Chapter 5: I Disown You! (SAMPLE CHAPTER)

24.5K 575 32
                                    

CHAPTER 5

NANG MARATING nina Elise ang lugar kung saan ginaganap ang party ay halos malula siya sa dami ng tao.
Sa isang napakalaking villa ginaganap ang party na hindi pa rin niya alam kung para kanino. Halos lahat ay magagara ang kasuotan at mamahalin ang mga suot na alahas. May mga singer, artista, politicians, business man at iba't-iba pang klase ng mayayamang tao sa alta-sosyedad.
Sa totoo lang ay para lamang siyang naligaw sa lugar na iyon. Ngayon lamang siya nakasalamuha ng ganitong klase ng mga tao nang sabay-sabay.
Agad na silang pumasok sa malaking pintuan at napalunok siya nang mapansin na nagtitinginan ang halos lahat ng tao roon sa kanila.
Para siyang hinuhubaran dahil sa sobrang pagkilatis ng mga tao sa kanya. Tinitingnan naman kasi siya mulo ulo hanggang paa. Pakiramdam niya tuloy ay kasalanang maging mahirap sa lugar na iyon. Pero hindi naman alam ng mga ito na mahirap lang siya. Halata kaya sa expression ng mukha niya na masyado siyang na-a-amaze sa mga nakikita niya?
"Sino iyang batang babaeng kasama ni Master Cedrick?" Narinig niyang tanong ng isang babaeng mukhang modelo sa kasama nito na isa ring maganda.
"Hindi niya naman kapatid iyan dahil si Master Cedrick na ang bunso ng Lowell Family hindi ba?
"Hindi kaya girlfriend iyan ni Lord Cedrick?" sabi ng pangatlong babae sa isang sulok. At nanlaki ang mga mata niya dahil nakilala niya iyon. Iyon ang sikat na singer na madalas niyang pakinggan noon sa radyo!
"No way! Bakit naman papatol sa isang bata lang si Master Cedrick? Alam naman ninyong lahat kung ano ang mga tipo niyang babae," pambabara pa ng isang babae.
"Oo naman, alam namin. Mahilig si Master Cedrick sa mga sexy at fully grown nang mga babae. Wala nga yata akong nakitang girlfriend niya na hindi malaki ang boobs."
Bigla siyang nanliit sa narinig mula pa sa isang babae roon. Mahilig daw si Cedrick sa mga babaeng mukhang fully grown na ang katawan at malaki ang boobs. Wala siya no'n.
"But in fairness to her, kahit na mukha pa siyang neneng tingnan, she's cute. She looks like a princess from another country." Iyon naman ang komento sa kanya ng favorite singer niya. Ngayon niya napatunayan na hindi siya nagkamali ng inidolo.
Pagkatapos noon ay halo-halo nang pambabatikos, papuri at bulong-bulungan ang narinig niya mula sa paligid. Positibo naman ang iba pero karamihan ay negatibo. Karamihan pa ay nilalait siya dahil hindi raw siya bagay kay Cedrick. Dapat daw, ang mga ito ang pinili ng lalaki.
Mukhang popular si Cedrick sa mga taong naroon sa party na iyon.
Nagtataka rin siya dahil kahit na halatang angat din sa buhay ang mga tao roon ay panay ang tawag ng mga itong 'master' kay Cedrick.
Naramdaman niyang pinisil ni Cedrick ang kamay niya para i-relax siya. Nararamdaman siguro nito na kinakabahan at natatakot na siya. Kaya naman huminga na lang siya ng malalim.
"Cedrick! I'm glad that you're finally here! Kanina pa kitang hinihintay, eh!" Nanlaki ang mga mata niya nang bigla na lamang may babaeng sumugod ng yakap kay Cedrick at hinalikan pa ito nang mariin sa labi.
Napalunok pa siya dahil ngayon lang siya nakakita ng dalawang taong naghahalikan sa harapan niya. Kahit ang mama at papa niya ay hindi nagpapakita ng ganoong hantarang affection sa kanilang dalawa ng Kuya Calvin niya.
Bigla na lamang pasimpleng itinulak ng dahan-dahan ni Cedrick ang babae palayo rito. At saka hinigpitan ang hawak sa kamay niya.
Doon na napatingin sa kanya ng masama iyong babae. Bigla siyang nagbaba ng tingin dahil nakakatakot ang mata nito. Para bang gusto siya nitong kalbuhin ng buhay!
"Who is this little girl, Cedrick? Don't tell me that she is the one that you want to spend the rest of your life with," sarcastic na tanong ng babae.
Bago pa man makasagot si Cedrick ay may mga lumapit na sa kanila kaya roon na napunta ang atensyon nila. Isang may edad na lalaki at isang sopistakada at maganda na may edad na ring babae.
"Cedrick, Cassandra, it's time for you to announce the engagement, kanina pa kayong hinihintay ng mga tao. Cedrick, what took you so long? Hindi mo ba alam na kanina ka pa namin hinahanap?" Maawtoridad, seryoso at buo ang boses ng may edad ng lalaki na dumating. Mukha rin itong strikto kaya parang kinakabahan siya. Mukhang ito ang ama ni Cedrick.
"Yeah, mayroon talagang engagement na kailangang i-announce," sabi ni Cedrick.
Bumakas naman ang tuwa sa mukha ni Cassandra dahil sa narinig. Pakiramdam nito ay ito na agad ang tinutukoy ni Cedrick.
"I'm glad that you've finally made up your mind, Cedrick," biglang ngumiti ang matandang lalaki.
"Matagal na, papa. Matagal na akong desidido na pakasalan si Elise."
Saka siya hinalikan sa pisngi ni Cedrick na pinanlaki ng mga mata niya at ng lahat!
"I-a-announce ko na ang nalalapit naming kasal ni Elise." Pagkatapos siyang halikan ni Cedrick ay inakbayan naman siya nito na parang inaangkin siya.
Biglang naningkit  ang mga mata ng may edad na lalaki.
"What are you saying?! Itong batang babaeng ito ang gusto mong pakasalan? Are you insane?!" mahina pero mariin ang pagkakasabi ng may edad na lalaki. Alam niya na kaya hindi nito magawang sumigaw ay dahil maraming tao roon at ayaw nitong maagaw ang atensyon ng lahat.
Kinabahan naman siya lalo. Ramdam na ramdam niya ang tensyon. Kahit ang may edad na babaeng naroon na sa tingin niya ay Mommy ni Cedrick ay mataman din siyang tinititigan mula ulo hanggang paa.
"Hindi ba at may pinag-usapan na tayo kahapon, papa? You said that you're willing to accept any girl as long as I am willing to marry her. Elise is the right woman for me. She's the only girl that I want to spend the rest of my life with," nakangising sabi ni Cedrick.
"But not with a girl as young as her! What do you think other people will think about you? That you're a pedophile? You know what, you're making fun of us! Ginagawa mo ba iyan para ipakita sa amin na wala ka nang balak na magpakatino kahit na kailan?!" galit na galit pa rin na sabi ng matanda.
"I don't care what you think!" Bigla nang sumigaw si Cedrick doon.
Dahilan para mapatingin sa kanila ang lahat.
"Everyone, don't worry about us! Kaunting pagtatalo lang ito ng mag-ama. Just enjoy the party, ayos lang kami," sabi ng may edad na babae sa lahat.
Iyon lang at itinuon na rin ng lahat ng tao roon ang atensyon sa kanya-kanyang business ng mga ito.
"Is that how you talk to your own father?!" Halata nang mas galit ngayon ang ama ni Cedrick. Pero katulad kanina ay mukhang nagpipigil pa rin ito.
"You may think that i'm just playing around, papa, but I'm deadly serious about her at hindi ako makapapayag na may pumigil sa akin. Kahit na kayo pa ni mama."
Natigilan ang matandang lalaki at matandang babae. Sa buong buhay nila ay ngayon lamang nila nakita na ganoon kaseryoso ang anak.
"Romino, stop it. Just let him be for a while," ang sabi ng may edad na babae.
"Fine, Beatrice." Saglit na nakuha ang atensyon ni Romino ng asawa saka humarap ulit sa kanila. "Papayag lang kami na pakasalan mo ang babaeng iyan kung mapapatunayan niya na karapat-dapat siya. Hindi kami papayag na isa lamang pipitsuging babae ang magiging myembro ng ating pamilya," muling sabi ni Romino.
Iyon lamang at umalis na ito at si Beatrice sa harapan nila ni Cedrick. Parang mangiyak-ngiyak naman ang expression ng mukha ni Cassandra pero wala na rin itong nagawa kundi ang sumunod na lamang sa mga magulang ni Cedrick.
Hinawakan ni Cedrick ang kamay niya at hinila siya papunta sa isang table kung saan naroon ang tatlo. Ipinagtulak pa siya ng upuan ni Cedrick.
Sa mga nangyayari ay mukhang alam na ni Elise kung bakit siya binili ni Cedrick. Gusto nitong gamitin siya para hindi matuloy ang kasal nito kay Cassandra. Marahil ay hindi naman talaga nito intensyon na pakasalan siya. Binili siguro siya nito para mapakinabangan siya for future use at dumating na nga ang pagkakataon na ito.
"Now, introduce yourself, little girl," sabi sa kanya ni Beatrice.
Nataranta naman siya. Hindi siya makapagsalita agad dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Ang sabi ni Cedrick ay dapat na magpanggap siya bilang isang Elise Davenport at hindi bilang Elise Cadwell. Hindi pa naman niya masyadong nababasa iyong background na ibinigay sa kanya ni Cedrick kanina kaya hindi niya alam kung paanong mag-uumpisa.
"Ano na? Nawalan ka na ng dila? Hindi pa kita naririnig na magsalita mula pa kanina," mataray na sabi sa kanya ni Donya Beatrice nang matahimik siya.
"Tama. Saang angkan ka ba galing? Ngayon lamang kita nakita at kine-claim na agad ni Cedrick na ikaw ang gusto niyang pakasalan. You must be a very special girl para makuha ang puso ng aking bunsong anak," sabi naman ni Romino.
Pinagpapawisan na siya sa sunod-sunod na tanong na ibinabato ng mga ito sa kanya. Pero kahit isa sa mga iyon ay wala siyang maisagot.
 "Stop it!" Hindi na nakapagpigil si Cedrick at sumingit na ito. "Don't you see na natataranta na siya sa mga sunod-sunod na tanong ninyo?" Napatingin lahat dito. "Nag-iisang anak siya ng mag-asawang business tycoon sa Europe, papa. Kilala naman siguro ninyo sina Romeo at Nympha Davenport. Isa sila sa mga pinakamayaman at pinakamagaling na business tycoon sa buong mundo. Hindi lang sila sa corporate world nangunguna, pag-aari rin nila ang iba't-ibang malalaking minahan sa iba't-ibang panig ng mundo. Kung tutuusin ay mas mayaman at makapangyarihan pa sila kaysa sa atin. Hindi pa ba sapat na dahilan iyon para piliin ko si Elise?" Si Cedrick na ang nagsabi ng mga kasinungalingan na iyon imbes na siya.
"Romeo at Nympha Davenport? Alam mo kung gaano kabigat ang mga pangalan na iyan, Cedrick. Hindi mo pwedeng basta-basta idawit ang mga pangalan nila kung kailan mo lang gustuhin. Mabubuko rin kita agad kung nagsisinungaling ka!' Hindi naniniwalang sabi ni Romino.
"Then do your own research, papa! Do you really think that I will use their name just to get your approval? You can do a background check if you want," paghahamon pa ni Cedrick.
Siya ang kinakabahan sa sinasabi nito. Paano nga kaya kung totoong magbackground check ang mga magulang nito? Siya ang mapapahamak doon.
"If that's really true, bakit ikaw ang sumasagot para sa kanya? Bakit hindi magsalita iyang girlfriend mo?" naiiritang sabi ni Don Romino na sa siya na naman ang binalingan. "Pipi ka ba?!" pang-iinsulto sa kanya ng matanda.
"Paanong makakasagot sa mga tanong ninyo si Elise kung kulang na lang ay lamunin n'yo siya ng buhay at titigan na parang isang kriminal? I won't let you insult Elise again! If you don't believe in anything I say, we'll just leave here then. Hindi ko hahayaan na ilayo ninyo sa akin ang babaeng mahal ko!"
"Mahal? Walang kakayahang magmahal ang isang cassanova na katulad mo, Cedrick. Parang noong nakaraang araw lamang ay nakita ka namin na may kasamang ibang babae. Halos papalit-palit ka ng girlfriend at lahat ng iyon ay wala kang sineseryoso pagkatapos ngayon ay magdadala ka ng hindi kilalang babae na ipakikilala mong babaeng mahal mo? You gotta be kidding me!" Hindi makapaniwalang sabi ni Don Romino.
Natahimik ang lahat. Tama ang sinabi ng Don. Ganoon ngang klaseng lalaki si Cedrick.
"You're right, papa. I'm a womanizer and I love women as much as they love me. Lalaki lang ako na may pangangailangan at ayaw ko namang mapahiya sila kaya hindi ko sila tinatanggihan. Pero kung ang pagiging stick to one para sa isang babae ang magpapatunay na mahal ko nga si Elise ay huwag kayong mag-alala dahil hindi na ninyo kailangan pang sabihin dahil puputulin ko na ang ugnayan ko sa kahit na sino pa mang babae. Pati na rin kay Cassandra na gustong-gusto ninyo." Bumalik na naman ang ngisi sa labi ni Cedrick.
Para namang may sumabog na bomba sa pandinig ni Cassandra. Hindi nito kaya na mawala si Cedrick sa buhay nito.
"Ipagpapalit mo ako sa paslit na iyan ha, Cedrick?" Muling nangilid ang luha sa mga mata ni Cassandra saka siya ang binalingan. "Ilang taon ka na ba, ha? Pwede na kayong maging mag-ama, a!" halos mangiyak-ngiyak na si Cassandra. Mas matatanggap pa siguro nito na matalo ito ng babaeng nasa level nito pero ang matalo ito sa babaeng halos hindi pa ganap na dalaga ay isang malaking insulto.
"Don't bully her, Cassandra. You can't do something about it. It's just that I do not have even a slighest interest towards you. Kaya kung pwede lang, huwag mo nang patuloy pang ipahiya ang sarili mo," pang-iinsulto pa ni Cedrick dito.
Doon na tuluyang nagwala si Cassandra. Akmang sasabunutan na siya nito nang harangan ito ni Cedrick. Sinalag nito ang kamay ng babae at saka ito itinulak na muntikan nang magpangudngod sa mukha ng babae.
Nagulat siya sa ginawa ni Cedrick. Pumapatol ito sa babae na parang walang ni katiting na kunsesiya? Hindi siya makapaniwala.
Agad siyang humiwalay kay Cedrick para lapitan si Cassandra para tulungan itong tumayo pero hinila lang siya ulit ni Cedrick pabalik kaya naman sina Don Romino at Donya Beatrice na lang ang tumulong kay Cassandra.
Dahil sa pagkatumba ni Cassandra sa sahig ay muli na naman nilang nakuha ang lahat ng atensyon ng mga tao roon. Gulat na gulat ang lahat sa nangyayaring eksena.
"I hate you, Cedrick! How could you do this to me?" Tuluyan nang umiyak si Cassandra.
"Kulang pa iyan, Cassandra. Dahil titirisin ko ang kahit na sinumang taong magtatangkang manakit kay Elise. Kahit na sino pa siya." Dumilim ang anyo ni Cedrick dahilan para kilabutan si Cassandra.
"How dare you hit a woman, Cedrick! Hindi kita pinalaking ganyan! I disown you! Lumayas ka sa harapan ko! Kung pipiliin mo ang babaeng iyan ay huwag mo nang asahan na may ama ka pa!" nagliliyab ang mga mata ni Don Romino.
"Don't let me choose, papa because I will never choose anyone over Elise. Kahit na kayo pa ni mama. I don't care if you disown me, I can handle myself anyway. Now, I can do whatever I want. What a relief." Parang nang-aasar pa si Cedrick.
Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ni Cedrick. Para bang walang mababakas na pag-aalala o panghihinayang sa mukha nito kahit pa itakwil ito ng buong pamilya nito. Para bang hindi nito mga magulang ang nasa harapan nito kung magsalita ito.
Akmang lalapitan na ito ng Don para suntukin pero pumigil na naman ang Donya.
Doon na siya hinila palayo ni Cedrick. Ramdam na ramdam niya ang nakakalusaw at nakakainsultong tingin ng mga tao roon sa kanya. Panay ang pag-uusap ng mga ito ng masasama tungkol sa kanya na narinig pa niya bago pa man siyang tuluyang maisakay ni Cedrick sa kotse nito.
"Raven, paandarin mo na ang sasakyan. Aalis na tayo sa lugar na ito," mariing utos ni Cedrick na hawak pa rin ang kamay niya hanggang sa loob ng kotse.
"Yes, Lord Cedrick." Agad namang pinaandar na ni Raven ang sasakyan paalis doon at hindi na nagtanong pa ng kahit na ano.
Hindi na alam ni Elise kung ano pa ang mga nangyayari pero ang alam lamang niya ay isang bangungot ang araw na ito para sa kanya.

16. My Handsome StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon