Chapter 8(09/12/16)

58 2 0
                                    

JAMES

Naging matagumpay ang sinagawang birthday party sa anak kong si Yuan James Gaston. Pinakilala kaming dalawa ni dad sa kanyang mga kaibigan. Naging magiliw naman ang pagtanggap ng mga tao sa amin, though may iba pa rin na masama ang tingin, pero ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Nasa kalagitnaan na kami ng party. Busy na ang lahat sa mga kinakain nila. I was busy chit chatting with dad's business partners when I saw Dayan on the corner of the hall. Mag isa lang siya. Hindi niya alam na mula pa kanina ay siya lang ang tinititigan ko. May mga instances na nagtatama ang aming mga mata, I would give her my best smile but in return, she'd just give me her best smirk.

"If you excuse me sir.?" Sabi ko sa isang kaibigan ni dad na kausap ko. Tinahak ko ang direksyon papunta sa kanya.  Isa kasi siya sa mga bisita. Hindi ko alam kung bakit nag iisa siya gayong kasama naman niya ang mga kaibigan niya kanina nang pumunta sila rito.

"Alone?" Sabi ko sa kanya and offered her a glass of wine. She accepted it.

" Nasaan ang mga kasama mo? Sila Mica at ang iba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam kung saan na nagsusuot ang mga iyon. Iniwan na siguro nila ako." Sabi niya tsaka ininom ang alak.

"Salamat pala at dumalo ka ha, despite what happen.?" Sabi ko sa kanya.

"Huwag kang mag alala. Wala naman akong isyu sa bata eh, sa iyo lang." Napatingin ako sa kanya.

"You know, hanggang ngayon, pinagsisisihan ko ang mga nagawa ko sa iyo. How I left you, dumped you. Kaya I deserve na masampal mo, masuntok mo. You are free what you want to do with me. Hindi ako magrereklamo." Sabi ko tsaka siya naplingon sa akin.

"Talaga,  hindi ka magagalit kahit na ano pa ang gawin ko sa iyo?" Tanong niya.

I nod and I was about to say something pro huli na ang lahat nang bigla niya akong suntukin sa mukha. Shit! Ang sakit niya pa ring manuntok! I missed it!"

"Para iyan sa pang-iiwan mo sa akin nang walang paalam." Sabi niya tsaka naman niya ako tinadyakan!

"Para iyan sa sakit na naidulot mo sa akin." Sabi niya tsaka binigyan nanaman niya ako nang mag asawang sampal.

"That for my heart!" Doon ko na siya hindi natiis. Kahit na ang sakit ng katawan ko, I somehow managed to lock her inside my arms. She wanted to be free, but I don't want to.

Nagsisigaw na siya dahilan para mapukaw ang atensyon ng mga tao. Doon na rin isa isang lumapit sa amin ang mga kaibigan niya.

"Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko nang iniwan mo ako! I felt loss. Bakit pa kasi kita minahal eh!. You're an asshole! Gago ka! Gago ka!" Binabayo na niya ng suntok ang dibdib ko pero ayaw ko siyang pakawalan.

"Let her go James!" Sigaw ni Leina. Hindi ko siya pinakinggan.

I badly want to hug her until all her pain is gone!

"Let my girl go!" Nagulat ako nang buwagin kami ni Benjamin.

Awtomatikong napakapit si Dayan sa braso ni Benjamin.

"Dayan, please! Give me another chance!. I'll prove to to you how much I love you. I'll never leave by your side again. Mahal pa rin kita." Sinigaw ko ang lahat ng mga sinabi ko dahilan siguro para lalong mag init si kuya at sugurin niya ako. Nagpangbuno kaming dalawa. Nagkasuntukan kami. Naawat lamang kami nang may dumating nang mga gwardiya.

"If I ever see you touch my girl again, I promise to kill you with my bare hands! Gago ka! Matagal ka nang nawalan ng pagkakataon nang iniwan mo siya nang walang dahilan." Galit na galit si kuya pero hindi ako nagpaapekto sa kanya.

MY GIRLS 2 ( In His Heart )Where stories live. Discover now