CHAPTER 9(09/19/2016)

41 2 0
                                    

Ilang araw na rin ang nakakaraan nang makipagkasundo ako kay Benj na mangpanggap na mag syota kaming dalawa sa harap ng kapatid niya.

Medyo natatawa nga ako kasi naaalala ko ang sarili ko noon. Ang hilig ko talagang mag trip. Palagi kong napapag diskitahan ang mga kaibigan ko. Palaging umiiyak sa akin sina Quitta at Roxanne. Napaka vulnerable kasi nilang dalawa. Kaunting kibot mo lang ng ganito, magsisiiyakan na. Lalo na si Roxanne.

Naalala ko na naman tuloy ang pagpanggap namin ni Luke sa harap ni Quitta.

Ang epic nun!

Hindi ako pinansin ni Quitta ng ilang linggo.

She was avoiding me. Alam na alam ko ang ugali ng babaeng iyon. Kapag iniiwasan ka niya. Bukod sa wala siyang pakialam sa iyo, isa lang ang posibleng rason.

Gustong gusto ka na niyang patayin sa inis niya. At ang saya ko pa talaga noon nung malaman kong tumatalab ang pang titrip ko sa kanya.

Pero who would have thought na may something pala talaga siya kay Luke na iyon? Kaya nung nalaman niyang palabas lang ang lahat ng iyon, nakatikim talaga ako sa kanya ng mag asawang sampal at magkapatid na suntok.

Ngayon, I 'm trapped in this situation again.

And my heart is at stake.

"Kanina pa tayo dito, hindi pa ba aalis ang jeep na ito?" Naiinis na sabi ni Monica .

"Aantayin pa daw kasing mapuno ito. Dalawang byahe lang kasi meron kada araw. Parang hindi ka nakatira dito ah?" Sagot naman ng isang babae sa kaibigan ko.

Papunta kasi kami ngayon sa Brgy. Patag kung saan malamig ang klima doon at  maraming mgaagagandang tanawin.

"Bakit kasi hindi mo na lang ginamit ang sasakyan mo eh. Nakakainis ka naman Benj." Singhal niya kay Benj.

"Ngayon lang kasi makakapunta sa Brgy. Patag si Benj. He said he wanna experience what it feels like to commute. Dibale, sa susunod natin na pagpunta dito, dadalhin na niya ang sasakyan niya." Sabi ko kay Monica tsaka ko niyakap si Benj.

Nakaka awkward pa rin talaga minsan. Nasa harap lang namin siya. Nakatingin, mga matang alam kong nalulungkot, nanghihinayang.

Kasama rin namin ang iba pa naming mga kaibigan na sina Mica ang nobyo niyang si Daniel si Leina at si James.

Iniwan nila ang anak nila sa mommy ni James.

Bwiset nga, bakit pa kailangang sumama ng aswang na'to sa amin? Panggulo!

We waited for another half an hour hanggang sa tuluyang napuno ang buong jeep. Mahaba kasi ito. Kasya ang 30 katao kabilaan at mayroon pa sa gitna, idagdag pa ang mga nasa ibabaw ng jeep.

Naiimagine niyo ba?

Hindi pa kasama doon ang dala dala nilang kahon ng softdrinks, alak, groceries, sako ng bigas at feeds.

Umaandar na ang makina ng saskyan nang maisipan kong doon kami sasakay ni Benj sa ibabaw ng jeep.

"Kuya, sandali lang po, doon kami sasakay sa taas." Sabi ko sa driver ng sasakyan at agad kong kinuha ang braso ni Benj.

"Are you not scared?" Tanong niya sa akin nang nasa taas na kami. Tinitigan ko siya at ganoon na lang ang tawa ko nang makita ko na ang higpit higpit ng hawak niya sa railings ng sasakyan.

"Ikaw kaya tanungin ko niyan.?" Sabi ko sabay tawa.

Ang pula ng mukha ni Benj! Ang cute niyang tingnan!

"Get ready boy, coz this is gonna be a one hell of a ride!" Sabi ko sabay naman ang pag alis namin.

Ang saya!

MY GIRLS 2 ( In His Heart )Where stories live. Discover now