Chapter 7: Birthday Surprise Part 2

59 1 2
  • Dedicated kay Jersey Ellirah Roxas
                                    

Tinatamad na kong magdaldal. Hahahaha XD Basta, basahin niyo na lang tong part two ng birthday surprise. Binabati ko nga pala si Jersey Roxas, oh, sayo naka-dedicate tong story. Sana BASAHIN MO ang story na to kasi yung ibang tao binabasa to, pero ikaw, na kapatid ko...AYAW! Hahaha. Di ako galit. Sige na. Tsupee na ko!!!

**************************************************

Chapter 7: Birthday Surprise Part 2

"Hay salamat, sinagot mo din ang tawag ko! Kanina pa kita hinihintay sa elementary building! Asan ka ba? Pumunta ka na dito! Bilisan mo, manang!"

*Toot Toot*

Buffering...

WAAAAAAH! So ibig sabihin... Siya yun? Yung nagpadala ng clue at nagbigay ng BMW sakin. Bakiiiiit??? Oo, si PB. Si Paris Brent Villamor ang gumawa nung lahat ng yun. Pero bakit? Hindi ko alam, pero...nung nalaman kong sakanya pala galing ang lahat...mas natuwa ako. Natuwa lang ako ha!

"Sige una na ko!" Ngumiti ako sa tatlo at nagmadaling sumakay ng elevator.

*BAM*

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!! Yehey!!" Hindi ko ba alam kung maluluha ako o magtatatalon.

Pagdating ko kasi sa elementary building, dumeretso agad ako sa room 07. Binuksan ko ng malakas ang pinto, knowing na si PB lang ang nasa loob. Kaso hindi, ang mga estudyante niyang special children. Ang cu-cute nila, nakasoot sila ng party hats, at masayang-masayang kumakanta. Si PB naman, nakasoot din ng party hat at masaya ding kumakanta. Parang hindi si PB na masungit, parang siyang isang napakaamong tupa at napakagwap--Ano ba tong iniisip ko?! Arghhh!

"Happy birthday ate Melissa!" Sigaw ng mga bata. At dun na tumulo ang aking mga luha.

Naalala ko ulit kung gaano kasaya noong 7th birthday ko. Yung mga panahong madami akong kalaro. Isa na don si batang nakasuperman costume, kung saan hinila niya ako mula sa garden kung saan ginaganap ang aking party, papunta sa loob ng bahay at sinayaw niya ako. Tamang-tama, nung mga panahong iyon, busyng-busy kumakain ang ibang bata at ang mga magulang ng mga bata ay nakabantay sa kanila. Sina mommy at daddy, umakyat sa room nila at may kukuninin daw. Naalala ko pa nga nung sinabi niya...

"Hindi man kita kilala, isasayaw pa din kita kasi birthday mo."

"E bakit ka pala nandito?" Tanong ko sa kanya.

"E pinilit kasi ako ni yaya na umattend sa birthday mo. Ikaw daw kasi yung dati niyang alaga."

"Ah!! Si yaya rosa! Kaya pala siya nandito."

"Mmm-mmm. Sssshhh. Quiet ka lang.. Sayaw muna tayo." At sinayaw niya ako noon habang nakayakap sa akin. Hindi ko alam, basta doon una kong narinig ang pagtibok ng puso ko.

"Tara! Dun tayo sa labas! May magpapaputok daw!" Sabi ko sa kanya.

"Sige susunod ako, may kukunin lang ako. Hintayin mo ko sa labas, mga 5 minutes." Tinignan ko naman ang wall clock at 7pm na. Magsisimula na ang fireworks at iba pang paputok.

Lumabas ako ng bahay. Tapos na ang 5 minutes pero wala pa din siya. Matatapos na ang paputok pero hindi niya ito makikita. Si mommy at daddy naman, nasa loob pa din ng bahay. Yung ibang bata din ay pumasok sa loob kasi takot daw sila sa paputok. Ako naman e tuwang-tuwa. Sinindihan na ng payaso ang pinakahuling paputok. Ngunit hindi to dumeretso sa langit, kundi sa bubong ng bahay namin, agad namang lumiyab ang apoy na nasa paputok, unti-unting nasunog ang bahay, may ilang nakalabas ng bahay at may ilang na-trap sa loob ng nasusunog naming bahay. Umiyak ako ng umiyak, nagpupumilit akong pumasok sa loob ng bahay, ngunit pinigilan nila akong pumasok... Gusto ko lang namang sagipin si Mommy at Daddy, pati na din si batang superman...hindi ko manlang nalaman ang pangalan niya. Simula noon, sinisi ko na ang sarili ko sa pagkamatay nila.

One Big Lie (On HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon