Congrats, nasa chapter 6ka na ;) Enjoy!
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 6: Birthday Surprise Part 1
Ilang araw na ang nakalipas nung nahimatay ako. Buti na nga lang hindi naulit e. Last Friday and Saturday, wala si PB, teacher daw siya ng Special Education tuwing ganung araw. Akalain mo yun, mahilig din naman pala sa bata. Hahaha. Akala mo puro kasamaan lang ng ugali at kabastusan yung alam. Hahaha. Si France naman, ilang araw ng hindi nagpaparamdam. Ewan, pero parang nalulungkot ako. Don't make me wrong ah! Namimiss ko siya, oo! Pero kapatid lang ang tingin ko sa kanya, kahit bumabanat siya ng mga kilig lines. Hehehe. Bata kasi siya sakin kaya ayun... Ayoko naman ng ganun, 27 na ako tapos siya 19 pa lang, edi ang pangit tignan. Mukhang pedophile lang.
Saturday ngayon at birthday ko. Haha, ang tanda ko na, pero wala pa din akong boyfriend tapos di ko pa din nakikita yung totoo kong magulang, pati yung kwintas ko. Buti na lang off ko ngayon sa work, kahit papano e mag-isa akong magse-celebrate ng birthday ko. Nakakalungkot nga pero sanay na ako. May mga oras na naaalala ko sina Mommy and Daddy, namimimiss ko sila. Tapos yung totoo kong magulang, gusto ko na din makita. Hindi naman ako nagtatanim sa kanila ng sama ng loob. Ewan, pero wala lang...hindi ko naman alam yung dahilan kung bakit wala ako sa piling nila.
Hmmm... San kaya maganda pumunta at i-celebrate ang birthday ko? Mall na lang siguro, kain sa Shakey's o kaya sa Pizza Hut. Nagke-crave ako sa pizza ngayon e. Naligo na ako at nagbihis. Simple lang, ang soot ko, blouse at pants lang. Alam kaya ni France na birthday ko ngayon? Hmm.. Di bale na nga! Si Jill, sigurado di niya alam. Nakakalungkot naman, sila pa naman una kong kaibigan ngayon. Eh si PB kaya? Tch! Yun pa! Wala naman akong paki kung di niya alam.
Lumabas na ako ng pinto ng bahay ko at may nakita akong puro chocolate kisses sa sahig. Sino naman kayang nakatapon nito? Pinulot ko naman isa-isa ang kisses na nasa sahig.
"25..26..27" Napulot ko na lahat ng kisses at nakarating naman ako sa gate ng inuupahan kong bahay. Pagdating ko sa gate, nakita ko ang isang papel na kulay sky blue na nakadikit sa gate. Wow! Peyborit kong kulay. Hahaha. Kinuha ko ang papel at itinapon sa sahig ang scotch tape na ipinandikit nito sa gate. Binuksan ko ang nakatuping papel at nakita kong may sulat sa loob.
"27 kisses for the beautiful lady. Pumunta ka sa lugar kung saan ka nagtatrabaho to find the next clue." Sino naman gagawa ng kalokohang to? Kung si France to..hmm..hindi! Impusible, di nga nagpaparamdam e. Sino kaya to? E bat ko naman hahanapin ang next clue, di naman kami close! Kaso...
PS: Wag kang magtangkang hindi ituloy ang race na to.
Parang command siya at hindi pakiusap. Ano pa nga ba? Sige na nga! Masarap naman yung kisses e. Hahaha. Nilagay ko na sa bag ko yung mga napulot kong kisses at nagtaxi na ko papuntang office. Pagdating ko dun, hindi ko alam kung saan hahanapin at kung ano yung next clue. Ang laki kaya ng building ng kumpanyang to. Tapos hindi pa detalyado yung pagkakadescribe dun sa nakasulat sa papel. Tsk!
"Kuya, alam mo ba yung tungkol sa clue?" Tanong ko sa guard namin.
"Ah, Maam Melissa, tama po ba? Hmmm... Yung clue po, nasa basement 1, carpark number 2."
"Ah, sige po kuya, thank you."
Nag-elevator na ako at nandito na nga ako sa basement 1, carpark number 2. Anung gagawin ko dito? Asan ang clue? Tsk! Sabi na nga ba, kalokohan lang to e. Sayang lang oras ko. Bago pa ako umalis ay inikot ko ang tingin sa carpark at tada! May isang tap down car, color black na BMW tapos may ribbon pang puti ang umagaw ng pansin ko. Ang ganda! Kanino kaya to? Bagong-bago e. Nilapitan ko ang kotse at isang kulay skyblue na naman na papel ang nakadikit dito na tumambad sa akin.
BINABASA MO ANG
One Big Lie (On HOLD)
RomanceThey waited for that big moment. They prepared themselves to what will happen... But something's wrong with the story... They grieve They've hurt They're in pain But all what happened... Is a one big lie. Copyright © 2013 All Rights Re...