Chapter 4: A night with the pervert

92 2 2
                                    

A/N: Hallooo! Sorry napatagal! Btw, si Paris yung nasa gilid =)))

Chapter 4: A night with the pervert

<Paris' POV>

Pagpasok ko sa office ko, inikot ko ang tingin ko sa room. Well, kelangan ng office ko ng bagong arrangements. Kay Finn kasi tong office na to, sa cousin ko. Ewan ko ba kay Dad kung bakit niya ako in-assign bilang CEO nitong kumpanya. Alam niyo ba na graduate ang isang gwapong katulad ko ng business course? Pero ayaw ko ng kurso ko noong college ako at siyempre si Dad lang ang may gusto ng course ko, dahil isa daw ako sa tagapagmana nitong kumpanya kaya dapat ako na din daw ang mangalaga nito. Tss. He has a point! Pero, hindi enough reason yun para pilitin niya ako sa gusto niyang course.

Noong 20 years old ako, 12 naman si France, graduate na ko noon sa business course ko. Lumayas ako ng bahay, siyempre hinold ni Dad yung ATM account ko, credit cards and everything. Kaya nagtrabaho ako bilang isang call center agent, umupa ng bahay at pinag-aral ko ang sarili ko ng gusto kong kurso, yun ay BS Special Education.. Ewan ko ba, basta mahilig ako sa mga bata. Kaya nung pagbalik ko ng bahay namin(bumalik ako dahil kay Mom, namiss ko ang nanay ko), galit na galit sakin si Dad at hindi ako kinikibo. Yun na din yung oras na naiinis na ko sa kapatid ko, lagi akong kinukumpara. Kesyo hindi daw sapilitan yung batang yun nung kumuha ng business course. Tss, e yun naman pala e, di sana sa kanya na lang nila ipamana tong kumpanyang to! Bakit ako nandito? Simple lang, dahil si Mom na ang nakiusap at nagmakaawa sakin. Sa kanya lang naman ako lumalambot, kasi nung mga panahong galit sakin si Dad, pati nung pinilit ako ni Daddy sa course na gusto niya, sa kanya ko lang naramdaman ang pagiging magulang. Yung tipong hindi kino-control ng nanay ko lahat ng gusto kong mangyari sa buhay. Tsk, unlike my father. Although hindi naman na ko galit kay Dad ngayon kasi kahit nagtatrabaho na ko sa kumpanyang ito, pumayag na din naman siya na magkaroon ako ng isa pang trabaho. Nagtuturo ako sa isang special school every Friday and Saturday. Ayun, nagkasundo na din kami kahit papaano.

Kahapon, kunwari lang na hindi pa ako nakakain ng ganung klaseng ulam na pinatikim sakin ni manang. Hahaha. Ang sarap talaga niyang asarin kasi pikon. Sinabi ko lang na di ako kumakain ng ganun kasi inaalala ko naman kahit papano yung kapatid ko, alam kong maselan yung tiyan nun. Di ba naman nakaranas ng hirap e. Kahit madalas kaming magtalo, minsan iniisip ko pa din na kadugo ko siya. Yuck! Pero, ayus naman kasi tinanggap ng bituka niya yung mga kinain namin kahapon. Pero madalas kasi, ang sarap asarin nung kapatid ko dahil pumapatol siya. Hahaha. Habit ko na ang pang-aasar. Kaya nga naging kami noon ni Jill-- Tss.

Anyway, inikot ko pa ang tingin ko sa buong kwarto, naglakad-lakad at nag-iisip ng mga dapat na gawing ayos sa kwartong ito. Tss. Bakit ba ko nagkekwento sa inyo? Sige na tsupee na k--!

"Ay! Pusa!" Ano ba yang para akong bakla. Natisod kasi ako dahil sa... Isang bagay... Pinulot ko at, "Ano to?" Malamang, kwintas. Nako, I look stupid here. Pero kanino ba to? May nakalagay na letter V na pendant, edi ibig sabihin, nagsisimula sa letter V ang pangalan ng taong ito.

Tinabi ko na muna sa bulsa ko at ipagtatanong ko na lang mamaya.

<Melissa's POV>

Nasaan na ba yung kwintas ko? Huhuhu. Hinanap ko na sa lahat ng lugar na pwede kong puntahan pero wala e. Pano pa ako mahahanap ng mga magulang ko? Kung hinahanap nga nila ako. Haaay. Pero, hindi naman masamang umasa na balang-araw ay makakasama ko sila.

Galing akong main lounge at paakyat na ko sa department ko. Nakakaiyak, hindi ko na talaga nahanap.

"Aww!" Sabay naming sabi nung babaeng nakabangga ko.

"Sorry, miss." Napaangat naman siya ng tingin at... Wow! Ang ganda niya.

"Aww, miss, ako yung dapat magsorry. Sorry for being absent minded." Nakakahiya, palinga-linga pa kasi ako baka may chance ko pang mahanap yung kwintas.

One Big Lie (On HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon