Chapter 2: Salamat, France.

119 1 3
  • Dedicated kay Romaa Purificacion
                                    

Chika muna: Hello! I've decided to publish this chapter agad-agad coz I have no classes tomorrow, holiday daw e. HAHAHA. Guys and girls, feel free to suggest and comment on this chapter, I accept constructive critism tho. Ayuuun po! Salamat at nakarating kayo dito sa ikalawang chapter ng One Big Lie <3 Soft Copies will be given at the end of the storyyy :> Maraming salamat po sa inyo!!!

PS: Baka ipublish ko na po ang 3rd chapter sa Tuesday :>

-----------------------------------------------------------------------------------

Chapter 2: Salamat, France.

"Miss! Buti gising ka na!" Boses na aking narinig mula sa aking pagmulat.

Medyo pupungas-pungas pa nga ako e. Ano bang nangyari? Naaninag ko na ang nilalang na kumalabit sakin at... Waaaaaaaah! Napabangon ako sa takot!!!

"Waaaaah!!! Multoooo!!!!" Pagkasigaw ako ako'y napatakbo. Teka, saan ako bumangon? Sa lap ng mumu na nakaupo sa bench! Waaaaaah!

"Teka miss!"

"Aww!" Nadapa pa ako. Huhu yung multo maaabutan na ako.

Andiyan na siya.. Andiyaaaaan naaaa huhuhuhu.

"Wag po! Wag niyo muna akong kunin! Please po!" Huhu, naiiyak na ko. Natatakot talaga ako. Nagtakip ako ng mukha gamit ang aking mga palad habang nakaupo pa din ako sa kalye gawa ng aking pagkakadapa.

"Miss wag kang matakot. Hindi ako multo." Sinabi niya habang nakahawak siya sa aking braso.

Medyo nawala naman ang takot ko. Sumilip ako ng kaunti sa butas ng aking mga daliri. Hindi nga siya multo.

"P-pero, bakit ganyan ang itsura mo?" Sinabi ko habang ako'y tumatayo at pinapagpag ang damit ko. Nako ang dungis ko na! Nakabakas pa din kasi sa aking blouse ang tequila na natapon kanina.

"Sorry, miss, kung natakot kita. Galing kasi akong school. Naassign kasi kami sa horror booth para sa aming school festival at isa ako sa mga zombie dun." Sinabi niya habang kumakamot sa kanyang ulo.

"Pero anong ginagawa mo dito sa kalye ng dis oras ng gabi?" Pagtataka ko. Grabe naman kasi, lagpas alas dose na ng gabi at ganyan pa ang itsura niya.

"Ah, sabi kasi ng mommy ko isabay na ako ni kuya pauwi. Pero hindi niya ako sinundo. Hinintay ko siya ng mga 9pm at hanggang 11pm hindi pa din siya dumating." Sinabi niya yun ng nakatungo na may halong pagkalungkot sa kanyang mukha.

"Ah.. Ganun ba. Saan ka ba nakatira, bata? Hatid na kita!" Pag-aalok ko. Kawawa naman ang isang to.

"Bata? Hindi na ko bata no! 3rd year college na ako!" So, may bata na palang hina-high blood ngayon?

"Ah, ganun ba? Osige, umuwi ka na mag-isa at uuwi na din ako. Bye!" Pagkasabi ko nun ay bigla ko siyang tinalikuran at nagsimula nang maglakad.

"Teka miss!" Agad naman niya akong hinigit sa braso. Nilingon ko naman siya.

"Oh ano yun?"

"Ahh.. Ako na lang pala maghahatid sayo."

"Eh?" Ayoko nga. Di naman tayo close no! Tsaka ayoko magkaron ng kaibigan.

"Sige na pleaseee!"

"Ayoko!" Nagdire-diretso na ako sa paglalakad.

"Miss! Miss! Miss!" Lalala~ Wala akong naririnig. Nagtuloy-tuloy pa din ako sa paglalakad.

"Melissa Castro!" Ano daw? Kanina Jillian, ngayon Melissa? Hehehe. Pano niya nahulaan yung pangalan ko? Nilingon ko naman siya.

"Hoy bata! Bakit mo ko kilala hah? Stalker kita no? Umamin ka nga!"

One Big Lie (On HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon