para pa rin siyang nananaginip. Mayroon pala talagang ganitong klase ng lugar sa Pilipinas na parang lingid sa kaalaman kahit pa ng gobyerno.
"Nandito na po tayo, Lady Elise. Ang sabi ni Lord Cedrick ay maaari na raw po kayong pumasok sa loob," sabi ng katulong na saglit pumasok sa loob ng isang malaking kwarto at lumabas para balitaan sila.
Tumango na lang siya pero bigla siyang napatingin sa mukha nito. Napansin niya na parang lahat yata ng taga silbi sa palasyo na iyon ay mga gwapo at magaganda. Qualification din kaya ng may-ari ng palasyo iyon sa mga nagsisilbi rito?
"Lord Cedrick, nandito na po si Lady Elise," magalang na sabi ng isang babae na kumatok sa malaking pintuan.
"Sige, papasukin na ninyo siya. At kayo ay maaari nang umalis," sabi ng isang baritonong boses mula sa loob.
Biglang tumambol ng malakas ang puso niya nang marinig ang malamig na boses na lalaki. Sa pagkakataong iyon ay hindi na talaga siya  makakatakas pa. Nandito na ito. Kung hindi siya susunod sa gusto nito ay buhay ng mga mahal sa buhay niya ang nakataya. Kaya nanginginig man ang kanang kamay ay pinilit pa rin niyang pihitin ang seradura ng pinto at pumasok sa malawak na library ng lalaking nagtatrabaho pa rin daw kahit nasa loob na ito ng bahay.
Natingnan niya ang lalaking nakatalikod. Nakatitig ito sa transparent window sa loob ng library.
Maganda ang katawan ng lalaking nakatalikod. Malapad ang balikat nito na para bang napakalakas nito. Kahit pa may kakapalan ang suot nito ay halata roon na malaki rin ang katawan nito. Napansin din niya na parang napakalambot ng buhok nito na may kahabaan din. Itim na itim iyon na para bang alaga sa mga mamahaling shampoo at hair treatment ang buhok nito.
Pero sigurado naman siya na ang likod lang nito ang maganda rito. Sigurado siya na pagharap nito ay mukha ng isang matandang hukluban ang makikita niya. Sino ba naman kasing matinong lalaki ang bibili ng babae at hihintayin iyong magdalaga para gawing sex slave?
Hinanda na niya ang sarili hanggang sa gumalaw na rin ang lalaki paharap sa kanya sa kinauupuan nitong swivel chair.
Bahagya pa siyang napapikit dahil sa huling sandali ay natatakot siyang makita ang mukha nito. Kaya naman hindi niya namalayan na nakalapit na pala sa kanya ang lalaki.
"It's nice to see you again, my lady," malamig at malambing ang boses na sabi nito.
Napaigtad siya nang maramdaman ang palad nito sa pisngi niya na humahaplos na roon. At napakalapit na nito at ilang dangkal lamang ang pagitan ng mga mukha nila!
Pero ang mas nakapagpagulat sa kanya ay nang masilayan kung gaano ka-gwapo ang lalaking nasa harapan niya ngayon. Bahagya pa niyang kinusot ang mga mata para lang masigurong hindi siya namamalikmata lang at totoong hindi matandang hukluban ang nasa harapan niya kundi isang napakagwapong nilalang na parang no'ng nagsabog ng biyaya ang Diyos ay nasalo nitong lahat.
Napaatras siya. Hindi niya inaasahan ang physical appearance nito.
Nakangisi ito at sa unang tingin pa lang ay may makikita nang bakas ng kasamaan sa mukha nito pero iyon din mismo ang nagbibigay ng appeal dito. Mukha itong delikado tingnan at misteryoso.
Matangos ang ilong ng lalaki. Mapanga rin ito at itim na itim ang para bang nangungusap na mga mata na napapaligiran ng mahahabang pilik mata. Para ba siyang hinihigop ng mga matang iyon at para bang andaming misteryo na nagtatago mula roon. At ang mapula-pula nitong mga labi ay para bang nag-aanyaya na halikan niya iyon. Taglay nito ang perpektong mukha at perpektong katawan ng isang matipuno at gwapong lalaki na iniisip nya noon na sa imahinasyon niya lang noon nakikita. Napakatangkad din nito at bagama't kasing puti ng yelo ang kutis nito ay mukha pa rin itong lalaking-laking tingnan.
Pinamulahan siya ng mukha. Sa lahat yata ng lalaking nakita niya sa buong buhay niya ay ito na yata ang pinaka-gwapo at ma-appeal. Hindi naman yata tao ang kaharap niya ngayon kundi isang model o artista. No, mukhang higit pa roon. Isa itong adonis ng kagwapuhan!
"Do you like what you see, Elise?" nakangising tanong nito na ikinapahiya niya.
Pero dahil doon ay bumalik siya sa kasalukuyan. Ano ba itong ginagawa niya? Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya nawala sa sarili niya!
Bigla siyang lumuhod sa harap ng lalaki.
"Sabihin lang po ninyo sa akin kung kailan ako pwedeng mag-umpisa na mag-trabaho rito. Sanay po akong gumawa ng mga gawaing bahay, hindi po kayo magsisisi!" magalang na sabi niya.
Napakatanga niya para isipin na ang isang lalaking kasing gwapo nito ay bibili ng isang batang musmos na kagaya niya para lang gawing sex slave. Kahit sino naman kasi yatang babae ay willing na itapon ang sarili rito.
Nagulat siya nang bigla na lamang tumawa ng malakas ang lalaki.
Natigilan siya sa nakikita ng mga mata niya. Para bang ang saya-saya ng lalaki habang tumatawa ito. Para bang sa isang iglap ay nawala ang danger na nase-sense niya rito kanina.
"Sa tingin mo ba, Elise ay maglalabas ako ng napakalaking pera at magtatayo pa ng isang malaking palasyo para lamang sa isang alipin?" Biglang bumalik ang danger sa expression ng mukha nito.
Kung ganoon ay totoo iyong una niyang naisip?
Bigla siyang hinila patayo ng lalaki. Muli ay bumalik na naman ang kaba na nararamdaman niya kanina. Hindi niya alam kung takot ba iyon o dahil sobrang lapit nito sa kanya.
"Kung ganoon ay ano ang kailangan mo sa akin? Bakit mo ako dinala rito? Bakit mo ako binili sa mga magulang ko?" Sunod-sunod na ang naging tanong niya. Gulong-gulo ang isipan niya.
"Dahil sa isang simpleng bagay, Elise. Dahil mahal kita. Pinatayo ko ang palasyo na ito para sa 'yo, pumunta ako sa mundong ito para sa 'yo. Dahil mahal na mahal kita..." Muling hinaplos ng lalaki ang kanang pisngi niya habang malalim siyang tinititigan na para bang sinasaulo nito ang mukha niya.
"Ang tagal-tagal kong hinintay ang sandaling ito, Elise na makasama kita. Sa wakas ay narito ka na sa harapan ko ngayon. Hinding-hindi na kita papakawalan pa. Kahit ano pa man ang mangyari..." parang nahihibang na sabi nito saka ang labi naman niya ang hinaplos nito kaya naman napalunok siya.
Nakatingala siya rito dahil napakatangkad nito. Unti-unting lumapit ang labi nito sa kanya kaya ang akala niya ay hahalikan siya nito. Pero bago pa man mangyari iyon ay bigla na itong lumayo at bumalik sa pagkakaupo sa swivel chair nito.
Bigla siyang natauhan. Bakit ba parang siya pa ang may gusto na halikan siya nito? Pinahihirapan nito ang buong pamilya niya kaya dapat ay magalit siya rito at kalimutan ang physical attraction na nararamdaman niya. Mabuti na lamang at hindi nito tinuloy ang balak nito.
"Marami tayong oras para sa mga sarili natin mamaya, Elise. Ngayon ay gusto ko munang malaman mo ang mga gagawin mo mamaya para sa party," sabi ng lalaki.
Pinaupo siya rito sa isang upuan na naroon sa tapat nito at mula sa drawer nito ay may inabot ito sa kanyang mga papeles.
Nagulat siya nang makitang mga pekeng papeles ang mga iyon.
"Para saan ito?" nagtatakang tanong niya.
"Pekeng birth certificate at iba-iba pang credentials at records na pinagawa ko para sa 'yo. Simula ngayon ay hindi na ikaw Elise Cadwell. From now on, you will be Elise Davenport. Nag-iisang anak ng mag-asawang nagngangalang Mr. Romeo at Nympha Davenport na isa rin sa pinakamayayamang mga entrepreneur sa Europe. Gusto kong itapon mo na ang pagiging Elise Cadwell mo. Kalimutan mo na rin ang totoong pamilya mo dahil simula ngayon ay hindi ka na babalik pa ulit sa piling nila," malamig na sabi nito.
Bigla niyang inihagis papunta rito ang mga folder na agad naman nitong nasalo.
"Kahit kailan ay hindi ko kakalimutan ang pamilya ko! Ayoko, hindi ako papayag na maging ibang tao para lamang masunod ang gusto mo. Dahil para sa akin ay nag-iisa lamang ang pamilya ko at hinding-hindi ko sila ipagpapalit!" Halos maiyak na siya sa sobrang inis.
Gwapo lang ang lalaking nasa harapan niya ngayon pero napakasama pala talaga ng ugali nito. Sino ito para sabihin sa kanya na kalimutan na lang ang pamilya niya?
"Alam mo naman siguro kung ano ang mga nagawa ko para sa pamilya mo."
Bigla siyang natigilan nang makita ang seryosong mga mata ng Black Crow. Para bang kahit sinong mapatingin sa mga matang iyon ay makakaramdam ng matinding takot. Hindi niya alam pero may kakaiba sa buong presensya nito na parang hindi taglay ng isa lamang normal na tao.
"Pagma-may-ari kita, Elise kaya sa akin ka dapat sumunod at hindi sa kanila. Pinahiram lamang kita sa pamilyang iyon at ma-swerte na sila na nakasama ka nila nang mas matagal. Huwag mo akong gagalitin, Elise. Mahal kita pero hindi mo alam kung paano akong magalit. Hindi ako mangingiming ipapatay ang buong pamilya mo kapag hindi ka sumunod."
Sa narinig niyang iyon ay para siyang nawalan ng dila. Mukhang hindi nagbibiro ang Black Crow.
Ayaw man niyang talikuran ang buong pamilya ay sa tingin niya ay wala na siyang mapagpipilian dahil nasa harapan niya ngayon ang isang lalaki na bagama't taglay ang perpektong mukha ay maihahantulad naman sa isang demonyo ang ugali.
Gusto niyang punitin ang mga papeles na iyon. Pero alam niya na ang mga papel lamang na iyon ang makakapagligtas sa buhay ng pamilya niya.
"Fine. Pipirmahan ko na, huwag na huwag mo lang silang sasaktan." Tuluyan na siyang napaiyak pero agad din niyang pinahid ang luha. Ayaw niyang magpakita ng kahinaan sa lalaking ito.
"Pero para saan ba ang lahat ng ito? Bakit kailangan kong magpanggap?" muling tanong niya.
"Dahil ikaw ang gusto kong makasama habang buhay, Elise. At langit at lupa ang agwat ng antas ng mga pamumuhay natin. Hindi basta-bastang angkan ang pamilyang pinanggalingan ko at sigurado ako na hindi ka matatanggap ng pamilya ko kahit pa ikaw ang babaeng pinili ko kung hindi naman kilala ang pamilyang pinanggalingan mo. Katulad ko rin sila na kayang pumatay para lang masunod ang gusto. Delikado silang mga tao kaya kung kinakailangan na gumawa ako ng katauhan mo ay gagawin ko. Hinding-hindi na ako makapapayag na magkahiwalay pa tayong muli..." Bigla ay lumambing ang boses nito at hinawakan ang kamay niya na nasa ibabaw ng table.
Gulong-gulo naman ang isip niya. Bakit ba sinasabi nito na hindi na ito papayag na magkahiwalay silang muli na para bang matagal na silang magkakilala gayong ngayon lang naman niya ito nakita?
Tumayo na ang Black Crow at tinawag si Raven na nasa labas lang pala ng library. Nakapasok na ito sa loob.
"Raven, gusto kong ayusan na ninyo si Elise dahil ngayon din ay pupunta na kami sa party. Siguraduhin ninyo na magmumukha siyang prinsesa at siya ang magiging pinakamagandang babae sa party na iyon," utos ng lalaki.
Wala namang emosyon na tumango lang si Raven at tumalima na para tawagin ang mga maids sa labas.
Wala na siyang nagawa nang hilahin na naman siya ng mga maids at sapilitan siyang pinaliguan sa napakalaking banyo na doble ang laki kung ikukumpara sa bahay nila!
Mamahalin maging ang sabon at shampoo na ginagamit ng mga ito sa kanya. Napakabango at napakalambot sa katawan niya ng mga iyon.
Nagpupumiglas na siya roon sa bathub at ilang ulit na sinasabi na kaya na niya nang mag-isa maligo pero mapilit pa rin ang tatlong babae na nakahawak sa kanya.
"Tama na! Ako na lang ang bahala sa sarili ko. Kaya ko namang mag-isa e!" Pagpupumilit pa rin niyang makawala. Pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak ng mga ito sa kanya. Hubo't-hubad na sya at hindi niya maiwasang hindi pamulahan ng mukha dahil bukod sa pamilya niya ay wala pang ibang taong nakakakita ng kahubdan niya!
Kahit pa na mga babae rin ang mga ito ay nakakahiya pa rin.
"Hindi po talaga pwede, Lady Elise. Sinusunod lang namin ang utos ni Lord Cedrick. Pumayag na lang po kayo, kami na po ang bahala sa inyo. Ayaw po naming mawalan ng trabaho," sabi ng isang katulong na siyang pinakamaganda sa tatlo.
Nanahimik na lang siya. Katulad din niya ang mga ito na kapit sa patalim. Ayaw naman niya na masesante pa ang mga ito dahil sa katigasan ng ulo niya.
Pero pinamulahan siya ng mukha nang makita niya si Raven sa gilid ng pinto ng banyo. At nakatingin ito habang pinapaliguan siya ng mga babae sa bathtub!
Walang expression ang mukha nito. Stoic at pormal na naka-cross arms lang habang binabantayan siya. Para bang walang epekto rito ang kahubaran niya. Dahil siguro bata lang naman siya at ni hindi pa gaanong malaki ang dibdib.
Pinagdasal na lang niya na sana ay wala itong nakikita dahil puno naman ng bula ang katawan niya. Tiniis na lang niya ang kahihiyan hanggang sa matapos sila roon.
Pagkatapos niyon ay kung ano-ano pa ang ginawa ng mga maids sa kanya. Maraming treatments na ginawa sa buong katawan niya kahit pakiramdam niya ay makinis na naman ang balat niya. Pinaganda rin ng mga ito ang buhok niya. At halos paliguan na ng pagkamahal-mahal na pabango. Halos masuka-suka siya dahil hindi siya sanay na gumagamit ng pabango dahil wala naman siyang kahilig-hilig na mag-ayos at magpaganda. Pero ang sabi ng mga ito ay paborito raw ni Lord Cedrick ang amoy niyon kaya para na lang siyang manika na sumunod na lang sa agos ng buhay.

===
SAMANTALA, napapangiti naman si Cedrick habang naghihintay kay Elise sa living room. Siya ay kanina pang bihis at sobra na siyang nasasabik na makita ang hitsura nito paglabas nito ng salon kasama ang isa sa pinakamagaling sa bansa na beautician na inupahan niya para lang sa gabing iyon.
Sa tanang buhay niya ay ngayon na lamang siya naligayahan ulit ng ganoon. Talagang si Elise lamang ang source of happiness niya at hindi siya mabubuhay ng maayos kapag wala ito.
Matutupad na rin sa wakas ang pangarap niya. Magkakasama na rin sila ni Elise at konting tiis na lang dahil mapapasakanya na ito.
Agad siyang napatayo nang bumukas na ang pintuan ng salon. Nagsalita pa ng bonggang pagpapakilala ng bagong creation of art nito ang baklang beautician na inupahan niya pero hindi  na niya pinansin pa ang sinasabi nito dahil napako na sa napakagandang si Elise ang buong atensyon niya.
Napakaganda nito at bumagay dito ang mamahaling dress na binili niya para rito. Para itong napalibutan ng magagandang bulaklak sa paningin niya. Sa kabila ng pagkailang nito at halatang walang kasanayan sa ganoong klaseng damit ay nailabas pa rin niyon at ng make-up ang natural nitong ganda. Bakas pa rin ang kainosentehan sa maganda nitong mukha pero mas nagmukha itong dalagang tingnan ngayon.
"You look so beautiful, Elise," puno nang paghanga na sabi niya rito na ikinapula ng pisngi nito.
Mas lalo siyang naakit dahil sa inasal nito. Bihira na siyang makakita ng mga babaeng nag-ba-blush. Elise is really one of a kind. Karamihan kasi sa mga naging girlfriends niya ay malakas ang mga self confidence at flirty. Pero iba si Elise. She's pure and innocent kaya mas lalo niya itong minamahal.
"Salamat," mahinhin na sagot nito.
Saka na niya inilagay ang kamay nito sa kanang braso niya at in-escort na ito papunta sa sasakyan nila.
Lingid sa dalawa ay nakamasid rin pala si Raven kay Elise. At taglay din ng mata nito ang kislap sa mga mata ni Cedrick nang makita nito ang magandang ayos ni Elise kanina...

16. My Handsome StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon