CHAPTER 13

9 1 0
                                    

"Hindi mo ako anak! Bitiwan mo ako." I hysterically shouted at the lady before me. Niyayapos niya ako pero hindi ako papayag. Hindi ako papayag na palambutin ng babaeng ito ang puso ko!

Siya ang dahilan kung bakit nagpakamatay si mommy! Siya ang nakita nitong kasama ni daddy sa isang restaurant na magkasama. Siya ang nakita ko ka siping ni dad!

Ano ang sinasabi nitong anak niya ako? Pakulo na naman ba niya ito para makuha ang loob ko? Simula nung namatay si mommy, parati na siyang nakasama sa akin. She even played yo be my dad's wife! Pero hindi ako pumayag. Kaya ako napunta noon sa pangangalaga ni Brandon ay dahil sa kagustuhan kong hindi sila magsama ni dad. Hindi ako bumalik sa bahay noon hanggang hindi ko na siya nakikita.

"Bitiwan mo ako! Huwag mo akong mahawak hawakan!" My heart aches so much! Pakiramdam ko ay mahuhulog na naman ako sa bitag ng pagmamahal. Pero hindi ko na hahayaan! Kahit hindi ako makalakad ay ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para maitulak siya at makalayo na sa kanya.

Hindi naman ako nagsisi nang makita ko siyang bumulagta sa sahig. Umiiyak siya na animoy totoong totoo ang mga sinabi at tinuran niya.

Dali dali kong pinindot ang wheel chair ko papunta sa pintuan, pero napalingon ako sa kinalalagyan niya nang marjnig kong parang hinahabol niya ang kanyang paghinga.

"Ano na namang drama iyan ha? Kailanman, hindi mo na ako makukuha sa kanyang mga paraan mo! Hinding hindi na ako magpapaloko sa iyo!" Inis na wika ko!

"Tulungan mo ako! Anak!" Pagmamakaawa niya sa akin. Hawak hawak niya ang kanyang dibdib. Wala akong ibang nararamdaman noon kundi galit! Imbis na tulungan siya ay iniwan ko siya.

I was about to open the door when my father came rushing to the woman on the floor. Dinaluhan niya ang bbabaeng iyon na sumira sa pamilya namin.

"Dad! What are you doing with her? Bakit mo siya tinutulungan?!" Nanggagalaiti akong makita silang dalawa na magkasama. It makes me remember the pain that we've been through.

"Dayanara! Hindi ka ba naaawa sa kanya? Hindi ka ba naaawa sa mama mo?" I was taken aback with what my father said.

Parang nabingi ako at namanhid lahat ng katawan ko. Hindi ko na namalayan ang pag dating ng mga rescue team para saklolohan ang babaeng iyon.









****

"Nagkakilala kami ng mama Stephanie mo through our respective families. Gusto ng mga magulang namin na ikasal kaming dalawa. Para mapagsama namin ang yaman ng bawat pamilya. Of course, kinasal kami ng mama mo. Pero kulang kami. Kulang kami kasi hindi kami magkaanak." I can't believe I am listening to my father right now.

"Ilang taon na kaming naghihintay noon. Naghihintay na biyayaan kami ng anak. Pero hindi dumating. Hanggang sa nagdesisyon kami na magpatest pareho. Doon namin nalaman na impotent ang mama mo."
Kita ko sa mga mata ni Daddy ang sakit habang nagkukuwento siya.

"Your mom suggested na kumuha kami ng baby maker. Ako naman, sa kagustuhan kong magkaanak na, pumayag ako. Doon namin nakilala si Elsa." Pagkasabi niya noon ay tumingin siya sa kwarto kung saan naroroon ang babae.

"It was a mutual decision. I am going to impregnate your tita Elsa, aalagaan siya habang nagbubuntis, at kukunin namin ang bata kapag nanganak na siya."

Bakas na bakas ang pag aali langan ng papa habang nagkukwento siya.

"Just get straight to the point pa?! " I wanna know.

"Nagkapalagayan kami ng loob ng tita Elsa mo, anak." Hindi siya tumingin sa akin.

I looked at him. I wanna know. Maraming bagay ang bumabagabag sa akin ngayon. My feeling right now is mixed up. Gusto kong magalit sa tatay ko. Pero kitang kita ko sa mga mata niya na nalulungkot siya habang kinukwento niya sa akin ang side niya.

MY GIRLS 2 ( In His Heart )Where stories live. Discover now