Chapter 6

56 2 1
                                    

DAYAN

Bakit ba kailangang maging ganito kasakit? I promised to myself na hinding hindi na niya muling magugulo ang sistema ko. Na hindi na siya makakapasok ulit sa buhay ko.

Pero ngayon na nagkita na naman ulit kami, parang ang bilis lang nalusaw ang mataas na pader na ginawa ko. That's how he easily came back to my system again.

"Bakit ka po naluluha Ms. D?" Tanong ng batang si Moriel sa akin. Agad agad kong pinahid ang mga luha ko. Ayokong makita niya akong umiiyak. I dont want him to see me like this.

"Naku, wala ah. Hindi ako naiiyak." Natigil si James sa pagtugtog niya. Tiningnan niya ako at nagtama ang aming mga mata.

Mas lalo lang akong nalungkot nang wala na akong mabasa na kahit ano sa mukha niya.

" Mr. J, lumapit ka po kay Ms. D." Sabi ng batang si Cherrie kay James habang hawak na sa braso si James.

Wala na siyang nagawa kundi ang lumapit sa akin nang lahat na ng mga bata ang tumutulak sa kanya papunta sa akin.

"Bakit ka napaluha? Dahil ba sa kanta?" Nabigla ako sa tanong niya. Akala ko kasi, hindi na niya ako kakausapin sa buong panahon na nandito kami sa orphanage.

" Wala, hindi ah! Hindi ako umiiyak noh? Ang panget mo namang kumanta." Pagsisinungaling ko sa kanya.

"Ok"

Ok? Ok lang?!

"Kantahan mo pa po si Ms. D" sabi ng mga bata sa kanya.

"Bagay po kayo na dalawa" sabi ni Moriel sa amin. Hindi ko alama kung kung gaano naging kapula ang pisngi ko nang marinig ko iyon.

Kinantyawan kami ng mga bata at nakisali na rin sina sister sa kantyaw na iyon.

Nasa ganoon kaming sitwasyon nang bumukas ang gate ng orphanage at iniluwa nito si Benjamin.

"Benj" agad ko siyang nilapitan at tsaka niyakap.

"You're so sweet. Na miss mo ba ako?" Magiliw na tanong niya sa akin.

Nalilito na talaga ako sa aking nararamdaman sa ngayon. Nang dumating si Banjamin, my heart skipped a beat. Alam ko sa sarili ko na mahal ko siya. Pero ang nakakalito ay kung bakit may nararamdaman pa rin ako kay. iyong nangyari sa akin kanina lang noong kantahin niya sa akin ang theme song niya daw sa akin noon, hindi ko talaga napigilan ang sarili ko na umiyak. A part of my mind wants to make those memory start anew. Pero isang parte rin ng utak ko ang nagsasabi na ayaw na, tama na.

Niyakap ko ulit si Banjamin. Ang he responded to my hug and kissed my forehead. Lumapit naman sa amin si sister at ipinakilala ko siya sa kanila.

"Sister Gloria, si Benjamin Alfonso Gaston nga po pala. Boyfriend ko." Alam kong may ibang mata na nakatitig sa akin ng mga panahon na iyon. At parang alam ko rin kung kanino.

"Hello po sister." Sabi ni Banjamin bago nakipagkamay sa madre.

" maligayang pagdating dito sa aming maliit na tahanan hijo. Sana naman ay mapasaya ka ng mga bata dito. May ihahandog kasi sila mamaya para sa mga sponsors na dumating sa okasyon na ito." Maligayang bati ni sister gloria sa kanya.

"I'm sure I would. Ah may mga pasalubong nga po pala ako sa mga bata." Agad na bumalik si Benjamin sa kotse para kunin ang mga regalo na pinamili niya. Sinundan ko naman siya papunta doon.

" Nandito din pala si James.?" Tanong niya sa akin habang kinukuha ang mga regalo.

"Oo. Magakasama kasi kami noon na pumupunta dito." Sabi ko sa kanya. I saw a jealous face of him when he faced me. And I loved that scene.

MY GIRLS 2 ( In His Heart )Where stories live. Discover now