Chapter 3

90 4 0
                                    

Magkapatid si Benjamin at James?

Halos magpalit palit ang tingin ko sa dalawa. Bakit hindi ko kaagad naisip na magka pareho nga pala silang dalawa ng apelyido?

Gaston.

Pinagmasdan ko silang dalawa habang papalapit si Benj sa nakababata niyang kapatid na si James.

"Kamusta, kapatid. Dito ka pala ngayon may gig? Kamusta na ang pamangkin kong sobrang gwapo ha?" Bungad ni Benj tsaka niya kinuha ang bata kay James. Nag fist bump naman silang dalawa ng kapatid niya.

"Magkakilala kayo, kuya?" Hindi siguro maiwasang itanong ni James sa kapatid niya.

"Yep. Actually, I'm courting her bro, feeling ko nga malapit na akong sagutin nitong si Dayan eh." Preskong sagot niya sa kapatid niya.

Lumapit na din ako sa dalawa.

Kitang kita ko sa mukha ni James ang panghihinayang at lungkot.

Yan, kasi iniwan mo ako sa ere!

"Magkakilala din kayo?" Balik naman na tanong ni Benj sa kapatid niya.

"She's my ex."

Napanlakihan ko ng mata si James sa sinabi niya.

Kailan pa naging kami? Aber? Pakibigay ng exact date?

Kumulo bigla ang dugo ko. Gago to ah, ang assuming! Siya nga itong nang hang up, tapos gagawan niya pa ako ng kwento na naging kami raw?

Tiningnan ko ang mga tao sa paligid namin. Halatang nagulat din sila sa sinabi ni James. Ganoon din si Benj.

"What?" tanong ni Benj sa kaptid niya.

"Hoy, ikaw na lalaki ka, kailan ka na naman ba huling uminom ng gamot mo? Parang nananaginip ka ata ah! Para sabihin ko sayo, hindi kailanman naging tayo noh!" Bulyaw ko sa kanya. Wala na akong pakialam, beast mode na ako sa kanya.

"Dine deny mo pa, ganoon na ba ka walang kwenta ang pinagsamahan natin ha?" Lumapit siya sa akin tsaka hinawakan ang baywang ko.

Para naman akong kinuryente nang maghawak ang aming mga balat. I felt thousands of volts lingered in my system. Ganoon ka dami. Sapat para pumitlag ako at lumayo sa kanya. Kita naman sa mga mata niya na parang nabuhayan siya dahil sa reaksyon ko sa ginawa niya.

Inilagay ni Benj ang bata sa stroller tsaka lumapit sa amin. Tinabig niya ang nakababatang kapatid niya tsaka pinulupot naman ang braso niya sa baywang ko.

"Hey, hey. Don't you dare touch my girl! May bakod na sa paligid niya. Hindi ka na pwede sa kanya.! " sabi ni Benj sa kapatid niya.

"Sorry kuya, but I'm determined enough now to take her back with me again. Pasensyahan na lang tayo, pero hindi ako magpapatalo." parang hindi na ako makahinga sa sagutan ng dalawa.

"Puwes, nauna na ako sa iyo ng ilang milya. Tingnan na lang natin kung sinong mas magaling sa atin!"

Pinag pustahan pa talaga ako?

"Sisirain ko yang bakurang ginawa mo. May the best suitor wins." James offer a hand to his brother. Noong una ay nag aalangan pa si Benj pero kalauna'y tinanggap niya rin ang kamay ng kapatid niya.

"Talaga lang ha! Pinag tatalunan niyo pa ako." Singhal ko sa dalawa. Pareho naman silang napatingin sa akin.

"You, James Ferdinand Gaston, you had your chance on me. Ngayon hindi na ako mag papauto pa sa iyo. Wala nang kailangan pang pag pustahan, I'm on the side of your brother. " hindi ko alam kung bakit ko ba nasabi iyon. Nakita ko ang reaksyon sa mukha ni James ng sabihin ko ang mga salitang iyon. Parang gumuho ang mundo niya.

MY GIRLS 2 ( In His Heart )Where stories live. Discover now