CHAPTER 10

32 1 0
                                    


DAYAN

Naipa baranggay na namin ang mga hinayupak na grupo ng mga lalaking iyon na nambastos sa amin kanina. Pinaalis naman sila sa resort kasi mga dayo lang din naman pala sila gaya namin.

Kasalukuyan namang ginagamot ng kuya niya si James na iniinda ang mga pasa niya sa tagiliran.

"Ow! Kaya ko na kasi ito. Huwag niyo na akong alalahanin." Inis na sabi ni James sa kuya niya kahit na halata namang nasasaktan talaga siya.

"Huwag nang matigas ang ulo mo, alam ko naman na nasasaktan ka, ayaw mo lang ipakita. Tsaka para rin naman ito sa iyo nang makasama ka namin papunta bukas sa tinagong dagat." Sabi naman ni Benj. Lahat kami ay nakatunghay lamang sa labas ng kwarto nila.

"Masakit man o hindi, sasama pa rin ako sa inyo bukas. " naiinis na ako sa tigas ng ulo niya.

" At kung may mangyaring masama sa iyo doon sa taas, sinong tutulong sa iyo? Kami?"

"Nanyan naman si Leina para alagaan ako." Napalingon ako sa babae at nginitian niya ako. Hindi ko naman mapigilang hindi mag make face sa inis ko.

"Huwag na kasi matigas ang ulo mo. Hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili ngayong araw na ito. You can rest the whole day para may lakas ka na ulit kapag aakyat tayo bukas." Sabi ni Leina kay James.

Mas lalong nag init ang ulo ko nang nginitian niya ang babaeng iyon.

"Ayan, tapos na. I hot compress mo na lang siya Leina. Sigurado naman ako na okay na siya bukas." Sabi ni Benj sa kanya.

Lumabas na kami pero hindi pa rin mawala ang inis ko sa lalaking iyon. Mula pa kasi kanina, ay iniisnab na niya ako.

Minsan na nga lang akong magtanong sa kanya ay hindi pa niya ako papansinin.

I just wanted to say thank you sa pagligtas niya sa akin.

Yun lang naman.

Ang OA!

Tapos malaman laman ko na nagkakamabutihan na sila ng Leina na iyon?????

"Alam mo, ang obvious mo kanina." Napapitlag ako nang magsalita sa likuran ko si Benj.

"Ano naman ang obvious sa akin?"

"Kailangan ko pa bang espelingin na SELOS NA SELOS ka kanina sa dalawa?" Natatawang sabi ni Benj sa akin. Parang nahiya ako sa reaksyon niya.

Ganoon ba ako ka obvious?

" Bakit naman ako magseselos ha? Magsama silang dalawa!" Pagtatanggol kosa sarili ko.

"Huwag mo na kasing ikaila. Ako naman ang kausap mo. Sige ka? Malaman ko lang na hindi mo na mahal ang kapatid ko, liligawan talaga kita! " pagbabanta niya pa sa akin.

"Ah talaga? Kaya mong sabihin iyan sa harap ni Monica?"

Priceless ang saya ko nang makumpirma ko kung anong mayroon sila ni Monica base sa reaksyon niya.

"Pulang pula mo ah?" Kantyaw ko sa kanya.

"Bakit naman ako namumula?" Kunwari niya sa akin.

Pero hindi niya ako maloloko. Hindi niya matatagao ang itinatago niya sa akin.

Nakalapit na kami sa mga nagtitinda ng kakanin at bumili ng iilan doon. Humingi na lang kami ng plato, kutsara at kaunting asukal. Binalatan namin ang mga kalamay na binili namin at kinain.

"Ano ba talaga ang nangyari sa inyong dalawa noon? "Biglang tanong sa akin ni Benj.

Napatigil ako sa pagkain at tinitigan siya.

MY GIRLS 2 ( In His Heart )Where stories live. Discover now