Chapter 31

21.8K 197 50
                                    

Sean

The cold water running down to my body feels great. Parang kaonti ay nawala ang sakit sa ulo ko. Una, si Jazz na nagdududa na. Alam ko sa sarili ko na malapit na niyang malaman ang sa amin ni Hannah. I'm preparing myself for that. Second, nung madaling araw na nagtalik kami ni hannah, she's saying someone's name when she's asleep.

Drew

Iyon ang paulit-ulit niyang sabi habang tulog.

Drew? Who the fvck is he?! Naiinis ako dahil may ibang pangalan ang tinatawag nito sa panaginip niya. Kaya umalis ako nang hindi nagpapaalam . At iyon nga nadatnan ako ni jazz kaninang umaga. 

Pero ewan ko ba ,may kakaiba akong naramdaman sa pangalan na iyon na mas lalong nagpakabagabag sakin. Napahilamos ako ng mukha. So many problems to deal with. And I don't know what exactly should do.

Napatingin ako sa life size mirror ng kwarto matapos ako maligo. I walked closely while drying my hair using a towel. Medyo kumukulot na naman ang buhok ko, kailangan ko ulit magpaunat. Though hindi naman nakakabawas ng kagwapuhan ko iyon. Any woman can be attracted to me. Mas lumala pa noong nagpaplastic surgery ako.

Sa taglay kong kakisigan ay mapapaluhod ka para sambahin mo lang ako.  Ang katawan kong kayang pagpantasyahan ng kung sino man. Kung dati skinny ngayon naman malalaki at katas gym ito. Doon naman nadadala ang mga babae sa kaanyuhan mo. Well for some ganon, pero si hannah? Hindi ko alam kung bakit niya ako mahal. Meron ba? Kailangan ba talaga ng dahilan? Yeah I should know. I'm not questioning her love to me but I need to know something..

Bumababa ako habang inaayos ko ang aking polo shirt nang mapansin ko ang katahimikan. Jazz is out? Hinanap ko siya sa buong bahay pero wala siya. This is the first time na hindi ito nagpaalam lumabas. Marahil nagtatampo nga ito sa akin, o di kaya ay galit.

Sa ngayon, bibisitahin ko muna ang tattoo shop ko bago ko puntahan si Hannah.

Third Person POV

PAPASOK pa lang ng restau si Jazz ay nasilayan na nito ang lalaking pakay. Abelardo.

Nakaupo ito at busy sa kanyang phone. Tumikhim siya para ipaalam na nasa harap na niya ito.

Tumunghay naman ang lalaki. "Jazz.. "Tumuwid ito ng upo at tila ba nabato balani. Maganda ang babae kahit simple lang ang suot nito.

Umupo si Jazz at pinagtaasan niya ng kilay ang lalaki, hindi na siya nagpatumpik tumpik pa at agad siyang nagtanong.

"What is this important thing that I need to know at kailangan ko pang makipagkita sayo?"

Bumuntong hininga ito bago sumagot.

"Jazz.."

"Deretsuhin mo na dahil may gagawin pa ako."pagmamadali nito.

"Its about Hannah."

Natigil siya nang marinig ang pangalan ng matalik niyang kaibigan.

"I saw her and she recognized me. Natatakot ako sa kung anong mangyari lalo na sayo."

"What? San mo siya nakita? At bakit ka naman natatakot para sa akin?"

"Sa birthday party ng kaibigan ko. Natatakot ako baka malaman niya ang tinatago mo. At mas lalo akong natatakot kapag nalaman na ni Sean ang katotohanan. Ayoko nang makita kang nasasaktan. Ayokong makita ka ulit na depress at hindi makausap. Ayoko--

"Shut up! "mariing agap ng babae. "Wag mo siyang kausapin if ever na magkasalubong kayo. " She stand up. Iwas siya sa usaping iyon.

"Wait!"hinuli ng lalaki ang kamay nito."Pls. stay.."

My Bestfriend's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon